"I REALLY can't believe this," ani Phylbert pagkatapos magbayad ni Jace ng toll fee sa North Luzon Expressway. Pinayagan sila ni Daddy Hiram na magtungo sa Pangasinan pagkatapos nilang magpaalam nang personal. Dinaanan nila ito sa opisina nito bago sila umalis ng siyudad. Hindi pa rin pala nawawala nang tuluyan ang pagiging responsible ni Jace.
Noong una ay ayaw sana siyang payagan ng kanyang daddy. Ipinaliwanag niya rito kung gaano kaimportante sa kanya na makita at makausap si Penelope. She promised him that she would be fine. Naisip din niyang dumaan sa Manaoag upang magpasalamat kay Mama Mary.
"I almost can't believe it either," nakangiting sabi ni Jace. Hindi naman ito mukhang nagsisisi na basta na lang nito iniwan ang trabaho nito para pagbigyan ang kagustuhan niyang makita si Penelope. He even looked happy and excited. Siguro ay dahil kay Penelope.
Marahil ay maaari na itong maging masaya ngayon sa piling ng kanyang best friend. Ngayong masaya na siya dahil nahanap na niya ang tamang lalaki para sa kanya at nakatakda na siyang ikasal, maaari na itong maging masaya na hindi nakakaramdam ng kahit na anong guilt. Ngunit paano naman si Joaquin, ang kapatid niya?
"What's wrong?"
Napatingin siya kay Jace. "Ha?"
"Bigla kang nanamlay. It's too late to change your mind now, Phylbie."
"Wala. May mga naiisip lang ako. Huwag mo akong masyadong intindihin. Ikaw nga ang iniintindi ko. Is it really okay for you to leave just like that?"
"Why the hell not? I've devoted my five years to that office. Hindi ako nagkaroon ng break o bakasyon. Puro ako trabaho sa mga nakalipas na taon. I deserve to leave just like that. The company will not fall apart if I'm not present for two days."
"Are you sure?" she teased.
"Very much so. I've wanted this for so long. Napakalaki ko na talagang tanga kung pakakawalan ko pa ang lahat ng pagkakataong daraan sa harap ko."
Tumango-tango siya. He was definitely talking about Penelope. Nakaramdam siya ng kaunting kudlit sa kanyang puso ngunit agad niyang binale-wala iyon.
"Wala man lang tayong nadalang spare clothes at junk foods." Kahit na biglaan ang pag-alis nila, masaya pa rin siya na makasama nang mga sandaling iyon si Jace. Masaya siya na muli niyang makikita si Penelope. Masaya siya na wala silang plano at napakarami nilang maaaring gawin na magkasama.
He smiled. "Mas exciting kapag wala sa plano, hindi ba? I'll stop at the nearest gas station for your junk food."
Dumaan nga sila sa isang gasolinahan at pinakyaw yata nito ang lahat ng sitsirya sa convenience store. Napangiti siya nang malapad nang iabot nito sa kanya ang isang jumbo size na frozen flavored drink.
"I've missed this," aniya bago sumipsip. It was too sweet. "Juan Cristobal would go ballistic."
Natigilan ito. "Why?"
Nagkibit-balikat siya. "He's a doctor. He hates junk food and liquid sugar. Mahilig siya sa fresh fruit juice and shakes. Maingat siya sa mga kinakain ko."
"It's not wrong to indulge yourself once in a while."
"'Yan din ang sinasabi ko sa kanya."
"Does he control you too much?"
"No, don't get me wrong. He spoils me rotten, believe me. He'd give me everything that would make me happy. Nagkataon lang na may sakit ako noong nagkakilala kami. He's... he loves me at natatakot siyang mawala ako sa kanya."
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Hindi ko gaanong na-gets."
Ngumiti na lang siya. Paano niya ipapaliwanag ang mga pinagdaanan ni Juan Cristobal noong mga panahong pasyente pa siya nito? He said he hated himself sometimes for getting too involved with a patient. He sometimes hated that he was so in love with her. Naiintindihan naman niya ito. Kung nagkapalit sila ng sitwasyon, she'd hate herself, too, for falling in love with someone who was dying.
Kaya hinahayaan lang niya ito sa pagiging overprotective nito sa kanyang kalusugan. She felt like she owed him for all the pain she had put him through. Hindi niya hinahayaan ang kanyang sarili na makaramdam ng pagkasakal. She loved everything about Juan Cristobal.
Iniba na lang niya ang paksa nila ni Jace. Hinayaan siya nitong dumaldal nang dumaldal tungkol sa paninirahan niya sa Boston habang nagmamaneho ito. Sinusubuan niya ito ng potato chips paminsan-minsan upang hindi ito mabagot. He seemed to love it. Hindi na nabura ang ngiti sa mga labi nito sa buong biyahe nila.
p>�3Rv͌>