"HUWAG kang titig nang titig sa mukha ko. makinig ka."
Napanguso si Phylbert sa sinabi ni Jace. Nasa bahay na naman nila ito. Katatapos lamang nilang maghapunan kasama ang mga magulang niya. Si Joaquin ay nakikain sa bahay nina Penelope. Nasa library silang dalawa at tinutulungan siya nito sa thesis na ginagawa niya.
"Ano'ng magagawa ko, ang pogi-pogi mo?" aniya.
Pinandilatan siya nito at tinapik ang binti niyang nakapatong sa kandungan nito. "Lalayasan kita. Akala ko ba, kailangan na kailangan mo ng tulong?"
Inayos ni Phylbert ang pagkakasandal niya sa armrest ng sofa kung saan sila nakaupo. Muli na naman nitong ipinaliwanag sa kanya ang mali sa ginawa niya at kung ano ang maaari niyang gawin upang maitama iyon. Sinikap niyang makinig kahit na nadi-distract siya sa guwapo nitong mukha. Seryoso itong nagpapaliwanag sa kanya at halos matulala siya rito. Nakalimutan na nga niyang mag-jot down ng notes sa notebook na hawak niya. Kahit na nang abutin nito ang kanyang laptop at nagsimulang tumipa sa keyboard ay wala pa rin siya sa sarili.
Nagsalubong ang mga kilay ni Jace nang makita nitong natutulala na naman siya. Mariin nitong pinisil ang ilong niya. "Bakit ba ayaw mong makinig para matapos mo na ito?"
"Ikaw na lang kaya ang gumawa niyan?"
Pinitik nito ang noo niya. "Ano ka, sinusuwerte?"
"Ang hirap-hirap naman kasi, eh."
"Gano'n talaga. Kaya ka nga tinutulungan, eh."
"Hindi ako makapag-concentrate kapag gumagalaw 'yang mga labi mo. Iniisip ko kung ano ang pakiramdam na mahalikan ng mga labing iyan."
"Phylbie!"
Lumabi siya at humalukipkip. "What? I'm just bein' honest. You haven't kissed me yet—a real kiss is what I'm talking about. Kiss me now."
"No. Let's study. Focus," anito sa tono na parang nanaway lang ito ng makulit at pasaway na bata.
"Kiss me!" pamimilit niya.
Marahas itong bumuntong-hininga. "Behave."
"'Don't wanna!" aniya, sabay iling. "Kiss me. Kiss me. Kiss me."
"No."
"Please?"
"No."
"Bakit ba? Girlfriend mo ako pero parang hindi naman gaanong nagbago ang relasyon natin. Bakit ayaw mo akong halikan? Malambot ang mga labi ko, not to mention matatamis. Masarap akong halikan, promise."
Pinandilatan siya nito. "Behave. Nasa labas lang ang daddy at mommy mo."
"Eh, ano? Alam naman nila na mag-boyfriend tayo. Hindi na sila magugulat kung madatnan nila tayong nagme-make out dito. Mas magtataka sila kung nag-aaral nga tayo rito at walang ginagawang anumang kalokohan."
"Well, making out is not my thing."
"Let's make it your thing. Sige na. Huwag mo na akong pahirapan. Hindi ba talaga ako kissable?"
Isinuklay nito ang mga daliri sa buhok. "Bakit ba ang kulit mo?"
"Bakit ba kasi ayaw mo akong pagbigyan para hindi na kita kinukulit at para makapag-aral na rin ako?"
Napasinghap si Phylbert nang malakas nang bigla na lang hilahin ni Jace ang braso niya. Napabangon siya mula sa pagkakasandal niya at bago pa siya makahuma ay nahawakan na nito ang kanyang batok. Napakabilis ng mga pangyayari. Namalayan na lamang niyang magkalapat na ang kanilang mga labi. He kissed her softly and gently.
Hindi siya nakapag-react kaagad. Nanlalaki ang mga mata niya habang hinahagkan siya nito. Kahit na kinukulit niya ito, hindi niya inaasahan na bibigay ito sa kanyang kakulitan. Dati naman kasi ay hindi siya nito pinapatulan kahit na ano pa ang sabihin niya.
Nang makumbinsi niya ang kanyang sarili na nangyayari nga sa kanya ang bagay na iyon ay unti-unti siyang pumikit. She savored the taste of his kiss, of his lovely sweet lips. Unti-unti rin siyang natuto kung paano tumugon. Natigilan ito ngunit sandali lamang. Pumaloob sa buhok niya ang mga daliri nito at mas nilaliman pa ang halik.
Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga tumitira ng bawal na gamot ngunit ganoon marahil ang pakiramdam ng high. Alam na rin niya ang naramdaman ng fairy-tale princesses nang hagkan ang mga ito ng kanilang mga prinsipe. Hindi lamang siya basta masaya. She was ecstatic. Tila siya nasa ulap. Muli, naramdaman niyang wala nang kulang sa buhay niya. Nasa kanya na ang lahat.
She was still in daze when he let go of her lips.
"So, mag-aaral na tayo?"
Was he kidding her? Paano pa siya makakapag-aral? Hindi nga siya makapag-isip nang tuwid. Sunod-sunod siyang umiling. "Isa pa."
"Phylbie, pinagbigyan na kita. Enough already. Isusumbong kita sa daddy mo."
"Daddy, ayaw akong i-kiss ni Jace!" sigaw niya.
Tinakpan nito ang bibig niya sa pamamagitan ng kamay nito. "Phylbie!"
"Isa pa," pangungulit niya.
Umiiling-iling na tumawa ito. "Bakit ba ganyan ka?"
"Kasi love na love kita. Isa pa! Isa pa!"
"All right. All right." Unti-unti nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya.
"Hurry."
When their lips touched, she was in heaven again.
sabihin m�2RD��