Chapter 37

25.6K 364 56
                                    


HINDI maampat ni Phylbert ang kanyang mga luha. Ang sabi niya ay tama lang ang nangyari. Para sa ikabubuti ng lahat ang naging desisyon nila ni Jace. Hindi na nila maaaring mahalin ang isa't isa katulad noon. Marami na ang nagbago. May mga taong masasaktan. May binitawan na siyang pangako sa isang lalaki.

Ngunit kahit na paano niya aluin ang kanyang sarili, nasasaktan pa rin siya. May malaking parte pa rin sa kanya na hindi matanggap ang kinahinatnan nila. She was too heartbroken to calm down. Nasasaktan siya dahil hindi niya maaaring makasama ang lalaking pinakamamahal niya.

Hindi na niya alam ang iisipin, ang mararamdaman niya. Hindi na niya alam kung sino ang mas pahahalagahan niya—si Jace o si Juan Cristobal?

"You'll make yourself ill."

Napapitlag si Phylbert nang marinig niya ang tinig ni Juan Cristobal. Kaagad niyang pinahid ang kanyang mga luha. Wala siyang karapatang magpakita ng ganoong attitude kay Juan Cristobal. Hindi niya maaaring iyakan ang ibang lalaki. It would be so unfair to him.

Inilapag nito sa bedside table ang dala nitong tray na may pagkain bago ito nagtuloy sa banyo. Paglabas nito ay may dala-dala na itong basang bimpo. Pinunasan nito ang mukha niya na tila siya paslit na nag-iiyak. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Namamasa na naman ang kanyang mga mata. She didn't deserve a man like him.

"Don't cry," he crooned. "Kanina ka pa rito umiiyak. Halos hindi mo na maimulat ang mga mata mo sa sobrang pamamaga. You're ugly na." ngumiwi pa ito sa huling sinabi nito.

Hindi niya nagawang ngumiti man lang. Ang tanging tumatakbo sa isip niya ay hindi siya ang babaeng karapat-dapat dito. Ang dapat dito ay isang babaeng mamahalin ito nang buong puso. Hindi isang babae na nagmamahal dahil sa pangangailangan, dahil dito niya naramdaman ang love at security na matagal niyang inasam.

"Kakain ka, ha?" anito habang inaayos ang tray sa kandungan nito. "Susubuan kita."

"JC..."

"Kakain ka muna bago tayo mag-usap. Kanina pang umaga walang laman ang tiyan mo. Ayokong magkasakit uli ang pinakamamahal kong pasyente sa buong mundo."

Kahit na wala siyang gana ay sumunod na lang siya. Hindi niya nalalasahan ang pagkain niya kaya nilunok na lang niya nang nilunok hanggang sa maubos. Nang ibalik nito sa bedside table ang tray ay sinalubong nito ang kanyang mga mata.

Humugot ito nang malalim na hininga. "Now, it's time for us to break up."

Nalaglag ang kanyang mga panga. Ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata. "Pardon?"

"I'm dumping you," walang anumang sabi nito.

Napalunok siya nang sunod-sunod. Lalong hindi niya malaman ang iisipin at gagawin. Binibiro ba siya ng pandinig niya? O nananaginip lamang siya? Totoo bang nangyayari sa kanya ang lahat ng iyon?

"D-don't you love me anymore?" tanong niya sa munting tinig.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Juan Cristobal. Nabasa niya ang pagmamahal sa mga mata nitong nakatunghay sa kanya. "You know I adore and love you, 'bie. But you obviously don't love me the way I love you."

"That's not true!"

Umiling ito. "Alam mo sa sarili mo na sa ating dalawa, mas ako ang nagmamahal. Not that I mind. My love for you is enough for both of us—iyan ang palaging rason ko. Hindi naman ako naninimbang o nagkukuwenta. Love isn't a competition. Relationship is not about who loves more. But I've been thinking, I don't deserve this. You're in love with someone else and I can't continue pretending I don't know that. Sarili ko lang ang niloloko ko. So, naisip ko, mas maigi nang tumigil na tayo habang hindi pa huli ang lahat. I don't wanna be miserable in the future. I don't want you to be miserable. I don't wanna regret loving you, Phylbert."

"JC, walang namamagitan sa amin ni Jace. Ganito lang siguro ako ngayon dahil masyado kaming apektado sa nakaraan. I love you."

"I know you do. Unfortunately, I also know you love him more."

"That's not true!"

"Stop lying, Phylbert!" he snapped.

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Marahas itong bumuntong-hininga. "Gusto kong magpakamartir, alam mo ba. Gusto kong magkunwari na wala akong nakikita, wala akong nararamdaman. Pero tao lang ako. It's been so long already and I owe this to myself. You've been in love with him all along. Kahit na iba ang sinasabi ng bibig ko, alam kong siya pa rin ang nilalaman ng puso mo. Ni minsan, hindi ko narinig mula sa 'yo ang 'I love you, Juan Cristobal.' Palaging 'I love you, JC,' 'I miss you, JC.' Tuwing may bone marrow biopsy ka o chemo o you were simply in pain, you uttered 'Jace.' Minsan, naloloko ko ang sarili ko at pinaniniwala kong 'JC' ang inuusal mo, pero alam ko pa rin ang totoo.

"Nang sabihin mong uuwi ka rito, natakot ako. Gustong-gusto kitang pigilan. Natakot ako na kapag nagkita uli kayo, ma-realize mo na hindi pala ako ang tamang lalaki para sa 'yo. Natakot akong mawala ka. Natakot ako na katulad ka ni Melanie sa paborito mong Sweet Home Alabama. The truth is, you had given away your heart a long time ago. Your whole heart. And you never really got it back." Tumawa ito na puno nang pait. "I can't believe I'm quoting a movie. You said you hated Melanie for choosing Jake over the perfect Andrew Hennings. You hated her because you knew what she felt, you knew why her heart chose Jake. Ang sabi lang ng utak mo, mali, pero iba ang sinasabi ng puso mo.

"You've always been team Jake. You adore Josh Lucas, too. Don't dare deny it, I know. You swoon everytime he smiles. You love his gorgeous blue eyes. Loyal ka lang masyado kay Patrick Dempsey kaya hindi mo gaanong ipinapakita. Hindi mo rin matanggap na mas gusto mo na si Jake kaysa kay Andrew. I don't like Andrew. The truth is, I don't like that movie. Pinagbibigyan lang kita tuwing pinapanood mo ang pelikulang iyon. Pero ngayon ko naiintindihan si Andrew. Ngayon, alam ko na ang naging pakiramdam niya nang sabihin ni Melanie na hindi sila dapat na magpakasal. He was badly hurt but at the same time, he wanted Melanie to be happy with the man she loves. That's how a man truly loves a woman. Ayoko nang umabot pa tayo sa wedding march bago natin ma-realize na mali ang magpakasal. I can dump you—dump you to where you really belong, to Jace."

Lumuluha na niyakap niya ito nang mahigpit na mahigpit. "I'm sorry."

"Don't be. Someday, I'll find my Erin."

Sandali siyang nalito hanggang sa maalala niya na "Erin" ang pangalan ng babaeng nakatuluyan ni Andrew Hennings sa pelikula.

Hinagkan nito ang noo niya. "Be happy. Iyon lang ang hinihingi kong kapalit."

Hindi niya alam kung magpapasalamat siya o hihingi uli ng tawad. Sa bandang huli, hinigpitan na lang niya ang pagkakayakap niya rito. Napakasuwerte niya dahil dumating ito sa kanyang buhay at minahal siya nito nang sobra-sobra. Hindi nga siya ang karapat-dapat na babae para dito. Sana ay dumating na kaagad ang tamang babae na makakapagpaligaya nang lubos dito.

bs3R/ 

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon