Chapter 38

48.4K 847 152
                                    


PAUWI na sana sa bahay si Phylbert nang makatanggap siya ng tawag mula kay Tita Rachelle. Hindi pa man siya tapos na bumati ay inutusan na siya nitong magtungo sa bahay ng mga ito at bago pa man siya makapagtanong ay pinutol na nito ang linya. Histerikal ang tinig nito kaya kaagad niyang inutusan ang driver na magtungo sa bahay ng mga Carillo.

Inihatid niya kaninang hapon si Juan Cristobal sa airport. Kinausap nilang dalawa ang mga magulang at kapatid niya at pormal na sinabing wala nang kasalang magaganap. Ipinaliwanag nila na desisyon nilang dalawa ang bagay na iyon at alam nilang iyon ang makabubuti. Walang gaanong sinabi ang pamilya niya. It was like they already expected that to happen. Ang sabi niya kay Juan Cristobal ay sasama siya rito pabalik sa Boston upang makapagpaliwanag rin siya sa pamilya nito, ngunit ang sabi nito ay ito na ang bahala. Kailangan daw niyang ayusin muna ang lahat sa pagitan nila ni Jace.

Pagkagaling ng airport ay nagtungo muna siya sa mall at wala sa sarili na naglakad-lakad. Inisip niyang maigi ang mga magiging plano niya. Ayaw niyang magpadalos-dalos. God knows she wanted to be with Jace. Ngayong malaya na siya, wala na siyang dapat na alalahanin.

Ngunit magiging lubos ba ang kaligayahan niya kung alam naman niyang may nasaktan siya? But Juan Cristobal wanted her to be happy. She promised him that she would be happy.

Ang isa pang iniisip niya ay pinakawalan na rin siya ni Jace. Ang alam nito ay si JC ang mahal niya, ang lalaking nararapat para sa kanya. Kapag bigla na lang siyang nagpakita at sinabing hindi na matutuloy ang kasal niya, ano ang gagawin nito? Would he have her back? Ganoon lang kadali at kasimple?

Habang papasok sa mansiyon ng mga Carillo ay hindi niya napigilan ang makaramdam ng matinding kaba. Paano kung naroon si Jace?

"Sa bar po, Ma'am," anang isang kawaksi bago pa man siya makapagtanong. Nagtungo na lang siya sa bar. Tahimik ang kapaligiran at baka wala naman doon si Jace. Naisip niya na baka umiinom na naman si Tita Rachelle. Ano kaya ang sadya nito at pinapunta siya nito roon?

Pagpasok niya sa bar ay hindi si Tita Rachelle ang nadatnan niyang naroon. It was Jace. Sunod-sunod ang paglagok nito ng alak. Tila sadyang nilulunod nito ang sarili sa alkohol. He looked miserable. Wala sa ayos ang damit nito. Magulong-magulo ang buhok at tila ilang araw na itong hindi nag-aahit.

She felt a tightness in her chest. Nais niya itong yakapin nang mahigpit at burahin ang lahat ng kamiserablehan sa anyo nito. She wanted to make him happy. She needed him. She wanted to be with him.

And she could do that. Malaya na siya. Pinakawalan na siya ni Juan Cristobal. Kahit na ang dati niyang kasintahan ay alam na si Jace Angelo talaga ang nilalaman ng kanyang puso. Hinayaan niyang mas manaig ang kanyang puso, ang pagmamahal niya. Hindi na lang muna siya mag-iisip. Hahayaan niyang maging masaya ang kanyang sarili.

Nilapitan niya ito. Inagaw niya ang basong dadalhin na sana nito sa bibig nito. Siya ang uminom niyon. Napangiwi siya nang gumuhit sa lalamunan niya ang hindi kaaya-ayang lasa niyon. Why did men love liquor?

Ibinagsak niya sa bar ang baso. "JC dumped me," sabi niya rito bago pa man ito may masabi sa kanya. Hinintay niyang may sabihin ito ngunit nakatingin lang ito sa kanya na tila iniisip pa nito kung totoo siya o produkto lamang ng imahinasyon nito. Hindi naman ito mukhang lasing na lasing na, ngunit kahit paano ay may tama na marahil ito ng alkohol.

Mariin niyang pinisil ang magkabila nitong pisngi. "Aw," reklamo nito.

"He said I've always been in love with you and he's right. I gave you my whole heart long time ago and you still have it. I love you."

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon