Chapter 26

21.8K 352 10
                                    


"MASAYA akong makita ka uli," sabi ni Phylbert kay Penelope habang nasa loob sila ng silid nito. Pinahiram siya nito ng pantulog. Ang lakas ng tawa nito nang sabihin niyang wala siyang nadalang kahit na ano dahil sinapian ng kung anong espiritu si Jace.

Dahil wala silang plano ni Jace, pumayag sila na makipanuluyan sa bahay nina Penelope. Hindi naman daw sila bumiyahe nang malayo upang bumalik din kaagad sa Maynila. Her family warmly welcomed them into their home. Hindi sila maubusan ng kuwento ni Penelope. They made up for lost time. Tila nga hindi sila naghiwalay noon na may matinding samaan ng loob. Tila lang sila bumalik sa nakaraan.

"Bakit hindi si Jace ang pakakasalan mo?" tanong nito habang nakatingin sa daliri niya.

Nahiga siya sa kama nito at niyakap ang isang unan. "Hindi ko rin inakala noon na ibang lalaki ang pakakasalan ko. Alam mo naman na walang ibang lalaki sa paningin ko noon kundi si Jace lang. Sa kanya lang umikot ang mundo ko. Nakakondisyon ang isip at puso ko noon na siya lang ang lalaking para sa 'kin, ang pakakasalan ko, ang magiging daddy ng mga baby ko, at makakasama ko hanggang sa pumuti ang mga buhok ko at mangulubot ang balat ko. I couldn't contain the love I felt for him. Hindi ko inasahan na iibig ako sa iba pero heto ako ngayon. You'd love JC, Pen. Maiintindihan mo rin kung bakit mahal ko siya ngayon. Ikaw, bakit hindi naging kayo ni Jace nang umalis kami ni Kuya?"

Nahiga ito sa tabi niya. "Alam na alam ko ang damdamin mo para kay Jace. Kaya nga hindi ako nagalit sa 'yo noon, eh. Saksi ako kung gaano mo siya minahal. Kaya rin siguro hindi ko magawang buksan ang isipan ko sa posibilidad na puwede na kami ni Jace nang umalis kayong magkapatid. Naisemento mo rin yata sa isipan ko na ikaw ang nararapat para kay Jace. Parang wala nang ibang babaeng mas magmamahal pa sa kanya kundi ikaw lang. Nitong mga nakaraang taon, madalas kong nahihiling na sana ay natagpuan n'yo ni Jace ang daan pabalik sa isa't isa. Akala ko ay nakuha ko ang hiling ko kanina nang magbiro ka."

She smiled tenderly. "You must love me so much to wish for something like that." Naramdaman na naman niya ang panliliit sa sarili niya. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya rito, dapat ay galit ito sa kanya. Dapat ay hindi siya nito tinanggap sa tahanan ng mga ito.

"I love you, Phylbie. Hindi ka lang basta kaibigan, para ka na ring kapatid ko. Kahit na ilang taon tayong hindi nagkita, hindi na mabubura iyon. Kahit na nagkaroon tayo ng hindi magandang nakaraan, mananatili kang mabuting kaibigan. Isa pa, may kasalanan rin ako sa 'yo. Dapat lang na nagalit ka."

"I don't deserve that," aniya sa munting tinig. "Ako ang dahilan kung bakit nawalan ka ng scholarship, kung bakit nawalan ng trabaho ang papa mo. Naging makasarili ako. Ang inisip ko lang, ang kalagayan ni Kuya Joax at maging akin si Jace. I was a spoiled brat, a bitch. You should hate me."

"I should but I don't—I can't. Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa ang mga bagay na iyon. May karapatan ka naman. Alam kong masyado kang nasaktan. Kahit na sino naman kapag nasaktan, gumaganti at hindi nakakapag-isip nang tuwid. Alam kong masyado kang nagmahal at masyado ka ring nasaktan."

"I'm really sorry, Pen. Sa loob ng limang taon, pinagsisihan ko ang lahat. Iyong mga masasakit na nasabi ko sa 'yo, hindi ko sinasadya. Nasaktan lang talaga ako. Pero nang nasimulan kong tanggapin ang mga bagay-bagay, unti-unting nabura ang galit."

"Huwag mo nang pakaisipin ang bagay na iyon. Hindi ba, ikaw ang palaging nagsasabi sa akin noon na palaging may mas magandang plano ang Diyos? Kung hindi mo iyon ginawa, hindi kami uuwing mag-anak dito sa probinsiya. Kung hindi nawalan ng trabaho si Papa, hindi niya malalaman na mas epektibo siyang negosyante kaysa simpleng empleyado. Napalago niya ang halagang nakuha niya bilang separation pay sa kompanya. Nag-umpisa kami sa maliit na puwesto, limang kabang bigas, at sampung kaban ng feeds. Inulan kami ng suwerte rito at umunlad ang kabuhayan namin. Don't feel bad about it."

Napabuntong-hininga siya. Labis siyang nagpapasalamat sa maraming biyayang ibinigay sa pamilya nito. They deserved everything good that happened to them. "Believe me, I wanted to talk to you before I left. Kaya lang, ayaw ni Kuya na lumapit ako sa 'yo. Hindi kita ma-contact. Daddy and Mommy were frantic and worried sick. Gusto nilang lumipad ako kaagad ng Boston para maumpisahan ang treatment ko. Ayokong sa Pilipinas magpagaling noon. Ayokong kaawaan ako ng mga tao—lalo kayo ni Jace."

Kunot na kunot ang noong tumingin ito sa kanya. "Hindi ko maintindihan."

"Hindi pa ito alam ni Jace at sana ay huwag mo munang sasabihin sa kanya. Noong maospital ako noon, I was diagnosed with acute lymphocytic leukemia. Nagdesisyon akong sa malayo magpagamot. Dahil sa Boston ang job offer ni Kuya, doon na rin ako. Pumayag sina Mommy at Daddy dahil mas advance ang medisina sa Amerika. Mas malaki ang chance kong maka-survive though ang sabi naman ng mga doktor ay malaki talaga ang chance ko."

"Oh, my God!" Natutop ni Penelope ang bibig nito at nagsimulang mamula at mamasa ang mga mata nito. "Oh, my God," she cried. Niyakap siya nito nang mahigpit. "Bakit hindi mo sa akin sinabi noon?"

"I... I couldn't contact you. Ayoko ding mag-alala ka. Ayokong kaawaan mo ako. Ayokong ibigay n'yo sa akin ang lahat dahil lang may malala akong sakit at maaari akong mamatay. Noong mga panahong iyon, gusto kong maging masaya kayo ni Jace. Kaya mas pinili kong lumayo para hindi kayo mahirapan, para mawalan na ng hadlang. Mahal ko kayo pareho at gusto kong maging masaya kayo."

"Gaga," anito sa pagitan ng pag-iyak. "Gaga ka talaga."

Natatawang pinahid niya ang mga luha nito. "Oo nga. I'm fine, Pen. Don't worry about it. I made it, thank God. May itatanong sana ako at gusto kong maging tapat ka sa 'kin. Huwag mo nang intindihin ang mararamdaman ko. Gusto ko lang malaman ang totoo. Minahal mo ba si Joax noon o naging panakip-butas lang talaga siya?"

Mahabang sandali itong natahimik. Ang akala niya ay hindi siya nito sasagutin. "Alam mo ba kung bakit nagtatago ng isang diary ang tao? Usually, ang nakasulat sa isang diary ay saloobin ng isang tao na walang mapagsabihan. Sa sobrang sidhi ng damdamin niya, kailangan niya ng outlet. Mas madalas na lungkot ang saloobin na iyon. Kapag masaya ang isang tao at malaya niya iyong naipapakita sa iba, hindi niya magawang magsulat sa diary. Masyado siyang abala sa pagiging masaya, sa pag-iisip sa taong nagpapasaya sa kanya. Nakakalimutan niya ang lahat dahil sa labis na kaligayahang nararamdaman niya. Hindi kailanman naging panakip-butas si Joax."

Tila may kung anong kumurot sa kanyang puso. "Mahal mo pa rin ba siya hanggang ngayon?"

"Kumusta na siya?" tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya. "Galit pa rin ba siya?"

Huminga siya nang malalim. "He's doing very well. Nagtatrabaho siya sa opisina pero hindi naman nawala ang hilig niya sa photography. Tumatanggap siya ng trabaho paminsan-minsan. He published two photobooks that received numerous awards."

"Masaya akong malaman na naging maayos siya."

"Sana makapag-usap kayo pag-uwi niya."

Hindi na ito sumagot. Tila nasa malalim itong pag-iisip at hindi na niya ito inabala. Sana ay magkaharap ito at ang kapatid niya. Kung ang dalawa ang nakatakda para sa isa't isa, magiging masaya siya para sa mga ito. Ngunit paano naman si Jace?

ce:none;vert[3R��� 

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon