Chapter 23

23.6K 357 24
                                    


"ARE YOU busy?" tanong ni Phylbert kay Jace isang umaga, binisita uli niya ito sa opisina nito.

"Not really. Why?" tanong nito habang may pinagkakaabalahan ito sa computer nito.

"Hindi ba ako nakakaistorbo rito ngayon?" It was her fifth day in the Philippines and she was already all over the place.

Nakangiting umiling ito. "I like having you around."

"Wow, you've certainly changed. Dati, palagi mo akong ipinagtatabuyan paalis. Ayaw na ayaw mong naiistorbo kita sa trabaho mo."

"That was before. Kung maaari nga lang ay itali kita sa 'kin para lagi kitang nakikita at nakakasama."

Natawa siya. "If I didn't know any better, iisipin kong you're madly in love with me now."

"What if I am?" tudyo nito sa kanya.

Natawa siya. "Well, sorry, you had your chance and you blew it. Big time." Iwinagayway niya ang kamay niyang may suot ng engagement ring.

Nabura ang ngiti sa mga labi nito. Gumuhit ang pait at panghihinayang sa mga mata nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "I was just kidding. I didn't mean anything—"

"I know," putol nito sa sinasabi niya. "It's okay. I'm okay." Sa ekspresyon ng mukha nito, tila kinukumbinsi pa nito ang sarili na okay nga ito. Hindi niya gaanong napagtuunan ng pansin ang ekspresyon nitong iyon dahil may mahalaga talaga siyang sadya rito kaya nang-aabala siya.

"Nag-research ako nitong mga nakaraang araw," panimula niya. Sa loob ng limang araw, palagi silang magkasamang dalawa. Walang mintis ang lunch dates nila. Sa dinner naman ay madalas din niya itong kasama dahil sumasali ito sa dinner nilang mag-anak. Noong isang gabi ay si Tito Lyle ang kasama nilang kumain sa labas. Sinamantala na niya dahil alam niyang mahihirapan na siya kapag dumating na si Joaquin.

"About?"

"Penelope's whereabouts. Wala siyang Facebook o Twitter account kaya nahirapan akong hagilapin siya. Tinawagan ko 'yong ilang mutual friends namin para tanungin kung may balita sa kanya. Ayon sa nakalap ko ay nasa Pangasinan siya, her father's province. Madalas niyang ikuwento sa 'kin noon na palagi silang nagbabakasyong mag-anak doon. Nagdesisyon silang tumira na lang doon matapos mawalan ng trabaho ang papa niya dahil nagbawas ng empleyado ang kompanya." Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. "Kagaya ng inamin ko noon sa 'yo sa sulat, kasalanan ko. Malapit ako sa asawa ng presidente ng kompanya dahil pareho kaming active sa charity work noon. I kinda exaggerated the kuwento 'bout us all then." Marahas siyang nagpakawala ng hangin. "I wish I had the time to correct all my mistakes before I left. Nagmamadali kasi silang lahat noon, eh. Parang mamamatay na ako ora-orada. Anyway, gusto ko pa ring itama ang mga nagawa kong kasalanan. Gusto kong humingi ng tawad kay Penelope. Hindi ako mapakali. I want my best friend back. Gusto kong siya ang maging maid of honor sa kasal ko."

Limang taon na siyang hindi mapalagay. Tuwing naiisip niya ang mga nagawa at nasabi niya kay Penelope noon, nanliliit siya. Nahihiya siya sa kanyang sarili. Noong mga panahong tila masarap nang sumuko at hayaan ang kamatayan na tangayin siya, iniisip niya na hindi pa maaari dahil hindi pa siya nakakahingi ng tawad kay Penelope. She promised herself that she would find her someday and apologize earnestly.

"Hindi na rin nakipag-communicate sa 'kin si Penelope mula nang huli kaming nag-usap. I let her be. We needed space at the time. Nitong mga nakaraang taon ay talagang naging abala ako at hindi ko na siya naalala."

My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon