NGINITIAN ni Phylbert si Juan Cristobal pagkatapos nitong ilapag sa coffee table ang isang baso ng guyabano shake. "Hindi na kailangan na ikaw ang gumawa niyan," aniya nang maupo ito sa kanyang tabi.
Nasa entertainment room silang dalawa. Dapat ay ipapasyal niya ito ngunit wala siyang gana. Nagi-guilty nga siya dahil hindi niya ito gaanong naaasikaso mula nang dumating ito.
"I like doing things for you," anito habang ipinapaloob siya sa mga bisig nito. Hinagkan nito ang kanyang sentido. "I was starting to worry," bulong nito.
"I'm okay, JC." Kahit siya ay hindi kumbinsido sa sinabi niya. She was far from being okay. Palagi niyang naiisip si Jace. Nasa malapit lamang ang fiancé niya ngunit ibang lalaki ang iniisip niya, ang kanyang hinahanap-hanap. Hindi pa rin nagpapakita sa kanya si Jace mula nang gabi ng party. Hindi rin ito tumatawag o nagte-text. May mga pagkakataon na hirap na hirap na siyang pigilan ang kanyang sarili. Nais niya itong tawagan o puntahan.
Ang palaging katwiran niya, nais lamang niyang malaman kung okay lang ito. Ngunit sino nga ba ang niloloko niya? She just simply wanted to see him.
Alam ni Phylbert na mali ang nararamdaman niya. May mga pagkakataon na pakiramdam niya ay lalamunin na siya nang buo ng guilt, ngunit kahit na ano ang gawin niya ay hindi niya mabura sa kanyang isipan si Jace. Juan Cristobal never deserved this from her. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nito para sa kanya, iyon ba ang isusukli niya rito?
Ang totoo, natatakot na siya sa mga nararamdaman niya. Natatakot siyang masaktan. Natatakot siyang makasakit.
"Hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala," anito. "Palagi ka na lang matamlay. Palagi kang walang gana sa pagkain. Tulala ka. Parang ang lalim palagi ng iniisip mo. You know you can always tell me anything, Phylbert. You know I'll always understand."
Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. "You're the last person I wanna hurt, JC. I'd rather die than hurt you."
"Now I'm scared," anito.
"Don't be," she frantically said. Tumingin siya sa mga mata nito. "I love you, JC. I'm marrying you. Hindi kita iiwan, hindi ipagpapalit. Basta, ikaw palagi ang pipiliin ko." Mas maigi nang siya ang masaktan kaysa ito.
He cupped her face. "Call me 'Juan Cristobal.' I hate it when you call me 'JC.' It sounds like 'Jace.'"
Tuluyan na siyang napaluha. "I'm sorry..." Hindi niya masabi kung ano ang inihihingi niya ng tawad.
Pinahid nito ang kanyang mga luha. "I love you."
"I love you, too." But I love him more. Lalo siyang napaiyak sa pagdating ng katotohanang iyon. Humagulhol siya sa dibdib ni Juan Cristobal. What did she do to deserve someone like him?
Niyakap siya nito nang mahigpit. "Hush, honey. You'll make yourself ill. You've been crying for days already."
"I'm sorry..." aniya sa pagitan ng hagulhol. "I'm so sorry."
;tab-stops:.253R"