Tension
(Unedited. No proof read (char), mamaya ko nalang ayusin. Haha kagabi pa dapat 'to eh. Mag adjust na muna kayo ha? Vote, comment and spread)
--
Nanlalamig ang buong pakiramdam ko at mas tumindi ang kaba ko noong tapos na ang first subject namin kay Miss Jenny. Break time namin, what's going to happen? Parang gusto ko malusaw sa kaba na nararamdaman ko, gusto kong ibaon ang sarili ko sa lupa dahil sobra talaga akong nagulat. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Pre, meryenda na muna tayo?" Si Nikko at kinakausap niya si King.
Ang daming nakaabang sa labas ng classroom namin. Pati sila nagulat sa pagbabalik ni King. Isang taon din siyang nawala, everyone miss him at kahit wala akong karapatan, miss na miss ko rin siya. Sobrang miss!
Nag-iba ang hairstyle niya at may bahagyang brownish highlights ang buhok niya, hagip ng paningin ko ang earing niya sa kaliwang tenga niya na noon pa man meron na pero tinanggal niya nung maging kami. Kahit nakatalikod siya pansin ko ang bahagyang pag payat niya at napansin ko rin na wala siyang suot na singsing, iyong couple ring namin na tinanggal ko na rin sa daliri ko pero ginawa kong kwintas. Tinapon niya na siguro iyong kanya.
"Bilhan niyo nalang ako, sa tambayan na ako maghihintay! Kingina, masakit pa ulo ko, bunganga pa ni Miss Jenny ang bumungad sa'kin!" Sabay hagod niya sa may leegan niya
Tumawa si Nikko, "Oh masakit na ba ang leeg mo? Stiff neck na iyan pre kakaiwas ng tingin--este mag'unan ka kasi!"
"Hayup ka!" Si King at nagets ata ang sinabi ni Nikko "Bilhan niyo na lang ako, hihintayin ko kayo sa taas! Kingina h'wag niyo akong paghintayin!" Babala niya sa mga kaibigan niya at naglakad na ito palabas ng classroom
"Sanay ka naman maghintay pre!" Pang-aasar ni Mokya pero nagpatuloy pa rin itong lumayo.
Noong tuluyan na siyang nakaalis ay pakiramdam ko tsaka nalang ako nakahinga ulit. I think I was holding my breath the whole time.
"Tara na?" Si Nikko, "Libre mo ko, Jane myloves!" Sabay akbay niya kay Jane na bahagyang siniko lang ito ng kaibigan ko.
I don't know what to feel. Pakiramdam ko nga hindi man lang ako tiningnan ni King kanina. He is angry, of course, pero dati naman hindi naman siya ganun, madali lang siya paamuhin.
I sighed
I guess masyadong malala iyong nagawa ko sa kanya. I deserve this.
"Sa library lang ako ha. May kailangan pa pala akong tapusin na reviewer" pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko.
They all look at me na parang nakatahi ang mga isip nila, same thought kumbaga. Natawa ako ng bahagya, "Ano ba namang tingin iyan, busog pa ako eh! Kita nalang tayo next subject!" I smiled widely at naglakad na papunta ng library
"Nique!" Si Nikko at sumigaw ito kaya agad akong napalingon sa kanya, "Papuntang tambayan naman iyan diyan eh!" Tumawa ito at bigla naman akong nag iba ng direksyon, nakakahiya, "Joke ulit Nique, diyan talaga ang daan papuntang tambayan! Ginaguide lang kita sa tamang daan!" They all laughed.
Nakabalik ako sa wisyo at napatanto ko nga na tama naman iyong unang dinaanan ko papuntang library! Nakakaloka! Nakakainis din 'tong Nikko na'to eh! Napa-irap nalang ako sa kanila at patuloy naman sila sa kakatawa, bushak.
-
Habang naglalakad ako papunta sa library ay may nakasalubong akong iilang babae and seems like they're younger. Nag try ako iwasan sila pero dahil sa pagblock nila na daanan ay alam ko na ako ang punterya ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Love Game 3: To be or not to be? (√)
Подростковая литература"this is the end of the game, are we really meant to be or not to be?"