Plan
Pinahiga ko si Monique sa kama after she vomitted.
"Nay, okay ka lang ba? Pumunta na tayo sa doctor or let's call your dad"
"No! H'wag mo gawin 'yan Tay! Okay lang ako, okay? Stress lang 'to." she smiled pero just as I'm about to calm down ay sumuka na naman siya.
"Nay, w-wait Nay! You're not okay, pumunta na tayo ng hospital!" I insisted at akmang bubuhatin na sana siya kaso tinabig niya lang ang kamay ko
"I said I'm fine! Gusto ko lang matulog, okay? Don't worry. Tsaka, sobrang stress ko lang ngayon kasi nga malapit na exam week. That's just it. B-bukas, okay na ako ulit." she smiled again and stood up.
Pinagmasdan ko siya as she headed to the bed at talagang kinakabahan pa rin ako. Lumapit ako sa kanya to console her.
"Nay, baka gusto mo ng gamot? Nag-aalala ako, seryoso." I said at kingina naiiyak ako sa takot!
She death glared me and rolled her eyes, "Elijha mas naiistress ako sa reaction mo! Calm down, okay? Okay lang talaga ako at totoong stress lang 'to. It always happens, right? Remember nung high school tayo?"
At agad akong napatango. Onga naman! I even rushed her to the hospital at napagalitan lang ako ni Dok dahil nga masyado siyang napagod at hindi ko naalagaan.
"Gusto mo ba ng gatas? Anything Nay, just tell me." I said
She shook her head, "I just want some sleep." she smiled, "Kunin mo na si JM, tulog kana rin."
Okay, kalmado na ako.
Hindi ko alam kasi ang mararamdaman ko. Paano kung may sakit din si Monika katulad namin ni JM? Natakot ako bigla.
Sinunod ko ang gusto ng misis ko at kinuha ko na nga ang anak ko sa crib nito at itinabi. It's always been like this pwera nalang kung may meet up kami ni Monika. Natawa ako ng bahagya habang pinagmamasdan ang mag-ina ko.
They changed me. Ang daming nagbago sa buhay ko. Langya na senti ako bigla sa nangyari kanina ah. Natakot talaga ako. Alam niyo 'yon? Natatakot akong may mangyari kay Monika, sa aming dalawa, mas gugustuhin ko pa na ako na mauna kesa siya. Wala lang, naisip ko lang.
Kinabukasan ay nagising akong mag-isa na naman sa kama. 6:36am na pala. Bumangon ako sa kama at agad naligo. Pagkatapos ko magbihis ay agad na akong bumaba sa hapag kainan at andun na nga si Monika sa lamesa, kasama si Nana at baby JM.
"Good morning, Nay, Na and Baby ko." pagbati ko sa kanilang tatlo.
"Ano iyang pabango mo tay? Hindi ba pinalitan ko na 'yan?" si Monika
"Naubos na iyong pinalit mo, ito na muna gagamitin ko! Bibili nalang ako mamaya after work!" I said sabay subo ko ng hotdog.
"Anak, bakit din naman kasi ang tapang ng pabango mo?"
"Simple lang ang sagot niyan Nana, naghahanap ng maaakit." si Monika sabay tayo niya at direcho siya sa lababo at nag tooth brush.
I sighed. "Grabeh naman! Nag pabango lang mangaakit na agad! Masyadong judger!" I said at natawa ako sa sinabi ko pero si Monika, masama na naman ata ang gising at sobrang suplada, ke aga-aga!
Nasa kotse na kami ngayon at napansin kong nakatulog si Monika. Naaawa na ako sa kanya. She must be really tired pagsabayin ang lahat. Being a student, mom and a wife.
"Nay?" Pag gising ko sa kanya na agad naman siyang napadilat. "School na tayo." dagdag ko
"Inaantok ako, super!" she said habang tinatanggal niya ang seat belt niya, "I have to go, salamat sa pag hatid Tay!" she smiled looking at me.
BINABASA MO ANG
Love Game 3: To be or not to be? (√)
Novela Juvenil"this is the end of the game, are we really meant to be or not to be?"