Family
Napabangon ako dahil sa bukas na ilaw na nagmumula sa banyo ng kwarto ko. Wala si King sa tabi ko and for sure siya iyong nasa banyo.
Mayamaya ay lumabas na rin naman ito kaya napapikit na ako ng aking mata. Napansin kong hindi pa siya agad bumalik sa kama kaya napadilat na lang ako muli at natanaw kong nag bukas siya ng medicine kit at tila uminom ng gamot. Napabangon na ako at nagbukas ng ilaw.
"Tay, are you okay?" I asked at dali-dali siyang nilapitan.
Napalingon siya sa akin na tila nagulat sa pagsasalita ko at natanaw ko na may iilang bahid ng dugo ang damit niya, "W--wait, inatake ka?" napalapit na ako sa kanya, "Are you okay? Tatawagin ko si Daddy!" I said at nakaramdam ako ng pagkataranta.
Hinawakan ako ni King na tila pagpipigil. "No Nay, h'wag mo na disturbohin ang Daddy mo. Mamayang umaga na lang, okay? Okay na ako! Nakainom na rin ako ng gamot. Let's go back to sleep!" He said at humawak siya sa kamay ko para hilain ako pabalik sa kama.
"Tay, are you still bothered of the situation? Nag-aalala na ako sa'yo. Akala ko ba naiintindihan mo na? Tay naman."
He slowly shook his head, "Okay naman ako Nay, just that, recently sunod-sunod ang pagsikip ng dibdib ko, and ngayon nga sumuka na naman ako. It's the second time this week." he explained
"If that's the case mas kailangan natin sabihan si Daddy!" I exclaimed, "Hindi ito pwede binabalewa Tay!"
"Hayaan na natin mag-umaga, okay? Nakainom na ako ng gamot. I'm fine already," he said and kissed my forehead.
I gave him a hug. "Tay, please ha? Kapag masama ang pakiramdam mo, tell me agad please? Let's not be complacent lalo na't alam natin na walang gamot sa sakit na iyan. Let's consider the effective remedy a blessing, it gave us a chance pero hindi pwedeng makampante, okay?" I said and he nodded, "Take care of your health for us, Tay. Para sa amin ni JM. Okay?" and I hugged him even tighter.
Kinabukasan ay late na kami nagising ni King kaya hindi na namin naabutan si Daddy. Dapat mag eenroll ako for summer review ngayon sa school pero kinansel ko na dahil sasamahan ko si King sa check up niya.
Pagkatapos namin mag breakfast ay nagpaalam na kami kay JM at umalis. Parang okay naman si King at nasa usual na nasa mood aura siya.
"Nay after check up, kitain natin iyong ahente ng magiging bahay ah. Baka kailangan natin ulit ng changes. Kailangan na rin natin bayaran." he said and his really serious about it.
"Tay, iyong pera na gagamitin diyan, baka naman masyadong mahal ang bahay--"
"Nay, you don't have to worry, okay? Sila Nana ang nag-ipon nito para sa'kin. It's in my name, Isa pa, maaaring sa nangyari tanggalan na ako ng karapatan ni Dad sa pera niya but then at least may nagawa nang paraan sila Nana diba? I want the best for you, this will be more than what we need until I get to have my own work. And I promise to provide everything for you Nay," he smiled
I sighed, "Basta Tay, h'wag mong kalimutan ha? Okay lang sa'kin kung ano man ang kaya natin. Don't pressure your self. Simpleng pamilya lang naman ang gusto natin diba?"
He nodded. "You're right. Simpleng pamilya na kompleto." He smiled again and that's more important.
Ala una na nung dumating kami sa hospital at agad naman kaming diretso sa kwarto ni King dito. Dito na namin hihintayin si Daddy na may rounds pa raw sa third floor.
Napadako ang paningin ko kay King na naglalaro ng phone niya kaya napatabi ako sa kanya. "Tay, anong balak mo this bakasyon?" I asked
"I don't know. Bakit Nay?" he asked pero nasa game pa rin ang atensyon niya
BINABASA MO ANG
Love Game 3: To be or not to be? (√)
Teen Fiction"this is the end of the game, are we really meant to be or not to be?"