Episode 20

4.3K 315 80
                                    

The gift of trust
--

Gabi na noong dumating kami ng Manila kaya nag decided kami'ng magkakaibigan na sabay na mag dinner.

"Excuse lang Nay ha? Tumatawag ang mommy ko!" Pabulong na tugon ni King at napatango na lang ako. Lumayo si King ng bahagya sa amin at sa tingin ko ayaw niyang marinig kami ng Mommy niya lalo na't sobrang ingay pa nila Nikko.

Umorder na ako ng beef tapa for King and adobong pusit for mine! Sobrang nakakagutom din kasi ang byahe kaya kailangan ko ikain 'to!

"Grabeh Nay! Hindi ka ba nagsawa sa pusit ni Tatay este sa Camiguin at talagang pusit na naman kinakain mo?" Si Mokya at napatingin ako sa kanya, my ghad 'tong mga barkada talaga ni King! Kalahi niya talaga!

Napanguso ako ng bahagya, "Wala lang, nag c-crave lang ako tsaka, gamot ko ang pusit sa stress kaya h'wag nga kayo!" Sita ko

"Nay, anong inorder mo?" Si King at kakabalik niya lang sa table namin and seeing him right now, mukhang okay naman siya. "Dami kong gutom ah! Mapaparami ata ako nito!" King said at talagang sarap na sarap ang kain niya.

Seeing him now, mukhang wala talaga akong dapat ipag-alala pero sa totoo lang nacucurious pa rin ako sa usapan nila at nang mommy niya. Hay! The perks of having a not-so-secret relationship.

"Miss pa-saing isang sakong bigas! Magkatay na rin kayo ng isang baka! Gutom kami!" Pag sigaw ni Nikko na napag tawanan ng barkada. Nakakaloka!

Pagkatapos ng masarap at maingay na dinner namin ay nasa sasakyan na kami ni King ngayon at nakatambay na muna.

"Didiretso ka na ba sa hospital?" I asked

"Ihatid na ba muna kita sa bahay niyo?" He asked

Nagkatinginan kaming dalawa at bumuntong hininga nang sabay. Parehas kaming hindi makadesisyon sa kung ano na ang susunod naming hakbang.

"You can accompany me to the hospital tonight Nay, kung okay lang sa'yo?" He asked at nabigla ako, ako? Pupunta dun?

"Eh? T-talaga Tay? Pwede ba? Baka mamaya andun ang mommy mo!" Napanguso ako, "Sa totoo lang gusto kitang samahan dun kahit umuwi na lang din ako agad pero syempre ayaw ko naman maging mapilit baka mamaya ikapahamak pa nating dalawa." Bahagyang malungkot kong tugon, hindi ko rin talaga mapigilan.

"Join me there then." Direktang tugon niya, "Nag-usap kami ni Mommy kanina. She was asking me if I'm in Manila already and that if I am, she'll prepare dinner for me pero sabi ko direcho ako sa hospital." He looked at me, "Sabi ko kung may balak siya pumunta, bukas na lang ng umaga dahil gabi na rin, so iyon, pumayag na lang din ako na magdala siya ng breakfast," dirediretchong tugon ni King and I can't help but be amazed with his honesty.

Well, I don't know, pero I'm trusting King again with all my heart kahit na natatakot ako para sa aming dalawa lalo na ngayon na may anak kaming pinoprotektahan.

Napasandal ako sa upuan at bumuntong hininga, "Tay, anong magiging set up natin?" I bravely asked, gusto ko rin malaman ang mga plano niya para sa'min, "Ah--kasi Tay, syempre ikaw ang lalaki, I'm giving you the rights to decide for us, for our family. Whatever your decision may be, iintindihin ko na lang as long as para naman sa ikakabuti namin ni Baby JM." I smiled

Nabigla ako sa paghawak ni King sa kaliwang kamay ko. He looked straight to me and seems like he inhaled the air that he needs before talking, "I want a good life for you and JM," he said at ewan ko ba kung bakit kinakabahan at naiiyak ako, "First things comes first, still. My health kaya kailangan ko ang in-house na'to for your dad's approval,

you, dahil kailangan kita sa buhay ko and because of that, gusto ko malaman mo na kahit kay mommy man lang, gusto ko malaman niya ang tungkol sa magiging kasal na'tin at sa atin,

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon