Episode 32

3.8K 309 134
                                    

Future
-

Monique's POV

King's here ngunit hindi ito ang inaasahan kong mararamdaman niya pagkauwi niya. He's  looking all devastated and really really sad at kanina umiiyak siya. He's blaming his self as to what's happening with his family na pilit kong ipinaiintindi sa kanya na wala siyang kasalanan.

I know King. He always looks like really really tough pero ang totoo masyado siyang babasagin at lahat na lang ata ay madali niyang naisisisi sa sarili niya and that really makes me sad dahil sa pagkakaalam ko, walang kasalanan si King. He only wants to live his life and wants to enjoy it.

Matigas ang ulo, pasaway at talagang madalas nakakastress pero totoong mabait naman si King kaya hindi niya talaga deserve ang mga nangyayari ngayon.

Mahimbing ang tulog ni King at JM ngayon habang magkatabi at talagang yakap yakap ni King si JM. Ramdam na ata ni JM na katabi at kasama niya na ang Tatay niya kaya mahimbing na ang tulog niya because honestly, noong wala ang Tatay niya ay madalas umiiyak si JM at paputol-putol ang tulog. Napagtanto ko na maaaring Tatay's boy si JM paglaki niya, grabehan lang. Pero dasal ko lang na h'wag naman sana manahin ni JM ang ibang ugali ng Tatay niya, utang na loob! Sapat na ang isang King sa'kin.


Natawa na lang ako.


"Kamusta si Elijha?" si Daddy pagkalabas ko ng kwarto para sana mag-init ng tubig para na rin sa pag steralized ng gamit pangkain ni JM. Pinapakain na kasi namin siya nang paunti-unti

My mom and dad knows what happened. Tinext ako ng mommy ni King kanina na pauwi na nga raw ito at sana'y ako na muna ang bahala and from there, alam kong may hindi inaasahan--I mean, inasahan ko nga naman na mangyayari na ginawa ang daddy ni King na naging sanhi nang pag-uwi ni King nang maaga and just a few hours later, nagtext ang sa akin si Laura na makikipaghiwalay ang mommy nila sa daddy nila and it honestly gave me a shock. I mean, sino naman ang hindi mabibigla eh kilalang tiga sunod ng Daddy ni King ang mommy niya, diba?


Somehow gusto ko saluduhan si Tita at Bleh-buti-nga post sa Daddy ni King! Karma is a bitch nga naman pero syempre mas matanda pa rin sa'kin ang Daddy ni King kaya dahan dahan na lang sa hanash. Pero totoo naman, sana sa ginawa ng mommy ni King ay matauhan ang daddy niya!

I sighed, "Okay naman po siguro. Natutulog na siya at magkatabi sila ni JM. Kanina umiiyak siya, the usual him. Sinisisi niya ang sarili niya sa desisyon ng mommy niya." Bumuntong hininga ulit ako

"Hayaan mo na lang muna iyang si Elijha! Mahina promoseso iyan sa bagay na patungkol sa ganyan! Masyadong sensitive ang topic na iyan para sa kanya at malamang marami pang nangyari sa Germany. Hindi bale, mas mabuti nang nandito siya. Hindi ba?" sabi nito at bahagyang natawa ako


"Ayee, namiss ni Daddy si Elijha! Ang totoo dad, baka mamaya anak mo talaga si King ah! Pakunyareng ayaw mo sa asawa ko pero concern!" panunukso ko kay Daddy pero naitulak lang niya ako. Hay naku!


"Kilabutan ka nga Monika! Kung makasabi ka na asawa mo parang ang saya mo pang bata ka eh! Concern ako sa asawa mo dahil kung ano man ang mangyari sa kanya syempre apektado kayong dalawa ng apo ko! Ano ka ba?! H'wag kang mag assume!" depensa ni Daddy at talagang nagpaliwanag pa siya! Natawa tuloy ako lalo!


"Asus Dad! Deny pa more!" pang-aasar ko pa, "Bababa na nga ako!" sabi ko na lang at pumunta na ng kusina para mag isteralized ng gamit ni JM.


Tama nga naman si Daddy. Ang importante talaga ay andito na si King, less na ang pag-aalala ko.


Kinabukasan ay maaga akong nagising at ewan ko ba, tulog na tulog pa rin si King at JM at kayakap pa rin nila ang isa't-isa. Hindi ko alam pero gusto ko na icomfirmed na Tatay's boy talaga itong si JM. Napaka-bias! I silently laughed at hinalikan silang dalawa sa ulo. Ang cute naman ng mag-ama ko! Parang kailan lang, inaasar ko lang si King na magkaroon kami ng baby eh, ayaw noon ni King pero aba mukhang hindi naman ngayon na! I laughed.


Love Game 3: To be or not to be?  (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon