Baby
--
This is unedited. Sorry inadvance kung maraming mali, I'll edit it when I'm free. Salamat.
-"Tigilan niyo nga kami! Hindi no! Tsaka, iyong blessing na pinag-uusapan namin ni King ay tungkol sa blessing ni Daddy for us! Hindi kasi kami pinayagan ni Daddy sa gusto namin mangyari, King needs to do something pa." Pagpapaliwanag ni Monique.
And I feel relieved.
"Ay sayang naman, pero baka naman Nay..."
Hirit ni Nikko, "Malay naman natin..."Napatingin na naman ako kay Monique and I don't know, kinakabahan na naman ako, weird ba? Hindi ko maexplain ng mahusay ang nararamdaman ko. With all these speculations, realidad nga pala talaga 'to.
"Hindi nga, as in hindi!" Monique insisted, "May ibang priorities pa si King, alam niyo na man!" She smirked, "Tabi na nga kayo, magrereview pa ako." She said and somehow now, I can breath normally.
Paano nga kaya kung mabuntis ko si Monika? I mean, we're doing it. Hindi malayong hindi namin ma-reach ang puntong iyon. But, taking from what Monique just said earlier, may priorities pa talaga kaming kailangan unahin.
I mean, hindi naman sa hindi ko gustong magka-baby kami. Just that, naiisip ko ang responsibilidad na kailangan namin gampanan ni Monika ay parang nakakatakot na. Considering with the kind of situation Monique and I currently into ay parang least priority na muna namin. May problema pa kami sa magulang ko na ayaw sa'min and may sakit pa akong kailangan din ng pansin. Hindi pa talaga pwede.
I sighed.
Natapos ang klase namin ay mailap si Monique sa'kin, well, we had a little misunderstanding kanina at hindi pa namin naayos iyon. Kalmado na ako at talagang sana siya rin.
Lumapit ako sa kanya at at nag-aayos siya ng bag niya ngayon. Seryoso mode siya.
When I got near her ay hinawakan ko na rin agad ang bag niya at binitbit, "Ako na." I said stiffly at naglakad palabas ng classroom. What the F?! Ano bang meron sa bag ni Monika? Hallowblocks ba? Kingna.
"May pupuntahan pa akong book store," she said as she follows me, "Diba may practice pa kayo ng basketball? Ihatid mo nalang ako sa sakayan, magtataxi nalang kami." Dagdag niya
Napatingin ako sa kanya, "Sino kasama mo?" I asked at kahit papano pa kalma na ako.
"Sila, m-mga kaibigan ko." She said at bahagyang turo niya kanila Eliza, "Tsaka sila Fenech, may girl's bonding kami." Natagalan pa siyang sabihin ayun pa rin naman ang punta.
"Girls?" Bahagyang pagtaas ng aking kilay, "Sigurado ka?" I smirked
She looked away, di makatingin ng diretso eh. I sighed, "Girls with Anthony kasi, idedeny pa eh!" Napairap na lang ako.
Salubong ang kilay niya na hinarap ako, pikon na naman, "Bakit mo ba pinagdidiskitahan si Tony?! Kaibigan ko nga lang iyong tao eh! Nag yes na ako sa proposal mo, naisuko ko na ang bataan ng ilang beses, pagdududahan mo pa rin ako?! Gawain mo kasi kaya ayaw mong ma-karma!" She pouted at halatang nagtatampo na. "Sasama ako sa kanila Tay."
Damn it. Ito ata ang pinaka-cute na nakita kong nagtatampo at nanghihingi na permiso. Taena! Paano ako magagalit nito? Tunaw na ang puso ko oh! Kingina!
"Lapit ka nga dito!" I said at hinila ko rin naman siya palapit at niyakap, "Matagal ba kayo dun? Sige na pumunta kana at mag-ingat ka ha? Manyak iyong Tony na iyon! Isumbong mo sa'kin pag pumorma siya sa'yo! Iyong cellphone mo lagi mo hawakan para pag tumawag o nagtext ako makikita mo agad. Sunduin kita mamaya." I said at ngumiti na agad siya. Sinasabi ko na nga ba dinadramahan lang ako eh and I fell for it again.
BINABASA MO ANG
Love Game 3: To be or not to be? (√)
Teen Fiction"this is the end of the game, are we really meant to be or not to be?"