Episode 28

4.3K 311 135
                                    

Doomed

--
ELIJHA's POV
--

"Ma, later okay? Dinner with me and Monique, kasama si Laura. Okay? okay." I said saturday morning.

"Wow. Why?" si Laura all of a sudden

"That's just before going to Germany!" sabi ko na lang, "I told her I'm coming to Germany and she agreed. Alam ko hindi madali sa kanya na pumayag but she did anyway dahil mas inaala niya ang pamilyang meron ako!" I responded making them realized how great Monique is pangdagdag points.

"Okay anak, tayo lang ba?"

Napatingin ako kay Mommy at tumango, "May iba pa ba? Tayo lang. You, Laura, Monique and I," tugon ko sabay subo ng pagkain.

"Why do I wonder so much? I feel like you guys are about tell us something important?" si Laura at natatawa siya

Napatingin ako sa kanya, "Huh, maybe yes or maybe just a normal dinner!" simpleng sagot ko at napatayo na ako, "I'm done. Mamaya na lang ulit! May laro pa kami ngayon!"

"Basketball, right?" si Laura at naexcite ito, "Is Monique coming? Can I come and watch?" she asked. Napakunot ang noo ko and just the thought of seeing my ate for the first time watching my game...

"No." sabi ko, "Stay here!"

She pouted, "Grabe masama ka! I'm coming wether you like it or not!" she rolled her eyes.

Nagpaalam pa, hindi naman rin makikinig! I smirked. "No nga! If you do then you're no longer invited to our dinner!" I warned at umalis na.

I'm off to school today at tinext ko na lang si Monique na papunta na ako doon. Ala una pa naman ang game namin pero kailangan pa rin namin mag warm up. It's not a championship game, but it's officially the start of the next season and this is my first play as the team's captain ball.

"Oh pre! Kamusta honeymoon? Baka ilang days from now, may kapatid na si JM ah! Gusto ko iyan, the more inaanak the more may mauutangan pag tanda ko!" tumawa si Nikko

I shook my head, "Honeymoon mo mukha mo! Walang ganun! Tsaka, pag-uwi ko galing Germany, aasikasuhin ang binyag ni JM! Kung makaninong ka, h'wag assuming! Hindi ko alam kung mapapakatiwala ko sainyo ang anak ko! Mamaya, dungisan niyo pagkatao nun!" Natawa ako,

"Wow! Nahiya naman ako eh ikaw nga ang Tatay eh! Mas malala ka sa'min tandaan mo iyan!" natawa na naman si Nikko, walang problema ang taong 'to!

"Pero pre, sigurado kana ba sa pagpunta mo sa Germany? Mamaya niyan..."

"Don't worry Mokx! I know maaaring pagsisihan ko ang desisyon ko na 'to pero, ngayon pa ba? Hindi na ako matitinag sa kanila!" sabi ko. "Ako si King..."

"Na takot sa asawa!" si Nikko at napaismid na lang ako

"Hayup ka para ka namang hindi takot kay Jane! Yabang nito!" pag-alma ko eh mas malala pa 'to sa'kin eh!

"Pero hulaan niyo muna kung nasaan si Lolo?! Nilamon na ng kumonoy!" natawa si Mokya

Oo nga pala! Pansin ko nga rin na hanggang ngayon ay wala pa si Tanix! Kingina mukhang nadali na! "Tawagan niyo kaya si Lolo--oh ayan na pala!" sabi ko dahil kakapasok palang ni Tanix sa locker room namin.

"Hoy shutangina lolo, ano? Nilamon ka na rin ba ng kumonoy ng pag-ibig?! Make us proud Lo!" si Nikko na agad ininterview si Tantan

"Cut it out you guys! We have to prepare for the game!" he said at nag tinginan na lang kaming tatlo at natawa.

Alam na.

Well, hindi ko naman masisita si Tanix eh, ilang taon na siyang single tsaka naging masyado siyang abala sa girlfr--este sa asawa ko kaya nga hindi ko rin napiligan na maisip dati na hindi malabong mainlove si Tantan kay Monique aside sa kamahal mahal naman talaga ang asawa ko ay napapansin ko ang pagiging extra niya kay Monika.

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon