Episode 36

3.7K 257 78
                                    

A sense of contentment
--

"Nay!" I called at halos sabay silang lumingon sa akin.

"T-Tay!" si Monique na halatang nagulat.

Agad akong umakbay kay Monika at nakita kong nakatingin lang sa'min si Icah.

Icah smiled, "It's been awhile Eli, nice to meet you again." she said at malumanay naman.

"Tara na Nay," sabi ko ni hindi ko kayang tingnan si Icah sa mata. Damn, all I can remember are the worst of her.

Nakakairita.

"N--nandito lang ako para kunin ang mga papers ko sa school. Babalik na rin ako ng Canada bukas. You don't need to be so paranoid Eli, it's been 3 long years. I learned to forget everything and start anew. You don't have to worry about it, okay?" she smiled.

Bahagya akong napaismid pero natuto na rin akong kumalma. "Okay, fine! Sabi mo eh." sabi ko na lang, "Pero may pupuntahan kami ngayon eh kaya kailangan na namin umalis. It's nice to see you again tho, I mean, being okay and just fine." sabi ko na lang. Parang nasa katinuan na rin naman kasi siya.

She smiled. "Okay. Hinihintay ko rin naman si Markus. Ingat kayo!" at talagang may kaway pa.

Tumango na lang ako at umalis na kami ni Monika na kanina pa tahimik. Kinakabahan tuloy ako kung bakit.

"Nay? May nangyari ba nung wala pa ako?" I asked. Nasa sasakyan na kami.

"Wala naman." sabi niya pero nakatingin siya sa malayo.

"May naging sagutan kayo ni Icah? Did she harm you?"

Umiling siya, "Hindi naman. Marami lang akong iniisip ngayon, may mga bagay na napagtanto." seryosong tugon niya

"Tulad ng ano?"

"Naisip ko lang, you onced loved Icah at muntik na kayong makasal. Kung hindi ako dumating sa buhay niyo, siguro, kayo talaga nag katuluyan. Iniwan ka niya pero binalikan ka rin naman niya--"

"What the heck are you saying?" natawa ako ng bahagya pero seryoso, kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. "Ano bang nangyayari sa'yo?" sabi ko habang inihinto ko muna ang pagmamaneho ng sasakyan and parked it somewhere for the mean time.

She sighed. "Wala nga lang. Umuwi na kaya tayo? O dikaya maghanap ka na nang makakainan at gutom na ako." striktang sabi niya at napasandal sa upuan niya.

Napabuntong hininga na lamang ako sa inaasta niya. Ang weird.

"Mabuti pa nga ikain mo na lang iyan. Isa pa, stop thinking about those kind of realization, okay? If it were'nt for you, I might be dead by now. So, tama na 'yan Nay ha? H'wag na tayong paulit-ulit sa past." I said sabay hawak ko ng kamay niya, "I love you."

Napalingon siya sa akin. "Promise Tay ha? Kahit pa anong mangyari, wala kang ipagpapalit sa'kin ha? Na dapat ako lang, kahit na sobrang pangit ko na sa paningin mo, kahit na hindi ako sexy manamit, kahit na hindi ako naglalagay ng make-up at suplada ako. Promise me, hindi mo ako ipagpapalit sa iba."

Gusto ko na ngumanga sa narinig ko mula sa kanya. Anong nangyayari sa asawa ko?!

"Nay? Are you alright?" I asked at talagang minagmasdan ko siya ng matagal, "Una sa lahat, wala akong ipapalit sa'yo dahil you're perfect for me. Para sa akin ikaw ang kailangan ko. Ikaw ang gusto ko. Okay?" Natawa ako, "Ang weird mo. Meron ka ba?"

"E-eh?" napatingin siya sa akin, "W-wala ah."

Ewan ko pero natawa ako sa bigla na gumuhit sa mukha niya, "Why are you so worried? Gulat pa mukha mo. Why does it seem like may gusto kang siguraduhin sa akin?" I smirked a bit.

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon