Enough
--Napabuntong hininga si King at natatakot talaga ako sa naging reaksyon niya. Hindi ko alam kung bakit ganito. Alam kong galit siya sa mga naging lihim ko pero ngayon na alam niya na hindi ba dapat kahit papaano maging masaya siya?!
"T-tay, h'wag naman ganyang reaksyon para kay baby JM please." I said at naiiyak na naman ako. Bakit ganito?
Biglang tumayo si King at mabibigat na paghinga ang ginagawa niya. It seems like he's really angry at hindi ko alam kung saang parte pero sana naman hindi dahil kay Baby JM. Hindi ko kakayanin.
"Hindi ko alam kung bakit nagawa mo 'to sa'kin. Of all people na dapat mo lihiman, ako pa talaga?" He exhaled, "Let's cool down a bit." Sabi niya at agad naman siyang naglakad palayo.
Naestatwa ako sa ginawa ni King at talagang hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Ayaw niya munang magka-anak, alam ko iyon pero dahil andito na, hindi niya ba kayang tanggapin?
"Dale!" si Eliza at agad niya akong niyakap.
"Tara na muna!" si Jane at inalalayan nila akong bumalik na muna sa kwarto namin.
Nanginginig ang buong katawan ko. Sobrang sakit ng nararamdamn ko na parang namamanhid ako. Bakit ganun si King? Bakit kailangan niyang ganituhin si Baby JM? Anong kasalanan nung bata?
"Dale, uminom ka muna ng tubig please," sabay abot ni Eliza ng tubig sa akin, "Dale, pasensya kana kung hindi talaga namin alam kung ano talaga ang nangyari pero sabi kasi ni Tantan puntahan ka namin doon sa dalampasigan at sa tingin nga namin, nag-aaway kayo ni Tatay, ano ba nangyari?" tanong niya.
ikinuwento ko sa kanila ni Jane ang nangyari sa amin ni King at sa totoo lang nahihiya ako sa kanila.
"Sorry sainyo ha. Kayo ang bestfriends ko pero pinili ko rin na ilihim sainyo ang nangyari sa'kin. Sorry kung nilihim ko kahit alam kong mali naman na pati kayo lihiman ko. Masyado lang naging kumplikado ang lahat at sobrang natakot ako." pagpapaliwanag ko sa kanila.
Umupo si Jane sa tabi ko at niyakap ako, "Dale, ano ka ba! Syempre okay lang iyon. Naiintindihan naman namin ni Eliza eh. Pero sana Dale, h'wag kana maglihim sa'min ah? Ayaw namin makita kang ganyan kalungkot. Isa pa, diba nga? Powerpuff girls tayo! Andami na nating napagdaanan tatlo na magkasama even before na dumating sila Nikko sa buhay natin. Kaya don't worry, okay? Nandito lang kami ni Eliza." Sabay hagod niya sa aking likuran.
Naiiyak ako sa sinabi ni Jane.
Umupo na rin si Eliza sa tabi ko at nakiyap na rin, "H'wag ka mag-alala Dale, for sure nabigla lang din si Tatay sa nalaman niya. Syempre, nilihim mo sa kanya. I don't think hindi naman siguro dahil sa ayaw niya kay Baby, sadyang magulo lang siguro ang isip niya. For sure, pag nakapag-isip iyon magiging okay din ang lahat! Makakapag-usap din kayong dalawa na hindi mainit ang mga ulo. You both need to breathe in and out for now para makapag-isip kayong dalawa ng mabuti. Okay? Trust me. Mahal ka ni Tatay at alam kong mahal din niya si Baby JM."
Napatango ako sa sinabi ni Eliza at hinayaan ko lang munang damahin ang mahigpit nilang yakap. Wala akong ibang maalala kanina sa pag-uusap namin kundi ang mukha ni King na parang nagulat at hindi makapaniwala sa nalaman niya mula sa'kin. Natakot? Nagulat? hindi naman sa hate niya ang bata diba? Anak niya si JM! Sana ako na lang ang pagalitan o kainisan niya kesa sa ganito.
Napatingin ako sa oras at mag-aalas dose na pala ng hating gabi. Hindi ako makatulog kahit na nakapulupot naman si Jane at Eliza sa'kin ngayon at tulog na tulog na. Nasaan na kaya si King? Is he okay? Ano na kaya ginagawa niya? Bakit ganito?
itinabig ko na muna sila Jane at Eliza at napabangon ako para kunin ang cellphone ko. Hindi rin ako mapapakali sa kakaisip kung nasaan na si King at baka kung ano ang gawin nun. Tinawagan ko si Tantan at napahinga naman ako ng maluwag noong sinagot niya ito agad.
BINABASA MO ANG
Love Game 3: To be or not to be? (√)
Teen Fiction"this is the end of the game, are we really meant to be or not to be?"