Pain
-Ang himbing ng tulog niya. Kanina parang ayaw ko kumawala sa mga yakap niya pero syempre anong oras pa 'to magigising eh kailangan ko pa mag-aral. Pakiramdam ko, para akong nananaginip at maya't-maya ay tinitingnan ko siya sa aking kama dahil baka totoong panaginip lang ang lahat ng ito at magising ako't wala pala siya. Pero, totoo kasi talaga! Ang labo ko rin, ano? Oa man na maituturing pero sobrang masaya talaga ako na andito siya. Iyong lasing na lasing siya pero naisipan niya pa rin puntahan ako at dito talaga siya umuwi? How touching can that be?
Pero somehow, natatakot ako harapin kung ano ang mangyayari pagka gising niya, pagsisisihan niya kaya? He's angry, I know! Pero, sana naman nawala na ang pakiramdam niya nun sa'kin. I want us to talk, to settle things once and for all and I hope he allows.
Bumaba na muna ako eat breakfast with my parents. Ewan ko pakiramdam ko talaga ang gaan sobra ng pakiramdam ko. It feels like the first time for me to feel this way after a long time. Weird but true. Nakakamiss din ang ganitong pakiramdam.
"Good morning, Mom, Dad!" I greeted with a super wide smile and kissed them on thier cheeks
My mom smiled, "It's been a while since the last time I saw you this happy!" She said at napangiti lang din ako
My dad sighed at with matching pailing-iling pa, "Kids now a days are plain weird. Sumaya ka pa ata Monika at nag lasing iyong lalaking iyon!" My dad looked at me with a serious blanked face, "Hindi ka naman ba pinahirapan nun? Takot ko lang baka tabunan ka ng unan nun habang natutulog ka dahil galit iyon sa'yo, baliw pa naman iyong boyfriend mo!"
Napanguso ako, "Grabeh ka talaga kay King! Kahit ganun iyon Daddy, pumunta pa rin siya dito no! I just hope we can settle things already" I smiled
Nakakaloka si Daddy pero kinilig ako sa 'boyfriend mo' na sinabi niya, it feels like a valid kilig for me.
Napatingin si Daddy sa'kin, "Well, you know the risks Monika, don't do anything stupid. You have choices placed in the table, so better choose wisely" he said and I nodded. Seryoso lang.
During the time when I was too down ay wala talaga akong ibang kinapitan kundi sila Mommy at Daddy lang. Alam ko na siguro dumating sa punto na ginusto nilang pagalitan ako kasi binalaan na nila ako noon at napag desisyonan nila noon na ilayo na ako para maisalba sa mga maaaring masasakit na pagdadaanan ko kaya naisipan nga nila ang Japan trip pero iyon nga, pinanindigan ko ang naging desisyon kong mag stay at ayun,nasaktan sa huli. Kahit ganun pa man ay hindi pa rin nila ako iniwan at naging pasensyoso sila sa'kin and I really really appreciate it with all my heart. All my doubts and envious feelings toward my parents attention to me noong buhay pa si Kuya ay nawala, I felt their presence in me at talagang nalampasan ko naman ang lahat ng iyon kasama sila.
"Don't worry Dad, I'll use both my heart and brain this time" I smiled at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos namin kumain ng breakfast ay nagpaalam na sa'kin si Mommy at Daddy dahil pupunta sila sa isang medical mission sa Albay and sa tuesday pa ang balik nila. Pagkaalis nila Daddy ay dumiretso na ako sa kwarto ko at pagkapasok ko nga sa kwarto ko ay sobrang kinabahan ako sa nakita ko sa kama! Wala na kasi rito si King and I'm honestly worried pero hindi rin naman nagtagal dahil nakarinig rin naman ako ng ingay mula sa banyo.
Ewan ko ba pero ang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano na mangyayari pagkalabas niya ng banyo! What to even say or feel? or what to even react?
I sighed.
I usually act too strong pero heto ako ngayon hindi ako mapakali, sobrang kinakabahan ako and it's annoying.
BINABASA MO ANG
Love Game 3: To be or not to be? (√)
Teen Fiction"this is the end of the game, are we really meant to be or not to be?"