Monique POVHalos tatlong buwan pagkatapos nang naging successful procedure ni King ay unti-unting bumalik sa dati ang buhay namin. As of now, pinaplano na namin ni King ang mga kinakailangan namin ayusin sa buhay namin na magkasama but for now hindi pa kami nagsasama sa iisang bahay.
Inilipat ko na si JM dito sa bahay namin at dahil hindi pa nga alam ng family ni King o nang mommy niya ay pumupunta punta na muna si King dito sa bahay at minsan dito na natutulog lalo na kapag biyernes at linggo na siya umuuwi sa kanila.
"Nay." Si King at heto siya sinusundo na ako papuntang school, "ikikiss ko lang si JM ah, mauna kana sa kotse." Sabi nito at tumango na lang ako. Lunes ng umaga.
Mga ilang minuto din ang nakalipas at bumaba na rin siya't andito na sa sasakyan.
"Tay, kamusta si Tita? Nasabi mo na ba iyong balak natin bumukod Tay?" I asked
"Alam na nun, pero ang alam niya after kasal pa Nay!" He said, "Ikakasal na rin pala si Laura, fixed marriage nga lang at dahil doon mom's going back to Germany. She wanted me to come pero sabi ko Laura will understand kung ayaw ko sumama sa kanya. Sabi ni mommy nalaman na rin ni Daddy ang naging resulta sa tests ko, I think he knows everything including our up coming wedding." Direktang tugon niya sa'kin
Napatingin ako sa kanya at pansin kong wala lang naman sa kanya ang kinukwento niya, "Tay, are you okay with it? Hindi ka natatakot?" I asked, "I want to know your take on this matter, baka kasi masyado tayong kampante, mahirap na."
He sighed, "Malaman man niya wala naman na siyang magagawa. I'm sure with my decision Nay. Tsaka, wala naman akong pakialam kung idisowned niya ako eh, I'm very much willing and will thank him for that if he will. Wala na akong pakialam talaga kaya don't worry Nay," he said at napatango na lang ako at napatingin siya sa'kin, "Mamaya nga pala Nay, titingnan natin iyong bahay na napili natin? Kumontak na sa'kin ang seller eh."
"Oh? really? Okay sige Tay!" I said at nakaramdamdam ako ng excitement ah! "Nga pala Tay, okay naman na sa'yo talaga ang pagbalik ko sa Medical department diba? Walang hidden grudges? baka mamaya..." I chuckled a bit
He looked at me with a serious face at tinaasan niya ako ng kilay, "Mukhang masaya ka pa ata ah! Excited much?" He smirked, "Pero Nay, para kay JM naman iyan diba? Kaya sige!" He nodded. Ang bilis kausap.
Well, simula nga noong mas nakakasama na ni King si JM ay napapansin ko ang pa konti-konting pagbabago sa kanyang pag-iisip, lol, I mean, iyong mas malawak na ang kanyang pag-uunawa sa iilang bagay pero ganun pa man, siya pa rin si King na madalas pa rin na nakikipagtalo sa mga bagay-bagay kahit pa sa pinakamaliit na pinagsisimulan at hindi mawawala doon ang awayan namin.
"Okay! Para kay JM!" I smiled.
Pumunta na kami sa klase namin at as usual, maingay ito dahil kanila Nikko. Iyon bang halata mong andito na sila sa classroom dahil sa ingay na bubungad sa'yo.
"Oh! Good morning our parents! Lips to lips naman diyan!" Si Nikko at ganito pa rin siya, wala pa rin ibang magawa kundi ang pag tripan kami kahit na pasimula pa lamang ang araw.
"Gusto mo ikiss talampakan ko?" Si King na kahit nasasabihan na ay lagi niya pa rin pinapatulan ang mga walang kwentang hirit ni Nikko. Ganito talaga lagi. Ang kukulit nga eh.
"Hello Nay, kamusta?" Si Eliza
Lumapit sa'kin si Eliza at Jane dahil na rin sa wala pa namang klase at sila King naman ay nag boboys talk sa likuran at para ata sa game nila this saturday. Yeah, he's back on playing the sport he love most, basketball at ngayon pa? Na good as new na ang health niya.
BINABASA MO ANG
Love Game 3: To be or not to be? (√)
Teen Fiction"this is the end of the game, are we really meant to be or not to be?"