The truth behind all lies
--Hindi ko na muna binigyang pansin ang message ni Tantan dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa, na hindi ko pa kaya. Isang buhay ang nakasalalay dito at maaaring tama nga sila Daddy, baka pati si King, hindi niya muna gugustuhing malaman. Alam ko, maaaring magalit siya dahil dito, pero wala akong ibang gustong gawin kundi mag-isip ng tama, at sa tingin ko, tama naman ito. I need to sacrifice things, even the truth just to protect someone at hindi naman siguro masama kung sa pagkakataong ito ay makinig ako kanila Daddy diba?
"Nay, patulog ha?" He said at talagang agad siyang sumandal sa balikat ko. Ay iba din.
Nasa eroplano na kami ngayon at papunta na ng Camiguin. Well, our flight is destined to land in Cagayan and then we'll take a ferry ride off to Camiguin. Excited ako, it's my first time going to somewhere far in PH. Other than out the country trips ay totoong mas priority ko ang local destination flights and I want more with King.
We finally landed in Cagayan and just like King, wala akong ibang ginawa sa buong byahe kundi natulog. Feeling really exhausted these past few days and I'm emotionally challenged.
"Ako na magbibitbit niyan Nay," si King and he's referring to my bag and our luggages, "Gutom ka ba? Tell me when you are. Okay? Or better eat those foods from my mom! Naitry ko na iyong luto niya kanina. Wala namang lason." He said all of a sudden at tingnan mo ang lalaking ito?! Natawa tuloy ako.
The whole idea of having King's parents here or simply King living with his mother is kinda weird pero sa tingin ko unti-unti ng nag-aadjust si King sa set up at sa tingin ko nasasanay na siya. Not to mention, he seemed proud that his mother cooked for him. Iba rin talaga ang kasiyahan niya and I'm really happy for him.
"Naks, binibida!" I jokingly said at agad naman nag salubong ang kilay niya, "Ay ngek! Napikon ka ba Tay?" I asked and he immediately shook his head. Ang bugnutin. "Kakain na." I said as I poked him, "Ikaw?"
"Busog pa ako." He said at agad kinuha ang phone niya sa bulsa at malamang maglalaro na naman ata.
Hindi ko na inistorbo at kumain na lang. Infairness, masarap ang luto ng mommy niya! Never thought his mom can cook this good! I can only imagine how happy King is because of these.
Well, sana lang talaga totoo na iyong pinapakita ng mommy niya sa kanya. I want nothing but King's happiness for this world. Hindi pa naman huli ang lahat! Marami pang pagkakataong itama ang lahat. Kahit ano pa man ang ginawa nila sa'kin at sa amin ay willing naman akong kalimutan ang lahat ng iyon matapos at maging okay lang ang lahat. I honestly want this to end.
Napabuntong hininga ako. Thinking about those things na naisip ko earlier, if this is about to end, will the ending ever favors King and I's love for eachother? Will they ever accept me? I sighed. Ewan. A no maybe?
"Tay, we're here!" I said dahil natanaw ko na ang isla ng Camiguin. First time ko dito pero parang naiinlove na ako sa lugar. A small island na napapalibutan ng dagat na pakiramdam ko'y tinatawag na ako nito dahil nakikita ko pa lang kasi ito parang gusto ko nang maligo.
Napatayo si King and just like I am, I know he feels fascinated with how beautiful this place is. "Gusto ko na maligo!" He said looking at me smiling like a kid. Now, I'm right.
Natawa akong nakatingin sa kanya, "Ako din eh! Well, pag dating natin sa hotel Tay, iyan ang gagawin natin! Ang ganda ng dagat eh!" I said smiling at him, "Tara na?" I said as I held his hand and he just nodded.
Siguro naman alam ng mga taong nakatingin sa amin na nagkabalikan na kami ni King eh no? Galit man ang kanilang mga titig sa'ming dalawa ay wala akong pakialam kaya tigilan na sana nila at hayaan na nila kaming dalawa. Pero on the other hand, hindi ko alam kung tama bang pansinin ko dahil hindi naman siya relevant pero ganun pa rin, nagtataka ako ng super slight kung ano na ang nangyari sa espasol na iyon, ilang araw na siyang wala, nasaan na--'di bale na nga kung wala, mas mabuti nga iyon!
BINABASA MO ANG
Love Game 3: To be or not to be? (√)
Teen Fiction"this is the end of the game, are we really meant to be or not to be?"