Wakas

4.8K 331 290
                                    

This is the wakas episode of Love Game 3. Thank you so much for all the love, reads, comments and votes that you have given to Love Game trilogy. Isang taon din ang tinakbo ng istorya at ni minsan hindi sumagi sa isip ko na darating tayo sa book 3 😂. This story will be forever in my heart at sa kung ano man ang mararating ng story na ito in the near future, nawa'y makuha pa rin nito ang suportang galing sa inyo lalo na sa noink. ❤

Kita kita nalang tayo sa mga susunod ko pang stories! Okay? Okay.

-MBS.

----

Wakas

Masasabi kong successful ang naging birthday party ni Grandma. Masaya ako dahil sa hinaba-haba ng naging prosesyon, sa bandang huli nakuha ko rin ang isa sa mga gusto kong mangyari... ang maramdaman na parte ako ng pamilya na dapat meron ako. Iba rin talaga sa pakiramdam!

"Tay, mauna na ako sa kwarto para makatulog na si JM sa kama. Sasamahan ko na muna siya doon." Si Monique soon as we reached our house in Germany. Kakauwi lang namin galing sa birthday party ni grandma.

"Sige Nay, hintayin ko lang sila Mommy then susunod ako." Sabi ko na lang. Nasa kabilang sasakyan kasi nakasakay sila Mommy kasama si Daddy at grandma.

Maya't-maya ay dumating na rin naman sila pero hindi ko napansin si Dad, ewan nasaan.

"Hindi ka ba napagod anak? Bakit gising ka pa?" Si Mommy

"How are you my grandson? Did you had some fun?" Grandma asked and they're looking at me with a curious face.

"I--I am perfectly fine. I just wanna tell you both good night. I--I'm really happy. I feel really really happy. Thank you, thank you for accepting me." I said at kingina hindi ko alam kung bakit naiiyak ako.

"No, you don't have to tell us that, Elijha! We should have done this long time ago and I'm sorry for not being a good grandma to you and for not being a good mother to your father. I hope we aren't too late for this but we love you Elijha, remember that." At naiyak na si Grandma.

Kingina bakit naman ganito kami ka drama?

"Let's cut this drama thing, both of you had a long night. It was a fun party. Should we call this quits?" I said laughing a bit.

Natawa rin naman silang dalawa, "You have to go to sleep too. You still have to take care of yourself, you know that Elijha!" Si Mommy at napatango na lang muna ako.

Umakyat na silang dalawa sa mga kwarto nila at ako naman ay papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Nang makarating ako sa kusina ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Damnit. Masyado ata ako naging masaya. Okay calm down, King. Calm down.

Inhale, exhale ang ginawa ko ng mga isang minuto at kahit papaano ay nawala naman ang sakit sa dibdib ko.

Pagkatapo ko uminom ng tubig ay palabas na sana ako ng kusina nang makasalubong ko si Daddy. Damn it ang awkward. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Babati ba ako o hindi? Hay! 'Wag na nga lang.

Yumuko na lang ako ng bahagya nang lumagpas ako sa kanya dahil honestly, I'm lost for words.

"Elijha..."

Napalingon ako sa tumawag sa akin agad agad and I'm right! My dad is calling me by my name.

"D--dad?" Kinakabahan kong tugon

"T-there's a convention for young entrepreneurs happening in Berlin next month. I don't know if your grandma told you about this already but I'm expecting you to come as... my... representative." sabi niya at sa totoo lang hindi ko alam kung anong isasagot ko o sasabihin ko. Help!

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon