Chapter 7-Honeymoon

5.8K 142 3
                                    

Liera Pov

Nandito kami ngayon sa airport. ngayon ang flight namin papuntang hongkong para sa pisting honeymoon  nayan.

Bakit pa kasi na buo yan sa mundo?Ang dapat gumagawa nito yong nag mamahalan lan. kami kahit closure nga Wala hinde naman magawa. Tungkol sa nangyari kagabi pinagsawalang bahala kuna lang yon total may karapatan naman siyang pagalitan ako dahil sa nangyari sa amin.

First time kung maka sakay ng eroplano  Baka atakihin ako nito sa puso.

Philippines airline 2638 to Hong-kong is now Boarding, To all passenger of the this flight please procede to gate 15.

Lumingo ako kay kent nakasandal lang ito sa upuan at may sout na shades. Ang gwapo talaga ng asawa ko.

"Kent aalis na tayo"
Inalog ko sya para magising

"Aahhhh"
Sabay Unat nya parang nasa bahay Lang. Ang gwapo niya parin tingnan lyra behave. Tinanggal niya ang shade at kinusot ang mata nito. Tapos tumingin ito sa akin. Naramdam ko ulit ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Tumayo siya sumunod naman ako sa kanya hila ang malitang dala namin simula kanina.hinde kami nagpapansinan.

--

Pag dating namin sa hongkong  dumiretso kami sa hotel na tutuluyan namin.

Niyaya ko siya kanina pag-baba. Namin ng eroplano na Pwide dumiretso kami ng mall. Pero anong Sabi nya 'mag isa ka ' ang bait niya grabe.

Binagsak ko ang bag sa sahig binuksan ang pintuan papuntang veranda Mula dito makikita mo ang liwanag ng boung hongkong subrang Ganda.

Unang beses kung maka punta sa ganitong lugar. Kung hinde ako kinasal sa kanya. Siguro hanggang sa tumanda ko hinde ako makakarating dito sa hongkong.

Hinde kupa nasabi sa mga magulang ko,tungkol sa biglaang kasal ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila lalong-lalo ni si mama siguradong magagalit siya kapag nalaman niya ang tungkol dito.

Pumasok ulit sa loob nakita ko si kent  naka bilis na.Nagmukha siya'ng gwapo sa sout niyang plain black shirt at may sout itong bunnet.

"Saan ka pupunta ?"
Tanong ko sa kanya

"Do i have to tell you,where i am going?"
Oo Dahil asawa mo Ako
Gusto kung sabihin yan sa kanya pero Mismong bibig ko ayaw bumuka  .

"Bawal ba'ng malaman kung Saan ka pupunta?"

"Tss! Wag kang umasta na asawa Kita liera. Dahil ang totoo sinunud ko lang gusto ng mga magulang ko. Asawa kita sa harap ng mga magulang ko. Asawa kita sa papel. Hanggang sa papel Lang liera at kahit anong mangyari katulong lang kita."
Pagkatapos nyang sabihin yon lumabas sya ng Kwarto namin.Napa upo ako sa kama. hinde ko namalayan tumulo na pala ang luha ko.
Alam ko naman na asawa ko Lang sya sa harap ng magulang nya. Hinde.
nya Kaylangan ipagmukha pa sa akin.

Simula nong gabing kinasal kami bigla syang nag-bago malamig Na ang pakikitungo nya sa akin. Unlike before Na Kaya nyang Sabayan ang pagiging baliw ko. Ang pagiging mukhang pera ko pero ngayon nararamdam kung hinde ako welcome sa buhay niya.

Yaya ako ng asawa ko (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon