Liera Pov
"Ito ang copy ng scheduled ni sir kent, liera nakalagay narin dito ang business trip scedule niya including out of the coutry. "
Kinuha ko ang folder na inabot niya sakin.Nandito kami ngayon sa office ni Kent. Tinuro sa akin ni nativedad kung anong gagawin ng secretary.Bilang assistant niya kaylan kung pag-aralan lahat ng tinuturo niya sa'kin.
"Anong pangalan mo?"
Tanong ko sa kanya
"Karren lyn nativedad po mam "
Kasing cute nya ang pangalan nya. maganda din siya..
"'Wag muna akong tawaging mam pariho lang tayong empliyado dito "
Sabi ko sa kanya sabay sulyap kay Kent na busy sa kakapindot ng laptop niya."Okay sabi mo eh"
Ngumiti ako sa kanya ang sarap pisilin ang pisngi nya."Ito ang list ng stockholder dito, minsan lang sila pumapasok dito maybe twice in a week kung magpapatawag board meeting si sir kent. "
Binuksan ko ang folder na binagay nya sa akin. Maraming appointment na kinasila ni kent.
"Wag mong kalimutan ipaalala kay sir mamaya na may appointment sya with Mr.Bernardo exactly 2:30 pm at cousin restaurant in Quezon City."
Tumungo. naman ako bilang sagot ko sa kanya. Maraming tinuro sa akin si karren halos wala ng kalalagyan sa utak ko, daig ko pa ang pumasok sa paaralan nito.
"Liera, pweding magtanong?"
Sinarado ko ang folder at tumingin sa kanya.
"May sakit po ba si sir kent?"
Pabulong na tanong nya na ikinagulat ko naman.
"Wala naman siguro,bakit? may napansin ka bang kakaiba sa kanya? " baka napansin niya ang kapilyohan ng baliw niya'ng boss.
"Mag-iisang taon na ako dito liera, ngayon ko lang nakita si sir na naka ngiti at take nito unang beses niya kaming binati ng magandang umaga kahapon ghorl."
Yumuko ako para itago ang ngiti sa labi ko. Ang pagiging masungit niya ay minana niya sa babaeng may dalaw araw-araw.
"Mabait naman si sir kent ha"
Bumilog ang labi niya.
"Wow,you appreciated his kindness liera ikaw na talaga, kadalasan kasi tuwing nasa intrance palang siya,nakasimangot nayan,you're so lucky if makita mo ang ngiti niyang nakatago sa ilalim ng lupa teh"
Pinitik ko sya sa noo. Tumawa naman sya upang maging dahilan para lumingon sa'min si kent."Noon ayaw na ayaw ni sir ang babaeng buntis lalong na ang may-asawa,gusto ni sir mga sariwang babae.Pero ikaw bunstis ka at kinuha ka bilang assistant secretary niya. magka-kilala ba kayo ni sir?"
Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa tanong niya, sinulyapan ko si kent, busy padin siya sa kakapindot ng laptop niya.
"Ano kasi.. ang nanay ko kasambahay nila, subrang tagal ng nanay ko sa Kanila at naging close ko narin ang mama nya at pati sya,kinuha nya ako bilang assistant secretary nya "
BINABASA MO ANG
Yaya ako ng asawa ko (Complete)
General FictionHer first life are simple,quait and she used to live like that. Liera Cerveantes 21 years old a girl who dream to have a better life. Monday to Wednesday isa siyang part time waitress sa isang restaurant,.Thursday to saturday isang mascut sa isang p...