Chapter 30-Fight for her

4.6K 92 5
                                    

Liera Pov

Dalawang araw na ang nakalipas simula nong dinala sa hospital si papa  Hanggang ngayon wala parin siyang malay. Minsan doon ako natutulog para may kasama si mama pati narin si kent ayaw niyang magpa-iwan sa bahay mag-isa.

Hindi ko alam kung nasaan si kerren tatlong araw na siyang hindi pumapasok. ilang beses ko siyang tinawagan hindi niya sinasagot. Kahit txt message ko hindi siya nagrereply. Kahit si bryan tatlong araw narin hindi pumapasok dalawang araw narin absent hindi Kaya nagtanan ang dalawang yon?

Nong araw na niyaya ako ni kent makipag date sa kanya, Yon din ang araw na sinabi sakin ni karren na mainit silang nagkasagutan ng daddy niya sa conference room ng dahil ulit sakin.

"Are you ready?"
Lumingon ako sa likoran ko nakita ko si kent naka tayo sa pintuan. Lalo syang gumuwapo sa suot niyang itim na tuxedo.

Ngumiti lang ako sa kanya at humarap ulit sa salamin. Lumipat siya sa akin at pumuwesto sa likoran ko.

"You're so beautiful "
Bulong niya sakin at hinalikan ako sa balikat.Isang kulay pulang bestida ang suot ko ngayon lalong lumabas ang kaputian ko.

Sya ang bumili nito kahapon alam na alam nya ang sukat ng katawan ko. kahit underwear at bra ko alam na alam nya ang size.

"Kinakabahan ako kent, hindi nalang kaya ako sasama "

"No,you have to face them " humalik siya ulit sa balikat ko at pinatong ang baba nya.
"Don't be nervous, i am here"
Dagdag niya sa sinabi niya

Hindi ko maintidihan ang nararamdam ko ngayon, kinakabahan ako sa anong mangyayari pagkatapos nito. Halos hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip at kinakabahan ako.

Ngayon ang araw ng engagement party nila ni trina.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon gustong kung manatili nalang dito sa bahay kaysa panourin ang asawa ko. habang pinapakilala ang magiging asawa niya, hindi ko nga maintindihan kung bakit ipapakasal sya sa iba may asawa naman sya.

"Let's go "

Tumayo ako at humawak sa braso nya, Humarap sya sa akin ulit at hinawakan ako sa baba.
"Tonight you will be officialy Mrs.Monteverde " hinalikan niya ako sa labi at hinaplos ang tyan ko.

"Hold me tight baby, everything will be fine tonight."

--
Pagdating namin sa venue nauna siyang lumabas ng sasakyan at umikot sa kabila para pagbuksan ako ng pintuan. humawak ako sa braso nya at pilit pinapakalma ang sarili.

Ang daming sasakyan na naka parada sa labas ng kompanya at sigurado akong pagmamayari ito ng besita nila ngayon .

Pagpasok namin sa loob lahat ng tao naka tingin sa amin. nagtataka kung bakit magka hawak kamay abg secretary at ceo. Ang iba naman nakatingin sa umuumbok kung tyan.

Bawat hakbang ko lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin for sure kanina pa ako Nakahandusay dito.

Hindi lang isang ordinaryong engament party ang magaganap ngayon. Mukhang plinanohan ng mabuti, hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay ni kent ng makita ko ang nakasulat sa harapan.

The night of monteverde and sandoval

"Just stay here,"
Hinalikan nya ako sa noo bago umalisa sa tabi ko at pumunta sa harapab. Nilibot ko ang paningin ko nakita ko si karren at bryan papalapit sa table namin.

"Hi"
Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi tumabi sya sakin sa kaliwan naman si bryan.

"Bakit ngayon kalang?"
Tanong ko sa kanya,bigla bigla nalang sumusulpot.

Yaya ako ng asawa ko (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon