Chapter 2

22.2K 412 11
                                    


TUWANG-TUWANG pinagmasdan ni Louise ang mga kuko niya sa paang katatapos lang niyang lagyan ng nail polish. Nakasalampak siya sa carpeted na sahig sa apartment ng kanyang pinsan.

Nagpasya siyang magpaiwan na lamang doon kaysa sumama sa date nito kay John. Alas-singko nang dumating sa apartment ang lalaki; niyaya siya nitong sumama, pero tumanggi siya, as if naman gusto talaga siyang isama ng mga ito. Mga plastic! sa loob-loob niya.

Mukha ngang attracted talaga ang pinsan niya sa John na iyon. Kakaiba ang kislap sa mga mata nito tuwing mapapatingin ito sa lalaki.

Alas-sais na ay hindi pa siya naghahapunan. Magpapa-deliver na lang siguro siya ng pizza. Wala ang daddy niya, nag-out of town, at gaya ng dati ay business na naman ang dahilan. Kaya nagpasya siyang sa apartment na lamang ni Wendy siya matulog.

Hindi na siya tumuloy sa boutique. Nagbilin na lamang siya kay Melinda, ang store manager niya. Napangiti siya nang maisip niya ang sarili niyang business. Kahit naman magulo ang kanyang utak at spoiled siya ay nagawa pa rin niyang palaguin ang napili niyang negosyo.

Mga damit at iba't ibang accessories ang itinitinda ng boutique niya. May tatlong taon na rin naman ang boutique niya at marami nang suki ang nagpapabalik-balik doon. Karamihan sa mga damit na itinitinda roon ay sarili niyang design. Tulad ng suot niyang sando, siya mismo ang may disenyo niyon. Kumbaga ay siya na rin mismo ang nagmomodelo sa mga damit na likha niya. Karami­han sa mga customers ng Louise's Boutique ay mga high school at college students.

Umupo siya sa sofa at iniunat ang kanyang mga binti.

"Beautiful, amiga," aniya sa sarili nang muli niyang pagmas­dan ang mga kuko niya sa mga paa.

May kumatok. Tinatamad na tumayo siya at tinungo ang pinto.

"Hi, Wen—" Natigilan ang kumatok nang makita siya nito pagbukas niya ng pinto.

Matamis ang ngiting ipinagkaloob niya rito.

"I thought—" Muli, hindi na naman nito natapos ang sasabihin nito dahil pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Okay lang sana iyon sa kanya kung hindi pagkadisgusto ang nakabalatay sa buong mukha nito. Na para bang ang sagwa-sagwa ng hitsura niya. May hawak itong family-sized pizza at malaking bote ng Coke.

"Bagay ba, amigo?" tanong niya rito; nilunok niya ang lahat ng hiya at walang pakundangang nag-pose siya sa harap nito.

Ano pa ba naman ang mawawala sa kanya? Kahit naman ano ang gawin niya ay maiinis pa rin ito sa kanya kaya mas mabuti nang inisin niya ito.

"Nandiyan ba si Wendy?" tanong nito nang makabawi na ito sa pagkabigla sa ginawa niyang pag-pose.

Bahagya pa niyang inginuso ang kanyang mga labi tulad ng ginagawa ng mga modelong nakikita niya sa mga magazines at sa TV.

"Wala siya, eh. Lumabas. Gagabihin na siya nang uwi," tugon niya. Talagang permanenteng salubong ang mga kilay nito kapag siya ang kaharap nito, samantalang kapag ang pinsan niya ang kausap nito, kulang na lang ay umabot hanggang sa bumbunan nito ang pagkakangiti nito.

Kung mayroon mang salitang nauunawaan niya nang lubos mula nang makilala niya ito, iyon ay ang "unfair." He meant unfair. Paano ba naman, mukhang sa kanya lang nakareserba ang mga salu­bong na kilay at kunot na noo nito. Kung hindi ba naman talaga unfair ang lalaking ito?

"Ganoon ba?" wika nito. "Sige, tutuloy na ako sa unit ko," anitong akma nang aalis—pero maagap na napigilan niya ito; hinawakan niya ito sa braso.

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon