Chapter 3

18.7K 373 1
                                    

NAPATITIG ang binata sa kanya. Pagkatapos ay narinig niya ang paghugot nito ng buntong-hininga.

"Well, she's beautiful," anito. "Simple lang siya. Madaling kausap, madaling pakisamahan. Mabait at soft-spoken. She's also patient, hindi basta-basta naiinis. And she likes kids..."

Ang huling sinabi nitong katangian ng pinsan niya ang sa tingin niya ay siyang pinakagusto nito. Hindi kasi nakaligtas sa kanya ang paglambot ng anyo nito nang banggitin nitong mahilig sa bata ang kanyang pinsan.

"He feels he's in love with me, kasi nakita niya sa akin 'yong mga katangiang gusto niya sa isang babae na binuo niya sa kanyang isip," naalala niya ang sinabing iyon ng kanyang pinsan.

"Okay," aniya, tumangu-tango siya. "What about how you feel about her? Tumatalon ba ang puso mo kapag nakikita mo siya? O 'di kaya naman ay kakaiba 'yong nararamdaman mo kapag kasama mo siya? 'Yong parang... hindi ka mapakali, para bang ang lakas ng dating niya sa 'yo. 'Yon bang aware ka agad kung nasa tabi-tabi lang siya o bigla siyang pumasok sa isang silid na naroon ka na rin, and without even looking, you know in your heart that she's around. You know, nage-gets mo ba ako?" aniya, feeling inadequate dahil pakiramdam niya ay hindi siya naintindihan nito dahil hindi rin naman niya naipaliwanag nang maliwanag kung ano iyong inila­larawan niyang nararamdaman ng isang taong in love.

Hindi siya lubusang makapagpaliwanag dahil kahit siya ay hindi niya maipaliwanag na sabay-sabay niyang nararamdaman ang lahat ng sinabi niya rito. Yes! Naramdaman na niya ang mga iyon. At sa iisang tao lang niya nadama iyon.

"I can see your point," turan nito. "Pero pangnobela lang naman yata ang damdaming inilarawan mo," anito.

Gusto niyang tumutol agad sa sinabi nito. Paano ba niya mapapaniwala itong totoo ang ganoong pakiramdam? Alangan namang ibulalas niyang nagsasalita siya base sa personal experience.

"I mean, those feelings you mentioned, from my point of view, they're impulsive feelings. Ililigaw ka lang ng mga iyon. Aanhin mo naman ang ganoong pakiramdam kung hindi naman sa tao mo mararamdaman ang mga iyon? Don't you think it's better to find someone you're comfortable with? 'Yong kahit wala na 'yong mga sinasabi mo, magtatagal pa rin kayo. Kasi nga, komportable kayo sa isa't isa—"

"You mean, you want to be safe?" singit niya.

"Hindi naman sa ganoon—"

"Ganoon na nga 'yon, 'no?" pigil niya sa sasabihin pa nito. "You don't want to feel those feelings. Kasi, gusto mong maging safe. Safe from the hurt na dulot ng mga damdaming iyon," aniya.

Ngayon lang sila nakapag-usap na silang dalawa lamang; heto at nagpapalitan na sila ng mga paniniwala. It was obvious na magkasalungat ang mga paniniwala nila.

"Nawawala ang ganoong mga damdamin, Louise. Hindi tulad kapag nag-rely ka sa kung ano talaga ang gusto mo at hindi iyong idinikta lang ng damdamin mo. I can say I love Wendy, dahil alam kong siya ang tamang babae."

Ganoon? aniya sa isip. Dahil siya ang tamang babae? Hindi dahil iyon ang idinidikta ng damdamin nito? Kailangan mo ba talagang mag-set ng standards sa kung sino lang ang dapat mong mahalin?

Mukhang may punto nga ang kanyang pinsan sa teorya nito tungkol sa nararamdaman ng binata para dito.

"So, meaning, kapag may na-meet kang isang babae at may naramdaman kang kakaiba pero hindi naman siya ang babaeng tutugma sa gusto mo, out na siya?" tanong niya.

Sandaling tumitig lang ito sa kanya. Bakit ba parang may nababasa siyang kakaiba sa mga mata nito? Hindi nga lang niya mabigyan ng pangalan kung ano iyon.

Hindi nito sinagot ang tanong niya. Sinipat nito ang suot nitong relo.

"I think I better go," anito at mabilis nang tumayo.

Tumayo na rin siya. "Okay," aniya. He wants to escape, she thought. "Salamat sa pizza," aniya.

Ngumiti ito at lumabas na ng apartment. Isinara niya ang pinto at sumandal siya sa likod niyon.

Silence means "yes." Kahit hindi pa nito sinagot ang tanong niya, more or less ay alam na niya ang sagot nito. Ganoon ba talaga ang damage na nilikha ng ginawang pag-iwan ng mama nito rito at sa daddy nito?

Most likely, sagot ng isip niya.

Because he was willing to go for a woman, na hindi man nagbibigay rito ng kakaibang pakiramdam—iyong pakiramdam ng in love—ay maaabot naman ang standards na i-s-in-et nito para sa pagpili ng babaeng mamahalin nito.

Ganoon ang concept nito ng pagmamahal? Bakit ba parang malakas ang puwersang nagtutulak sa kanya para ipakita rito kung ano ang mawawala rito if he chose to settle for less?

At paano mo naman gagawin iyon, aber? Ikaw ba ang babaeng makakapagparamdam sa kanya ng mga damdaming inilalarawan mo kanina? anang kontrabidang bahagi ng isip niya.

Hindi por que ganoon nga ang naramdaman niya kapag na-in love siya ay ganoon na rin ang mararamdaman nito. She fell in love for the first time, after four previous relationships, the moment she laid her eyes on Alfred.

But he was all-eyes to Wendy. At dahil nga hindi siya pansin nito, iniba niya ang kanyang image. Lahat ng mga bagay na nakita nito sa pinsan niya ay ginawa niya ang kabaligtaran para lang mapansin siya nito.

At nangyari nga iyon, pagkairita at disgusto nga lang ang inani niya. Eh, ano naman? Wala siyang pakialam doon; ang mahala­ga ay napapansin siya ng binata kahit pa nga madalas ay pintas at sermon lang ang naririnig niya mula rito.

Mas okay rito ang isang babae na mahaba kung manamit. Bumili siya nang maraming miniskirts at iyon ang isinusuot niya. Ayaw nito ng madaldal; mas gusto nito iyong kimi at mahiyain, kaya lalo siyang naging maingay at lalo niyang kinapalan ang kanyang mukha.

At ang bagay na iyon ang tanging hindi niya masabi-sabi sa kanyang pinsan—that she was in love with Alfred.

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon