Chapter 11

16.1K 287 0
                                    


NAGPAKAWALA siya ng malalim na hininga nang muli silang makasakay sa kotse ni Alfred. Isinandal niyang maigi ang kanyang katawan sa upuan. Kahahatid lang nila sa tatlong bata.

"Tired?" narinig niyang wika nito nang makasakay na rin ito.

"Sinabi mo pa," sagot niyang hindi lumilingon dito. Nagpasya siyang pumikit at marahang hinilut-hilot niya ang magkabilang sentido. "And I know na ganoon ka rin. Nakakapanlata naman talaga ang tatlong tsikiting na 'yon."

"Pero nakakatuwa silang kasama," anito.

"Yeah," sang-ayon niya. Bahagyang kumunot ang noo niya nang maulinigan niyang hindi pa rin nito pinapaandar ang sasakyan.

Dumilat siya. Eksaktong nasa ere ang kamay nito palapit sa kanyang mukha.

Tila nagulat ito sa biglang pagdilat niya. Ang kamay nitong nasa ere ay iniinat-inat nito. "Sabi mo nga, nakakapagod," anitong iniinat-inat ang dalawang kamay. "Nangalay rin yata ang mga braso ko," wika pa nito. Pagkatapos ay itinuon na nito ang atensiyon sa manibela. Binuhay nito ang makina.

"Alfred, salamat, ha?" aniya pagkaraan ng ilang sandali.

"You're welcome," nakangiting turan nito. "Nag-enjoy rin naman talaga ako nang husto."

"Siguradong plastado tayong pareho pagdating sa bahay. Baka hindi ako magising para sa jogging natin," aniya.

"Eh, di huwag mo nang piliting gumising. Mag-skip ka muna para makabawi ka naman."

Napalingon siya rito. Totoo ba 'yon? sa loob-loob niya. Concerned siya sa akin? Kanina pa siya ganyan, ah. Kanina pa siya concerned sa akin, kinikilig na turan niya sa isip.

Mahahalikan niya yata si Wendy dahil effective talaga ang naisip nito. At malaki rin ang pasasalamat niya sa tatlong pa­mangkin nila.

Hay, this is life. Hmm...

"Pipilitin ko pa ring makasama sa 'yo," aniya. Ang totoo ay nasanay na rin ang katawan niya sa paggising nang maaga at sa pagdya-jogging.

Nagtaka siya nang ihinto nito ang sasakyan samantalang isang bahay pa bago ang compound ng apartment.

Tumingin siya rito. Straight lang ang tingin nito. Napansin niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. Nang sundan niya ang tingin nito ay tumambad sa kanya sina Wendy at John.

Nakasandal sa kotse nito si John habang yakap naman nito si Wendy. And the two were... kissing!

Nang maghiwalay ang dalawa at bago sumakay ang lalaki sa kotse nito ay ginawaran pa nito ng mabilis na halik sa mga labi ang pinsan niya. Hinintay pa ng huli na makaalis nang tuluyan ang kotse ng lalaki bago ito pumasok sa gate.

At nasaksihan lahat iyon ni Alfred. God, he must be hurting so bad, she thought.

Alam niya ang nararamdaman nito dahil nararam-daman din niya iyon tuwing makikita niya kung gaano nito kamahal ang kanyang pinsan. Nararamdaman niya iyon kapag ipinapakita nitong wala siyang binatbat kung ikokompara siya kay Wendy.

At alam niyang masakit iyon.

"Who's that guy?" mayamaya ay tanong nito.

"John," mahinang tugon niya. Nakakaramdam siya ng guilt dahil alam niya kung ano ang namamagitan sa pinsan niya at kay John. "I don't know—"

"Oh, come on, Louise. Alam kong alam mo. Just tell me," anitong sa kanya pa yata balak nitong ibunton ang sakit na nara­ramdaman nito.

"But it's the truth. Alam kong nanliligaw si John kay Wendy pero wala pang nababanggit sa akin si Wendy kung nobyo na niya ang lalaking iyon," paliwanag niya.

Bakit ba kailangang magwakas ang isang napakagandang araw sa ganitong eksena?

"All right," anito. "Granted na hindi mo alam kung magnobyo sila, but you know what Wendy feels for that guy, don't you, Lou­ise?"

"Alfred—"

"Don't you?" mariing tanong nito.

"Look, wala ako sa posisyon para sabihin sa 'yo kung ano ang nararamdaman ni Wendy para kay John. Why don't you just ask her yourself? At kung puwede, huwag naman ako ang pagbuntunan mo ng inis. Because in the first place, labas ako sa problema mo sa pinsan ko." Iyon lang at bumaba na siya ng sasakyan nito. Nilakad na lamang niya ang natitirang distansiya patungo sa compound ng mga apartments.

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon