Chapter 9

16.6K 272 1
                                    


SATURDAY afternoon. Sinabi niya kay Wendy na yayain muna nito si Alfred na bumili ng pizza para naman hindi ito magdudang siya nga ang nagluto ng spaghetti. Confident na siya dahil master na niya talaga ang pagluluto ng recipe na iyon.

Abalang-abala siya nang tumunog ang telepono sa sala. Dali-daling sinagot niya ang tawag.

"How's my baby?" anang daddy niya sa kabilang linya.

"Just fine, Dad. And you?"

"Okay naman. Pasensiya ka na, anak, kung medyo magtatagal pa ako rito, ha? Hindi ko kasi maiiwanang may problema ang negosyo ng lola mo," anito.

"It's okay, Dad. Ikumusta at ihalik mo na lang ako sa kanya. Basta damihan mo ang pasalubong ko, ha?" paglalambing niya rito.

"Sigurado iyon, sweetheart. Dalawa kayo ni Wendy na maraming pasalubong," anito "Ahm, Louise..."

"Yes, Dad?" Nagtaka siya kung bakit biglang-bigla siyang tinawag nito sa kanyang pangalan. Hindi madalas na tawagin siya nito sa kanyang pangalan. Palaging "sweetheart," "honey," "baby," "princess" at iba pang endearments ang sa tuwina ay ginagamit nito sa kanya.

Puwera lang kung seryoso at importante ang sasabihin nito; meaning, may seryosong gusto itong sabihin sa kanya.

"Dad, you're freaking me out," aniya nang hindi agad nagsa­lita ito. "Something wrong?"

"Nothing, sweetheart," anito. "Well, suddenly, I just thought how you've missed a lot because you don't have a mother to be there while growing up."

Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang kanyang mga kilay. Bakit biglang-bigla namang naging sentimental ang kanyang ama? Nangyayari lang naman iyon kapag naaalala nito ang mommy niya.

"Oh, Dad, hindi naman ako nagrereklamo, ah," aniya, wanting to soothe him. "Kahit wala ang mommy, nakilala ko naman siya sa mga kuwento mo. And you love me. Sapat na sa akin 'yon. Hindi na ako naghahanap ng kung ano pa. Tama ka na sa akin," aniya.

"I was just thinking if..." Parang nag-aalangan itong hindi niya mawari.

"C'mon, Dad, you know you can tell me anything. I know how much you still miss Mom. Huwag mong kalimutang nandito lang ako. Now, tell me, what is it you're thinking?'

"I just thought that maybe..."

"What, Mr. Gaston?" pagbibiro niya rito.

"Forget about it, sweetheart," anito. "We'll talk about it when I come home, all right?"

"Are you sure? Wala namang problema?" tanong niya. She had this feeling na may gusto talaga itong sabihin; dangan nga lamang at nagbago ang isip nito.

"I am, sweetheart. Take care, okay? Kiss Wendy for me," anito; pagkatapos ay nagpaalaman na sila.

Nag-isip pa rin siya sa kung ano ang posibleng sasabihin nito sa kanya na parang nag-aalangan itong sabihin sa kanya. Ngunit nang maalala niyang nakasalang nga pala ang noodles at sauce sa kalan ay dali-dali na siyang nagtungo sa kusina.

"Damn!" bulalas niya pagkakita niyang parang lusak na ang noodles na pinapakuluan niya. Ang sauce naman ay tuyung-tuyo na; nang haluin niya iyon ay marami nang dumikit sa kaserola. Papa­tayin na nga pala niya ang kalan kanina nang mag-ring ang telepo­no.

Paano pa niya mareremedyuhan iyon? Wala na silang ibang stocks ng spaghetti noodles. Ang kalat-kalat pa ng lababo. Isang oras na mula nang umalis sina Wendy at Alfred. Anumang oras ay babalik na ang mga iyon.

Iniahon niya mula sa kaserola ang noodles at inilagay iyon sa malaking bowl. Geez! What will I do?

Dinagdagan na lang niya ng tubig ang bahagyang natuyong sauce at tinimplahan uli iyon. Ang kaso, nadamihan niya ang tubig na nailagay. Ubos na ang tomato paste na siyang pampalapot.

She had never encountered disaster up close. Not until now. This one was a huge disaster.

Narinig niya ang mga boses nina Wendy at Alfred. Bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang mga ito, may dalang box ng pizza at lata ng ice cream.

Suot pa niya ang apron. Naglaglagan na ang maraming hibla ng kanyang buhok mula sa pagkakapusod niyon dahil sa sobrang pagka­taranta niya. Ni hindi pa niya naaayos ang mga gamit na ginamit niya. Magulung-magulo pa ang lababo, pati na ang dining table.

"Hi, Louise!" anang pinsan niya. "Sobrang init. Pagod na pagod kami ni Alfred. Not to mention gutom na gutom..."

She was doomed! 

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon