Chapter 15

16K 299 2
                                    


SA PAGDAAN ng mga araw ay lalo silang nagkalapit ni Alfred. Kung dati-rati ay hirap na hirap siyang gumising nang maaga, ngayon ay parang nakasanayan na ng katawan niya iyon. Madalas na nga siyang sunduin nito sa boutique niya. Panay na nga ang parinig sa kanya ng kanyang pinsan. Wala pa ba raw siyang balak umamin kung sila na ng binata.

Gusto man niyang umamin ay wala naman siyang aaminin. Dahil wala pa namang binabanggit sa kanya si Alfred. Basta sinusundo lang siya nito sa boutique, inililibreng kumain at manood ng sine. Pero hanggang doon lang, wala pa talagang nababanggit ito sa kanya.

Lumagpas na siya ng isang buwan sa apartment ni Wendy dahil hindi pa rin umuuwi ang kanyang daddy. Siya muna ang tumitingin sa grocery store nila. Hinayaan na lamang niya ang kanyang ama; tutal, talagang ngayon lamang nakapagbakasyon ito.

Panay pa ang yaya nitong sumunod siya sa Cebu, kaya lang ay hindi niya mapagbigyan ito. Hindi pa kasi tapos ang misyon niya. Nananatili pa rin siyang naka-hang sa ere pagdating kay Alfred. Hindi niya alam kung sila na ba o ano.

Malakas ang kutob niyang hindi magtatagal at maririnig na rin niya ang mga katagang pinakahihintay niyang bigkasin ng mga labi nito. Well, handa naman siyang maghintay. Huwag nga lang sanang abutin ang pagtatapat nito hanggang sa i-celebrate niya ang kanyang ikanobentang kaarawan.

Tama na muna ang pagmumuni-muni dahil nakikita na niyang palapit sa table nila si Alfred. Dala nito ang tray na may lamang pagkaing siyang in-order nito. Katatapos lamang nilang manood ng sine. Last full show ang inabot nila.

"Gutom ka na ba?" tanong nito nang makaupo na ito.

"Actually, hindi pa nga, eh. Kasi, kumain naman tayo bago tayo nanood ng sine."

Kape at tinapay na lamang ang sinabi niyang order-in nito.

Nagsimula na siyang humigop ng kape. Abala siya sa pagkagat sa tinapay nang mapansin niyang hindi pala siya inaalisan ng tingin nito. Kumuha agad siya ng tissue paper at pinunasan ang gilid ng kanyang bibig.

"Bakit na naman?" asik niya rito.

"Wala naman," anitong humigop na rin ng kape nito.

"Out with it," aniya.

"What?"

"Alam ko namang may sasabihin ka, so go ahead."

Bakit ba malakas ang pakiramdam niyang ngayon na ang sandal­ing pinakahihintay niya magmula pa nang tumuntong siya sa ikala­wang taon niya sa kolehiyo?

"Ahm..." anitong parang naiihi na hindi mawari.

It's a sign, Louise, kinikilig na sabi niya sa isip.

Naghihintay ang tinging ipinukol niya rito. C'mon, Alfred, honey, say it and make my day...

"I think..."

'Sarap namang tuktukan nito, sa loob-loob niya.

"Remember, sinabi mo sa aking gusto mong matutong magluto," paalala nito sa kanya.

Anak ng pari! Ano na naman ba'ng kinalaman ng pagluluto sa romantic revelation na inaasahan niya?

"Uh-huh?" sambit niya.

"Maybe I could teach you," anitong naging mailap ang mga mata, sabay kagat sa tinapay nito.

Ganoon ba talaga kahalaga rito ang pagiging marunong ng isang babae sa kusina? Talaga bang hindi na siya makaka-graduate sa cooking issue?

Gaga! buwelta ng isang bahagi ng kanyang isip. Good sign pa rin 'yan, 'no? Ibig sabihin, seryoso siya sa 'yo at intensiyon niyang gawin kang maybahay niya kaya tinuturuan ka niyang maglu­to. Paghahanda na rin 'yan.

Could be!

"Okay, saan naman tayo magtuturuan? Alangan namang sa res­taurant mo, istorbo lang tayo roon."

"Sa unit ko na lang. This weekend," anito.

"Sure," aniyang inisip na lang na paghahanda nga iyon para maging maybahay siya nito. Gayunpaman, hindi pa rin niya mapigi­lan ang sariling ma-disappoint.

"It's a date then," anitong may kislap ang mga mata.

That did it! That date thing and that spark in his eyes.

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon