Chapter 21

30.8K 541 32
                                    

"WENDY, wala talaga ako sa mood. Alam mo namang kahit hindi mo ako pilitin, basta gusto ko, eh, sasama naman ako sa 'yo," tanggi niya sa imbitasyon ng kanyang pinsan na lumabas sila.

Pagkatapos nilang mag-usap ng mama ni Alfred two days ago ay ngalingali na niyang puntahan sa apartment nito ang binata. Dahil sa mga ipinagtapat ng mama nito, naunawaan niya kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan nitong huwag mapalapit sa mga babaeng may katulad ng personality niya.

Masama pa rin ang loob niya rito pero malakas ang puwersang nagbubulong sa kanya na ngayon higit kailan man, kailangan siya nito.

She ached for that ten-year-old boy. Malaking damage ang nagawa ng mama nito sa buhay at pananaw nito. God help her but she wanted to hold him, to assure him na hinding-hindi na nito mararanasan pang muli ang naranasan nito. Na kaya niyang maghin­tay hanggang sa lubusan nang magtiwala ito sa kanya, hanggang sa ma-realize nitong isa rin siyang simpleng babaeng naghahangad ng isang kompletong pamilya—ng tahimik at masayang pamilya.

"If only...

"Kahit sabihin ko sa 'yong pinaka-engagement party na rin namin 'to ni John?" kunwa ay nagtatampong wika ng pinsan niya.

"Talaga? Engaged na kayo ni John?" Bigla, natuwa at na-excite siya para dito.

"Kaya lang, ayaw mo naman akong saluhan sa kaligayahan ko—"

Agad siyang bumangon mula sa kama. "'Ayan na nga, o!" naka­tawang turan niya. "Magbibihis lang po ako sandali," aniya at dumiretso na siya sa banyo.

SA BAR na pag-aari ng pinsan ni John sila uli nagpunta. At sa parehong mesa rin sila naupo. Agad na nag-order ng drinks at pag­kain si John.

"Ia-announce ba ng banda ang engagement ninyo?" aniya sa mga ito; pagkatapos ay bigla niyang natutop ang bibig. "Oops, sorry. Surprise mo ba 'yon, ha, John?" nangingiting wika niya sa lalaki.

Magaling ang bandang kasalukuyang nagpe-perform dahil napa­paindak pa siya sa kanta ng mga ito. Dumating naman agad ang order nila.

"Ladies and gentlemen," wika ng vocalist nang huminto ito sa pag-awit. Tahimik, ni walang background music. "We would like to call our guest performer who's going to sing a song for his bride..."

Natigil siya sa pagkausap sa dalawang kasama niya nang marinig niya ang sinabi ng vocalist ng banda. Natuon ang pansin niya sa stage.

"We would like to call Alfred Esguerra. Come up here, buddy!" anang vocalist.

Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Naghihinalang napatingin siya kina John at Wendy. Agad namang nag-iwas ng tingin ang mga ito, itinuro ang stage.

Bumalik doon ang tingin niya. Literal na napaawang ang kanyang bibig nang makita niya si Alfred sa stage. Ang suot nito ay simpleng blue T-shirt na eksaktung-eksakto lamang sa katawan nito. Faded ang pantalon nito, butas sa bahaging hita at tuhod. Naka-gel pa ang buhok nito at tayung-tayo. May nakasukbit itong gitara.

Pumuwesto ito sa harap ng mikropono na kanina ay ginamit ng vocalist. "I would like to sing a song to a very special woman in my life. I know I'm a jerk, honey, but believe me, I love you... so very much," madamdaming turan nito.

Sigawan at palakpakan ang audience.

"This one's for you, Louise, honey," anito, pagkatapos ay lumipat ang spotlight sa mesang inooukupa nila nina Wendy.

Nagsimula itong tumipa sa gitara. Sinabayan ito ng banda.

"'Been running from these feelings for so long... Telling my heart I don't need you... Pretending I was better off alone... But I know that it's just a lie... So afraid to take a chance again... So afraid of what I feel inside..."

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon