NASUNTOK ni Alfred ang manibela pagbaba ni Louise. He acted like a jerk. She was right. Wala naman itong kinalaman sa kanila ni Wendy pero dito niya naibuhos ang inis na nadarama niya.
He was not a bit jealous seeing Wendy kiss that guy. Nagulat siya, yes, but that was it. No pain, he was not hurting. Ang totoo, nahiya lang talaga siya kay Louise. Alam kasi niyang iisipin nitong "lose" na naman siya pagdating kay Wendy.
At para mapagtakpan niya ang kahihiyan, he snapped at her. Ang ganda-ganda ng araw na pinagsaluhan nila—pero sinira niya lang iyon.
He had never felt so alive and so happy, really happy, in his whole life than the moment he spent with Louise. Genuine ang ngiti at tawang lumalabas sa kanyang bibig.
He had never felt that way when he was with Wendy. Well, it was not that he did not enjoy Wendy's company; no, nothing like that. It was just hindi ganoon kalutong ang tawa niya. Hindi ganoon kasaya ang pakiramdam niya.
With Wendy, he knew what to expect. She was too predictable. Alam na alam niya kung ano ang maaaring gawin nito at ang mga bagay na kahit kailan ay hindi ito magkakalakas ng loob na gawin. At iyon ang gusto niya sa isang babae. Iyong hindi niya ikakagulat ang gagawin nito dahil expected na niyang iyon ang gagawin nito.
Unlike Louise—kahit kailan ay hindi niya mahuhulaan ang susunod na gagawin nito. Masyadong adventurous ito, masyadong risk-taker, masyadong unpredictable. At iyon ang pinakahuling gugustuhin niya sa isang babae. Dahil ang mga ganoong katangian ay iisa lamang ang pupuntahan: hindi makokontento sa isang simpleng buhay, palaging may hahanapin, palaging makakaramdam ng kakulangan.
Like her mother. Hindi naging sapat para dito ang isang simple at tahimik na buhay kapiling ang asawa at anak. Her mother was always seeking for something.
Si Wendy lang ang gusto niyang makasama habang-buhay—simple at tahimik na buhay—ang maging ina ng kanyang mga anak. Dahil alam niyang makokontento ito sa isang simpleng buhay, sa isang pamilya.
Pero kung ganoon nga ang paniniwala mo, bakit mabigat na mabigat naman ang dibdib mo, knowing na sumama ang loob sa 'yo ni Louise? sigaw ng isang bahagi ng kanyang pagkatao. Bakit habang ipinagpipilitan mo sa sarili mong si Wendy ang babaeng nararapat para makasama mo habang-buhay, mukha naman ni Louise ang sumasalit sa isip mo?
Ah, hindi ko alam. At wala akong balak pang alamin.
Soon, Wendy would also realize that he was the right man for him. That they would be good together. Dahil iisa lang naman ang gusto nilang maabot.
Isang simple at masayang pamilya.
tify;>L
BINABASA MO ANG
Aayaw - ayaw, Hahabul - habol COMPLETED (Published by PHR)
RomanceAayaw - ayaw, Hahabul - habol By Claudia Santiago "Give me one reason reason why I should even consider giving you the second chance you're asking..."