Chapter 8

15.6K 291 1
                                    

UMUWI siya nang gabing iyon na talaga namang latang-lata ang kanyang pakiramdam. Parang binugbog siya ng limang maton. Tatlong araw nang sunud-sunod na sumasabay siya sa pagdya-jogging kay Alfred. Hindi nga niya alam kung paano siya nakakatagal.

Nananakit ang mga kasu-kasuan niya. Late na siya kung matu­log, pagkatapos, kay aga-aga kung gumising siya. Kapag bigla naman siyang tumigil sa pagdya-jogging ay baka kung ano pa ang isipin ng lalaking iyon.

"You're home," ani Wendy.

Babanat na sana siya ng kataku-takot na reklamo nang makita niyang may kasama ito sa kusina, nakaupo sa silya. Si Alfred!

Agad siyang tumuwid sa pagkakatayo. Pinilit niyang pasigla­hin ang kanyang mukha. Mabuti na lamang at hindi siya agad-agad na nagreklamo, kung hindi ay nabuko na siya ng binata.

"Hi!" masiglang bati niya sa mga ito.

"Are you okay?" tanong ng pinsan niya nang makalapit siya sa mga ito. "Parang ang tamlay-tamlay mo nang pumasok ka. May dina­ramdam ka ba?" may pag-aalalang tanong nito.

Nakita niya ang paglambot ng anyo ng binata habang pinagmamasdan nito ang pinsan niya sa ipinapakita nitong pag-aalala sa kanya.

Another point na naman para sa kanyang pinsan. Alam niyang nagustuhan ng binata ang ipinakita nitong pag-aalala sa kanya. It only meant na attentive at sensitive ang pinsan niya sa dinaram­dam o pangangailangan ng iba.

Sigurado siya, sa isip ng binata, ikinokompara na naman siya nito sa pinsan niya—kung paanong hindi man lang siya makaabot sa kalahati ng magagandang katangian ng pinsan niya.

"Okay lang ako." Pilit siyang ngumiti. "Alam mo namang pagka­galing ko sa boutique, eh, dumadaan din ako sa grocery store namin kaya medyo nakakapagod din," paliwanag niya.

"Well, siguradong matatanggal 'yang pagod mo kapag natikman mo na ang niluto ni Alfred na sinigang na hipon at mechado," nakangiting turan nito.

Alam niyang magaling magluto ang binata, tulad ng kanyang pinsan. Business Management ang tinapos nito at nag-aral din ng pagluluto ng iba't ibang putahe, local and international, dahil buo na sa isip nito kahit noong nasa college pa lang sila na magtatayo ito ng restaurant. That was according to Wendy dahil hindi naman nagkukuwento sa kanya ang binata.

Nakaramdam siya ng sakit nang maisip niyang nunca na magku­wento sa kanya ang binata ng tungkol sa mga hilig, pangarap o mga plano nito sa buhay.

Marami talagang pagkakapareho ito at ang kanyang pinsan. Siya, mahilig lang siyang kumain. Iyon ang tanging intensiyon niya kapag lumalapit siya sa kusina.

"Sigurado ka ba, Wendy, na gusto akong patikimin niyang kasama mo ng luto niya? Baka naman exclusive lang sa inyong dalawa 'yan. You know, I could always eat somewhere."

Now, why did she have to sound so sensitive and... bitter?

"Sus, ito naman!" anang pinsan niyang alam niyang nagtataka sa sinabi niya. "Hindi lang naman ako ang kaibigan nitong si Alfred. Hindi ba't jogging buddies na rin kayo?"

"Yeah, para sa ating tatlo itong niluto ko, Louise," sabad ng binata.

Bakit ba kasi biglang-bigla na lang siyang nagmarakulyo? As if naman may karapatan siya. Hindi sanay ang mga ito na ganoon siya. Sanay ang mga itong palagi lang siyang nakatawa at nakabungisngis.

"Kayo naman, 'di na kayo mabiro," bawi niya. "Kahit naman hindi ako imbitahan ni Alfred, kakain pa rin ako, 'no?" aniyang tumawa pa.

"So, let's eat. Luto na iyong sinigang," anang pinsan niya.

AYON pa kay Wendy, she had to learn how to cook.

Dahil iyon ang isa sa mga katangiang gusto ni Alfred sa isang babae, kailangan niyang pag-aralan ang pagluluto para ma-impress naman niya ito.

Kaya nga heto siya, sa kitchen ng apartment, kandahilo sa pagsunod sa instructions na nasa cookbook ng kanyang pinsan. Spaghetti ang unang recipe niya dahil balak niyang iyon ang ipa-merienda kay Alfred sa darating na weekend.

Ang alam niya, madali lang namang lutuin ang sauce ng spa­ghetti dahil ilang beses na niyang napanood nang gawin iyon ng kanyang pinsan. Pero bakit ngayon parang litung-lito siya?

Ang alam niya ay fast learner siya—bakit ngayon ay ang kupad-kupad niyang maka-pick up?

Panay pasakit na lang ba talaga ang mararanasan niya dahil sa pagmamahal niya sa Alfred na iyon?

Bakit ba naman kasi kailangang mamatay ng mommy niya sa panganganak sa kanya. Di sana ay naturuan siya nito sa gawaing-kusina. Kasalanan ba niya kung ayaw siyang pagtrababuhin ng daddy niya sa bahay? Kasalanan ba niya kung ang alam lang niya ay tumikim sa mga nilulutong pagkain ng Yaya Marina niya?

Definitely, hindi! Pero kailangan pa rin niyang gawin ang bagay na ito dahil kasama iyon sa listahan ni Alfred.

tyle=/Ӹ

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon