Chapter 19

17.2K 288 1
                                    

"I'M SORRY," ani Alfred sa kanya. Hawak nito ang dalawang kamay niya. "I didn't mean to hurt you, honey. And believe me, hindi kita ikinokompara kay Wendy. Please forgive me," nagsusumamong turan nito. Lumuhod pa ito.

"Para kang sira. Oo na. Pinapatawad na kita," nakangiti na ring turan niya.

Huminga ito nang malalim. Mayamaya ay may kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito—isang pulang kahita.

"Kung wala lang nangyaring aberya, kanina ko pa sana ginawa 'to," anito. Binuksan nito ang kahita at tumambad sa kanya ang isang diamond ring. "Will you marry me, Louise Gaston?" anito.

Tuluy-tuloy nang pumatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. This was her dream. Ano pa ba ang kailangan niyang sabihin kundi "Yes, Alfred. I will marry you!" Iyon lang at isinuot na nito ang singsing sa daliri niya.

Pagkatapos ay itinayo siya nito at mahigpit siyang niyakap.

"I love you," madamdaming pahayag niya.

He kissed her just then. It was almost complete. If only he could say the three magic words, kompleto na ang lahat.

"Pero kailangan muna nating paunahin ang papa at Tita Dor­ris," nakangiting wika niya.

"Yeah, we have to," anito sabay halik uli sa kanya.

"ARE YOU sure about this?" tanong sa kanya ni Wendy. Nasa silid niya sila.

Nakabalik na siya sa bahay nila at kasundo naman niya ang Tita Dorris niya. Mabait naman ito at halatang mahal na mahal nito ang daddy niya.

"I want to give him something special. Ito lang 'yong naisip kong kakaiba," aniya rito.

Plano niyang handugan ng isang awit si Alfred sa bar ng pinsan ni John. Sa harap ng maraming tao, she will sing for her man. Gusto niyang ipadama rito kung gaano siya kasaya sa piling nito sa isang espesyal na paraan. Matagal na rin naman siyang hindi nakakapag-perfom. Dati siyang vocalist ng isang banda noong nasa kolehiyo pa lang siya.

"Napakasuwerte talaga niyang Alfred na 'yan. Biruin mo, you are too willing to go through all this trouble para lang mapa­saya mo siya."

"Because he made me special, too, Wendy. I just want to return the favor," tugon niya.

"Hmp! Kahit ang dami-daming bawal diyan sa boyfriend mo, Louise. Listen to me. Oo, tama lang na mahalin mo siya nang husto, but don't let him make you lose yourself, your own identi­ty. Ipatanggap mo sa kanya kung ano ka talaga. You're outspoken, you like to dress differently, you want to express yourself. Maaaring magkaiba tayo the way we carry ourselves, pero alam nating pareho na iisa lang ang hangad natin, a happy family, a fulfilling life. You don't have to change because that's you. And I like seeing you the way you are. Make Alfred accept kung ano ang mga hilig mo at kung ano ang mga gusto mong gawin," payo nito.

"I know," aniyang naluluha dahil sa labis na concern na ipinagkaloob nito sa kanya.

HINDI nakaligtas sa kanya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Alfred nang makita nito ang outfit niya. Naka-leather miniskirt siya na ang kulay ay maroon, paired with a sando blouse na galing sa kanyang boutique. Naka-boots din siya.

Hindi niya pinansin ito. Hinila niya ito at niyaya na sina John at Wendy. Marami nang tao nang makarating sila sa bar na pag-aari ng pinsan ni John. Alam na rin nito ang gagawin niyang paghahandog ng awit sa kanyang nobyo.

Naupo sila malapit sa elevated platform kung saan naroon ang nagpe-perfom na banda.

After thirty minutes ay nagsalita ang vocalist ng banda. "Ladies ang gentlemen, we would like to call one of our guest performers who's going to sing a song to her groom. Let's call in Louise Gaston."

Masigabong palakpakan ang nagmula sa audience.

Hindi niya tiningnan si Alfred. Basta umakyat siya sa stage at baka mawalan pa siya ng lakas ng loob.

"Hi, good evening, everyone!" bati niya sa audience. Kinaka­bahan man siya ay madali naman siyang nakapag-adjust dahil dati na naman siyang nagpe-perform.

"I'd like to sing a song to a very special man in my life. This one's for you, sweetheart," aniya; pagkatapos ay lumipat ang spotlight sa mesa kung saan naroon si Alfred, kasama sina Wendy at John.

Sigawan ang mga customers. Ngunit napansin niyang tahimik lang ang binata. Nagsimulang pumailanlang ang maindak na tugtu­gin.

"THE SUN is shining and everyday I am never getting in the way for you and me... I've known you just a week or two but, baby, I'm so into you... Can't hardly breathe..."

Titig na titig si Alfred sa dalaga nang magsimula itong kumanta. Sinabayan pa nito iyon ng pag-indak.

"And I mean so totally wrapped up, emotion'lly attractive, so physic'lly active, so recklessly need you, so desperately sure as the sky is blue... Baby, I love you..."

Suddenly, he was ten again. They were in a party, kasama ang papa at mama niya. Napakagarbo ng suot ng kanyang mama, halos lahat ay napatingin dito, lalo na ang mga kalalakihan.

Pagdating nila sa party ay agad nang humiwalay sa kanila ang kanyang mama, nakiumpok sa mga kaibigan nito. Ang papa naman niya ay ipinakilala siya sa mga kaedad niyang naroon.

Ngunit kahit maraming batang kasalamuha niya ay hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa kanyang mama na ngayon ay may kausap nang isang lalaki, nakikipagtawanan dito. Alam niyang marami pa siyang hindi nauunawaan, pero alam din niyang may mali sa nakikita niyang iyon.

Ilang sandali pa ay naanyayahan ang kanyang mama na magbigay ng isang awitin dahil kilala itong magaling kumanta. Nagpaunlak naman ito at kumanta.

Nasa kalahati na ito sa pagkanta nang may sumigaw na babae. Isinisigaw nitong malandi ang kanyang mama dahil inagaw raw ng kanyang mama ang asawa nito.

Iyon ang eskandalong pinagpiyestahan ng mga taong nasa circle nila. Lumabas na kaawa-awa ang kanyang ama. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay iniwan na sila ng kanyang mama.

He knew Louise was not like his mother; she was never a flirt. Pero nang mga sandaling iyon, habang panay ang pito at sigaw ng mga customers, lalo na ng mga kalalakihan, bumalik sa kanya ang tagpong iyon maraming taon na ang nakakaraan.

Hindi niya nakayanan ang tagpo. Tumayo siya at lumabas ng bar.

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon