Chapter 7

16K 302 4
                                    


KAILANGAN talaga rito sa Alfredo na 'to, paminsan-minsan, eh, ginugulantang! Para magtanda at huwag nang umulit pa, sa loob-loob niya.

But then, that would not be good. This was her first day in accomplishing her mission. Unang araw pa lang ay sumablay na siya. Paano ba naman siya makakapuntos sa lalaking ito, eh, binara-bara at tinaray-tarayan na niya ito? Her objective was to get his attention. Oh, yes, she got his attention, all right—pero hindi naman iyong klase ng atensiyon na gusto niya.

Nadagdagan na naman ang red mark niya rito. Ngayon, kailan­gan tuloy niyang mag-isip ng paraan para makalimutan nito ang ginawa niyang pagtataray dito.

Sinulyapan niya ito habang sabay silang nagdya-jogging. Magkasama nga sila pero ni hindi man lang siya kinikibo nito. Nagdududa na tuloy siya kung kailangan pang paramihin ang lahi ng Alfredo na ito.

Bakit ba nang tumibok ang puso niya ay dito pa sa herodes na ito? Lintik lang ang walang ganti, Alfredo. Once na bumigay ka sa bitag ko, ikaw ang paglalabahin ko ng lahat ng maruruming damit natin kapag mag-asawa na tayo. Hmp!

Hinihingal na siya dahil sa kakaagapay rito. Ang lalaki naman kasi ng mga hakbang nito.

Nagpasya siyang siya na ang bumasag sa katahimikan dahil tila wala itong intensiyong ibuka ang bibig nito. "Pasensiya ka na sa nasabi ko kanina. Medyo masama lang ang gising ko kaya sa 'yo ko naibunton," aniya. Plastic! sigaw ng isip niya.

"It's okay. I was rude," anito.

'Buti naman at alam mo! sigaw naman niya sa isip.

Iyon na ang huling pagkibo nito sa kanya habang tumatakbo sila. Hindi na niya nagawang magsalita pa dahil habul-habol niya ang sariling hininga.

Agad siyang sumalampak sa semento pagdating nila sa compound ng apartment. Hingal-kabayo talaga siya. Wala na siyang pakialam kung ang pangit-pangit na ng hitsura niya. Basta ang alam niya, pakiramdam niya hindi na niya kayang tumayo at maglakad.

Ayaw niyang tumingin sa binata dahil natatakot siyang maki­tang nagtataka ito. Kung talagang nakasanayan na niya ang mag-jogging, bakit parang naninibago siya sa kanyang nararamdaman?

Pumasok ito sa loob ng unit nito.

Tingnan mo'yon, iniwan na lang ako bigla. Parang gusto na niyang magbago ng isip kung bakit ito pa ang napili niyang maha­lin. May choice ka ba? aniya sa sarili.

Pag-angat niya ng tingin ay sumalubong sa kanya ang bottled water. Nag-angat pa siya ng tingin at nakita niyang ang binata ang nag-aabot niyon.

Hindi naman pala siya iniwan nito. Kumuha lang ito ng maii­nom. Agad niyang kinuha ang bottled water.

"Thanks," humihingal pa ring wika niya.

"Matagal ka na bang hindi nagdya-jogging?" tanong nito.

"M-medyo," sagot niya pagkatapos niyang uminom.

"Are you okay?" May himig ng pag-aalala ang tinig nito. Lahat ng hirap at pagod na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay parang nabale-wala nang marinig niya ang tanong nito.

"I'm fine," nakangiting sabi niya. "Kulang lang sa prac­tice."

"Well, in that case, mas mabuti kung araw-arawin mo na ang pagdya-jogging," anito, saka tumungga sa boteng hawak nito.

Araw-arawin? Ngayon nga, eh, hindi na siya makagulapay, aaraw-arawin pa niya ang pagdya-jogging? Ganoon ba talaga lahat ang mga nai-in love, sangkatutak na paghihirap ang pagdadaanan? O siya lang ang ganoon—exclusive lang iyon sa kanya?

"I think you're right." Hindi niya alam kung umabot sa kanyang mga mata ang ngiting nanulas mula sa mga labi niya.

"Okay ka na ba? Okay lang na iwan na kita?" tanong nito pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan.

"Kapag sinabi ko bang hindi okay, na huwag ka munang umalis, hindi ka aalis?" pananalakab niya rito.

Gulat ang bumalatay sa guwapong mukha nito. 'Yan, 'buti nga sa 'yo, tatanung-tanong ka pa kasi. Nakita niya ang discomfort sa mukha nito.

"Sige na," pagtataboy niya rito. "Para binibiro ka lang, eh. Masyado ka talagang allergic sa akin," ngingiti-ngiting turan niya. "Kapag napaamo kita, humanda ka talaga sa akin." Hindi niya namalayang hindi lamang pala sa isip niya nabigkas ang mga kata­gang iyon dahil biglang lumingon ito sa kanya.

"What?"

"W-wala," agad na sagot niya.

pansk.E+

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon