MAG-AALAS-SAIS na ngunit hindi pa rin tumutuloy sa pagdya-jogging si Alfred. Nasa harap pa rin siya ng kanyang apartment, panay ang sulyap sa pinto ng apartment ni Wendy, umaasang bubukas iyon at iluluwa niyon si Louise.
Alam niyang napagod ito nang husto sa pamamasyal nila kahapon pero hindi ba at sinabi nitong sasama pa rin ito sa kanya? Hindi kasi maalis-alis sa isip niyang baka hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob nito sa kanya.
Sumasakit ang dibdib niya sa isiping iyon. God, if she would only come out of that door, gagawin niya ang lahat para mawala ang sama ng loob nito.
Kagabi ay kinausap na siya nang masinsinan ni Wendy. Inamin na nito sa kanyang nobyo na nito si John, na sana ay matanggap na niyang hindi talaga sila para sa isa't isa. At ang isang bagay na ikinalito niya ay nang sabihin nitong she knew he was not really in love with her.
Now, why did she think that way? Nagkulang ba siya ng pagpapakita rito ng pagiging masaya nila? Mayroon ba itong hindi nagustuhan sa ugali niya? Hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat ay iyon at iyon pa rin ang pakiramdam nito.
Nagsimula siyang manligaw rito noong nasa kolehiyo pa lang sila. Binigo siya nito. Pero hindi pa rin siya natinag. Hindi pa rin siya lumayo rito. Nanatili siyang kaibigan nito. At nang malaman niyang lumipat ito sa isang apartment, inupahan din niya ang unit sa tabi nito.
Now, were those not enough to show her that he had good intentions?
Simple, anang kontrabidang bahagi ng kanyang isip, she can feel you don't really love her. She might have fallen for you kung nararamdaman niyang pagmamahal o pag-ibig ang dahilan kung bakit mo ginawa ang lahat ng ginawa mo para sa kanya.
Were they not? tanong niya sa sarili.
No. You did all those things because in your mind, she possesses the qualities you're looking for in a woman.
And they are not enough reason? challenge ng bahagi ng kanyang pagkatao na hindi sumasang-ayon sa kanyang dahilan.
Nasa ganoon siyang paglalaban ng isip nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon ang babaeng halos hindi nagpatulog sa kanya sa buong magdamag.
Si Louise.
He never knew he could feel so happy, so excited, and so glad all at the same time with the sight of a woman. And not just any woman. But one particular woman.
It was like seeing her for the first time.
Naalala niya nang unang makita niya ito. Iyon ay noong ipakilala ito sa kanya ni Wendy. Kilala na niya ito kahit hindi pa niya nakikita ito base na rin sa mga kuwento ni Wendy.
And when he finally saw her, she took his breath away, he could hardly breathe. At hindi niya nagustuhan ang pakiramdam na iyon because he felt like he was losing his control.
Sa pagdaan pa ng mga araw, palagi niyang nakikita ito dahil madalas na kasama ito ni Wendy. Maraming kakaibang damdaming ipinakilala ito sa kanya—mga damdaming hindi niya kailangan at hindi niya gustong tanggapin.
At iisa lang ang naisip niyang paraan upang maiwaksi iyon. And that was to ignore her completely. Hindi niya hinayaan ang sarili niyang mapalapit dito kahit kita naman niya ang kagustuhan nitong makipagkaibigan sa kanya.
"H-hi," mahinang bati nito pagkaraan ng ilang sandali.
"Hi!" ganting-bati naman niya. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya. Kung magiging totoo lang siya sa sarili niya, aaminin niyang ganoon naman palagi ang pakiramdam niya tuwing makikita at makakausap niya ito.
BINABASA MO ANG
Aayaw - ayaw, Hahabul - habol COMPLETED (Published by PHR)
RomanceAayaw - ayaw, Hahabul - habol By Claudia Santiago "Give me one reason reason why I should even consider giving you the second chance you're asking..."