Chapter 18

16.7K 305 1
                                    


"WHAT? Why?" napamaang na tanong niya nang nanatili lamang na nakatingin sa kanya ang binata. They were about to go to the airport para sunduin ang daddy niya.

Nakita niyang pinasadahan siya nito ng tingin. Naka-sando blouse siya at may kaikliang maong skirt.

Matagal-tagal na ring hindi niya naisusuot ang paborito niyang outfit na iyon. Mula nang maging nobyo niya si Alfred ay iniwasan muna niyang magsususuot ng ganoon para naman ma-appreci­ate nitong kaya rin naman niyang gawin iyong mga bagay na gusto nito sa isang babae. Idagdag pang talagang nag-aaral siyang magluto.

"Do you really have to wear that?" anitong biglang nagsalu­bong ang mga kilay nito.

"Dati ko namang isinusuot 'to, ah," aniya rito. Just this once, sana naman ay pagbigyan siya nito.

"Yeah, but we're going to the airport," anito.

"So?" Hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin.

"Ayoko namang lahat ay nakatingin sa girlfriend ko."

"Mukha bang mababastos ako sa suot ko?" Pinipigilan niyang huwag mapikon dito. Mula nang maging magkasintahan sila, lahat na lang ng dapat niyang gawin ay para i-please ito, para hindi naman nito isiping nagkamali ito ng pagpili sa kanya.

Noong hilinging nitong tanggalin niya ang maraming hikaw sa kanyang tainga, she obliged him. Noong sabihin nitong huwag na lang niyang kulayan ang mga kuko niya, ginawa niya pa rin iyon. Noong sabihin nitong iwasan niya ang pagsusuot ng maikling palda, okay pa rin sa kanya.

Pero ngayon lang naman uli siya nagsuot ng ganito. At hindi naman bastusin ang suot niya.

"Honey, please, magpalit ka na lang. Please..." anitong hinalikan pa siya sa noo.

"Oo, sige na," nakalabing wika niya.

"Kung gusto mo, samahan na lang kita sa 'taas para makita ko kung bagay sa 'yo ang isusuot mo," pilyong turan nito.

"Heh! Baka mamaya niyan, mahuli pa tayo sa pagsundo sa daddy," natatawang sabi niya at mabilis na siyang umakyat sa kanyang silid.

Nagpantalon na lang siya ng maong para wala nang masabi ito.

"See? Mas maganda 'yang ganyan," anito nang muli siyang bumaba. "Si Wendy nga, kung hindi nakasimpleng palda lang na lagpas-tuhod, nakamaong palagi," komento pa nito.

Biglang nag-init ang ulo niya sa sinabi nito. "Baka nakaka­limutan mo, Alfred, na hindi ako si Wendy," nakasimangot na wika niya at nauna nang lumabas ng apartment.

"YOU'RE being unreasonable, Louise."

"Okay, unreasonable na kung unreasonable. Eh, sa talagang hindi ko inaasahan ang nangyari at talagang nabigla ako, ano'ng magagawa ko?" aniya sa binata nang makarating na sila sa apart­ment. Pasalampak siyang umupo sa bakal na silya na nasa terrace.

"Pero napahiya naman ang Tita Dorris mo," anito.

Imbes na ang daddy niya ang magulat dahil kasama niya ito bilang nobyo niya, siya ang higit na nabigla nang ipakilala ng daddy niya ang babaeng kasama nito na asawa na raw nito.

Ang Dorris na iyon ang first love umano ng kanyang ama. Hindi nga lang daw nagkatuluyan ang mga ito dahil nagpunta na sa Maynila ang daddy niya at ang Dorris namang iyon ay nagpunta sa America. Hindi na raw uli nagkabalikan ang mga ito dahil nakilala na ng daddy niya ang mommy niya.

Hindi niya naitago ang kanyang sama ng loob hanggang sa restaurant kung saan sila kumain. Kasal na umano sa huwes ang daddy niya at ang Dorris na iyon. At susunod na raw ang church wedding ng mga ito. Natandaan niyang kaya pala may gustong sabi­hin sa kanya ang kanyang ama nang minsang tumawag ito sa kanya.

He sounded weird—iyon pa nga ang pumasok sa isip niya. Iyon pala ay may nobya na ito roon, at nagpakasal nang hindi man lang nito ipinaalam sa kanya.

Ayaw raw nitong iwan pa sa Cebu ang Dorris na iyon. At papayag lang daw ang babaeng sumama ito sa kanyang ama sa kanilang bahay kung kasal na ang mga ito.

Dahil sa pagkabigla at sama ng loob ay nag-walk out siya sa restaurant. At iyon ang pinagtatalunan nila ngayon ng binata.

"Sino ba ang bigla-bigla na lang magpapakita sa akin para ipakilala bilang bagong asawa? 'Di ba, 'yong Dorris na 'yon? Ano'ng ine-expect niya, yayakapin ko siya at sasabihan ng 'Wel­come to the family, Mommy'? Ganoon ba?" sarkastikong turan niya.

"Stop being childish, Louise. Hindi ka na bata."

"Bahala ka kung isipin mong childish ako, Alfred," aniyang nasaktan sa sinabi nito. "Am I not allowed to get shocked? Masama ba kung mabigla ako? Hindi ba puwedeng ipaalam ko sa kanila na nasaktan ako dahil nagpakasal ang daddy ko nang wala ako? Na hindi niya ako kinonsulta bago siya nagpakasal? I'm not going to stop him. Ang sa akin lang, importanteng desisyon iyon, Alfred. I wanted to be a part of it. Ano'ng mararam-daman ng daddy ko kapag bigla-bigla na lang akong nagpakasal nang hindi ipinapaalam sa kanya? Hindi ba't magdaramdam din siya? Masama bang ipaalam sa kanila kung ano ang nararamdaman ko sa biglang pagpapakasal ng ama ko nang wala akong kaalam-alam? Ano'ng gusto mo, manahimik na lang ako? Magpaka-plastic gayong masamang-masama ang loob ko? I am hurt. Masakit na masakit, kasi sa buong dalawampu't anim na taon ko, kami lang ni Daddy ang magkasama. I expected him to tell me about this decisions. Because I want to be a part of it," aniya rito.

"Look, I know how you feel, honey, pero hindi ba puwedeng sabay-sabay na lang tayong umalis ng restaurant at hindi ka nag-walk out? You could have acted more sensibly that way—"

"The way Wendy would, iyon ba ang sasabihin mo, Alfred?" galit na napatayong sabi niya. This was just too much. "Kung si Wendy iyon, she would have acted sensibly. Uupo roon, at makiki­pagkuwentuhan nang mahinahon sa Dorris na 'yon. Well, I-am-not-Wen-dy. Ilang beses ko bang kailangang sabihin 'yan sa 'yo? I am not Wendy. Sinasabi ko kung ano ang gusto ko. Ipinapakita ko kung ano ang nararamdaman ko. And I'm so sorry kung hindi ako makaa­but-abot sa pamantayan mo!" Iyon lang at pumasok na siya sa apartment ng kanyang pinsan; lalong sumama ang loob niya.

Umiiyak na dumapa siya sa kanyang kama. Ano ba naman iyong hayaan na lang muna siya ng binata? Masyado pa ngang masama ang loob niya. Talagang nasaktan siya. Kilala niya ang kanyang sari­li. Hindi naman ganoon kakitid ang utak niya.

She just needed time. Matatanggap din naman niya ang Dorris na iyon. Kailangan lang muna niyang ilabas ang sama ng loob niya.

Mas mabuti pa sana kung niyakap na lang siya ng kanyang kasintahan at hinayaan siyang magmarakulyo. Pero hindi, ikinompa­ra na naman siya nito kay Wendy. At pagod na pagod na siyang marinig iyon.

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon