Chapter 14

16K 279 0
                                    

"WHAT'S this mess?" gulat na bulalas ng kanyang pinsan nang buksan nito ang pinto sa silid na inookupahan niya. Nagkalat ang mga sapatos at damit niya.

"Oh, thank God, you're home!" aniya nang makita niya ito.

"Louise, past five na, nandito ka pa rin? Akala ko ba hihin­tayin ka ni Alfred sa restaurant niya?" anitong nagmukhang nagu­guluhan.

"Oo nga, eh," namomroblemang sabi niya. "Ang kaso, hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Kung ako ang masusunod, mag-i-skirt ako, kaya lang, magugustuhan ba 'yon ni Alfred?"

"Ano ka ba? Eh, di isuot mo 'yong damit na komportable ka! Dapat, ngayon pa lang ay tanggap na niya kung ano ka talaga," anito.

"If I want to be comfortable, I'd wear a sando top and a skirt. Kaya lang, baka madismaya naman si Alfred," nag-aalalang wika niya. She desperately wanted to please him.

"Then wear one. Doon ka komportable, eh. May kutob akong basta pumunta ka lang doon ay ayos na sa lalaking iyon—"

"How can you say that when he's mending a broken heart? Gusto lang maglibang n'ong tao. Nagkataong willing naman akong maging libangan niya," pakuwela pa niya.

"I don't believe that," anito. "Believe me, coz, he has this thing about you for years now. He hasn't just realized it yet."

"Puwede bang ma-develop sa love 'yang 'thing' na sinasabi mo?"

"For all I know, he's already in love with you."

"Oh, don't give me that, Wendy," tanggi niya. "Ang paniwa­laan ka ngang somehow ay attracted sa akin si Alfred ay nahihira­pan na ako, ipipilit mo pa 'yang teorya mo."

"We're going to find out," nakangiting turan nito sabay dampot sa kanyang kulay-lumot na palda at puting sando. "Go!"

PAGKAPASOK na pagkapasok niya sa restaurant ay nakita agad niya si Alfred na sumasalubong sa kanya.

"Akala ko, 'di ka na makakarating, eh," anito at iginiya siya papunta sa kitchen.

Bawat empleyadong makasalubong nila ay ipinakilala siya nito. Pagkatapos nitong magsuot ng apron ay siya naman ang sinuotan nito niyon. Damn it, this is heaven, she thought.

Wala naman siyang ginawa kundi ang mag-abot ng mga ingredi­ents dito. At paano naman niya matatandaan ang mga dapat niyang gawin, eh, mas gusto niyang pagmasdan na lang ito, lalo at abala ito sa pagluluto at hindi nito napapansin ang ginagawa niyang pagtitig dito?

"Pasta a la Alfred" ang tawag nito sa niluto nito.

"Taste it," anito.

Tinikman naman niya ang sauce na ginawa nito. "Masarap nga," aniya. Mahilig siya sa pasta kaya talagang na-appreciate niya iyon.

"So, natandaan mo ba ang mga ginawa ko?" pagkaraan ng ilang sandali ay tanong nito.

"Ha? Amm..."

"Sabi ko na nga ba, hindi ka nakikinig," nakangiting turan nito.

"Tagakain lang talaga ko," sabi niya.

"Gugutumin mo pala ang magiging asawa mo," tudyo nito.

"Matututo rin naman siguro ako ng mga simpleng recipe. Hindi 'yong mga complicated tulad niyang pasta mo," palusot niya.

"But this one's easy," anito.

"Sa 'yo," nakalabing wika niya. Bakit ba kasi hindi niya naisipang mag-aral magluto?

"But can you grill a steak?" tanong nito.

"No."

"Scramble eggs?"

"M-medyo."

"Fix easy dish, you—"

"Not a chance. But I can learn."

Minulagatan siya nito. "Magpakulo ng tubig? Do you think you could do that?"

"You don't have to be so sarcastic. I can boil water if forced to. Pero ginagawa ko lang iyon kapag magkakape ako, but then minsan lang 'yon 'cause I have a machine to do it."

Sinapo nito ang noo. Pinagmasdan niyang mabuti ito. Mukha namang nagbibiro lang ito. Hindi naman niya kinakikitaan ito ng anumang disappointment. Mukha pa nga itong amused na amused sa kanya. Kaya?

"Can you even operate a stove?"

Pakiramdam niya ay gino-good time na lang siya nito.

"Siyempre naman, 'no!"

Naglagay ito ng pasta sa plato at sinubuan siya nito.

"I can do that," sabi niya dahil nanginginig na ang mga tuhod niya sa sobrang kilig. He seemed to be enjoying her compa­ny. Mukha namang hindi ito umaarte lang.

"C'mon, doon tayo sa table sa labas so we can eat our dinner properly," yaya nito sa kanya.

And she really had the most wonderful time of her life. For the first time, mula nang makilala niya ito, she had the chance to talk to him—really talk to him.

Pagkatapos ng dinner ay iniuwi na siya nito.

"Well, thank you for the dinner. Siguro naman, ngayong friends na talaga tayo, kapag pumunta ako roon ay may discount na ako," biro niya rito.

"Oo naman. At hindi—"

"Fifty percent?"

"Hindi lang fifty percent, libre," nakangiting turan nito.

Papasok na sila pareho sa pinto ng kanya-kanyang apartment nang may maalala siyang sabihin.

"Alfred...?" tawag niya rito.

Lumingon ito sa kanya.

Hindi niya alam kung magugustuhan nito ang sasabihin niya o kukunutan siya uli nito ng noo. But she felt like she had to say what was on her mind. "Huwag mo nang masyadong isipin 'yong tungkol kay Wendy. Pagdating ng araw, baka pasalamatan mo pa siya," nag-aalangang wika niya rito.

Ngumiti ito—much to her relief. "Yeah, maybe you're right. And thanks," anito.

Iyon na yata ang pinakamasarap na tulog niya. Nakatulog siyang nakapagkit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Maybe, now that Alfred seemed ready to accept na hindi talaga para dito ang pinsan niya, maybe he would see her in a different light. Maybe he would realize she was not that bad.

Tuloy, parang gusto na niyang maniwala kay Wendy nang sabi­hin nitong attracted din sa kanya ang binata kung ang pagbabase­han niya ay ang ginawa nitong espesyal na pag-aasikaso sa kanya sa restaurant.

She almost felt he liked her kahit noon pa man. Hindi nga lang niya mahanap ang rason kung bakit hindi ito gaanong nice sa kanya noon.

Well, things changed. Maybe...

Hmm...

ng mag{4

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon