Chapter 6

17.3K 335 2
                                    

KAHIT naka-focus ang mga mata niya sa daan habang nagmamaneho ay lumilipad ang isip ni Alfred papunta sa kung saan niya iniwan ang babaeng wala na yatang alam gawin kundi ang pagsalubungin ang mga kilay niya at pakunutin ang noo niya—sa babaeng bawat gawin nito ay talaga namang ikinamamangha niya.

She really had great legs that were most pleasing to the eyes. Kung alam lang ng babaeng iyon kung anong kontrol ang ginagawa niya para huwag siyang mapatulala sa mga binti nito.

Kahit kailan, he would not understand Louise Gaston. Matagal na niyang kilala ito. Kung gaano na katagal na kilala niya si Wendy ay ganoon na rin katagal na kilala niya ang may pagka-weirdo na pinsan nito.

At aaminin niyang mula nang makilala niya ito ay pinilit na niya ang sariling huwag pagtuunan ito ng pansin. She was not that bad when he met her. Well, talagang maingay na ito at bungisngis nang bungisngis. She liked to party even then. But... she became... worse? Wild?

He never learned how to deal with the likes of her. With the likes of his mother. And since he did not know how to deal with them, he chose to ignore them. And so he ignored Louise kahit ito lang naman ang madalas na kumakausap at bumabati sa kanya.

Pakiramdam niya, hindi niya kayang pakitunguhan ito. She was too outgoing, too blunt, too wild for him to even consider her as a friend.

When she was around, hindi niya alam kung ano ang kanyang ikikilos, kung ano ang iaakto niya. He was always in control of himself. But when Louise was near him, he just... slipped? Masya­dong malakas ang dating nito and it seemed he was scared of her. Like he wanted to run as fast as he could whenever she was around.

Gusto niya iyong pakiramdam kapag si Wendy ang kasama niya. He felt comfortable. Safe. It had always been easy and comfort­able talking to her. She did not make him feel suddenly out of control. And he liked that. He liked that kind of simpilicity.

Hindi niya kailangan ang komplikasyon katulad ng idinulot ng sarili niyang ina sa kanyang papa. There was no way he was going to allow himself to be subjected to that kind of complication.

But Louise never fails to amuse and amaze you, Alfred, bulong ng makulit na bahagi ng kanyang pagkatao. She never fails to make your heart skip a beat. She never fails to draw a smile on your lips kahit pa nga inilalabas mo lang 'yon once na tumali­kod ka na sa kanya.

Oh, stop, damn it!

Louise was just like her mother—hindi napipirmi sa isang lugar, pabagu-bago ng gusto, madaling magsawa. At gagawin nito ang lahat masunod lamang ang nais nito kahit may matapakan at masaktan pa ito.

KAHIT hindi naman siya talaga maaga kung gumising, pinilit pa rin ni Louise ang sariling bumangon pagtunog ng alarm clock. Alas-singko na ng umaga. Ayon kay Wendy, alas-singko y medya kung mag-jogging si Alfred; at hindi ito pumapalya sa gawaing iyon. Kaya naman kahit pagsasayaw lang ang ginagawa niyang ehersisyo, magdya-jogging na rin siya.

Maganda naman ang lugar na iyon sa Makati. Mukha ngang subdivision iyon kahit hindi naman, malinis, at mababait ang mga tao. May munting park four blocks away from the compound.

Nakapang-jogging outfit na siya nang sumilip siya sa bintana sa sala. Hinihintay niyang lumabas si Alfred. Balak niya, pagla­bas nito ay saka pa lang siya lalabas. Ilang sandali pa ay nakita na niya itong lumabas. Naka-shorts at T-shirt na puti ito, with matching running shoes.

Huminga muna siya nang malalim bago siya nagpasyang lumabas. Kunwari ay hindi pa niya napansin ito. Nang lumingon ito sa gawi niya ay saka pa lamang siya nagsalita.

"Oh, hi, good morning!" masiglang bati niya. Nilangkapan pa niya ng bahagyang pagkagulat ang kanyang tinig for the effect. "I see you jog, too."

Tumango lamang ito at tulad ng madalas nitong gawin, pinasa­dahan siya nito ng tingin. Kahit ayaw nitong ipahalata, alam niyang nagulat ito sa outfit niya. Napakasimpleng white T-shirt at jogging pants siya, nothing fancy, nothing revealing.

Wholesome ang gaga, iyon marahil ang nasa isip nito. Ano naman kaya ang nasa isip nito? Na magmi-miniskirt siya kahit magdya-jogging siya?

"Puwede sigurong sabay na lang tayo," aniya. "Hindi ko pa kasi nasusubukang mag-jogging dito. Baka mawala ako," pakuwela pa niya sabay tawa.

Expected na niyang hindi ito tatawa kahit para paluguran lang siya; still, it hurt somehow.

"'Yon ay kung okay lang sa 'yo..." aniya.

Nakita na naman niyang nag-isip ito. Na para bang ang magig­ing desisyon nito ay makakaapekto sa national security ng bansa. Bakit ba pagdating sa mga sinasabi niya ay kinakailangan pa nitong mag-isip? He just had to say "yes" or "no" pero parang major decision pa iyon para dito.

The nerve! napipikang wika niya sa isip.

"Talaga bang ganyan ka o sa akin ka lang ganyan?" Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili.

Wari ay nagulat ito sa pataray na pagtanong niya.

"What do you mean?" anitong nasa anyong hindi talaga nito maintindihan ang tinutukoy niya.

"Don't act as if you don't know what I'm trying to say. But since you want to pretend you're slow, I'll explain it to you," nakapamaywang na sabi niya. "Bakit kapag ako ang kausap mo o ako ang humihingi ng kaunting pabor mula sa 'yo, eh, parang kailangan mo pang pag-isipan at timbangin ang mga bagay-bagay samantalang ang simple-simple lang naman ng mga sinasabi ko sa 'yo? Tulad ngayon, I only asked if I could jog with you pero hindi ka agad makasagot. You have to think about it over and over again. It's not as if I asked you if you would like to marry me and be the father of my kids, is it? Now, answer me, can I jog with you or not?"

"Y-yes, you can," anitong animo hindi pa nakakahuma sa maha­bang litanya niya. "You can jog with me."

See? Was that really so hard? sa loob-loob niya.

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon