Chapter 4

17.5K 330 0
                                    


"HOY, BABAE! Ano na naman ba ang sinabi mo kay Alfred?" bungad ng pinsan niya nang makapasok na ito sa kanyang private office sa kanyang boutique.

Hindi na niya naikuwento ritong nagsalo sila ng binata sa pizza.

Nag-angat siya ng mukha mula sa ginagawa niyang bagong design na ilalagay niya sa mga blouses na itinitinda sa store niya.

"Bakit, ano na naman ba ang sinabi ng magaling mong kapitba­hay, amiga?" tanong niya rito.

"Sinabi lang naman niya sa aking pagsabihan daw kita. At baka mamaya ay punuin mo raw ng tattoo ang buong katawan mo," natatawang turan nito pagkatapos nitong maupo sa couch.

Naka-uniform pa ito kaya alam niyang galing ito ng trabaho.

"Now, tell me the reason kung bakit hindi mo man lang na­banggit sa aking nagkuwentuhan pala kayo at nagsalo pa sa pagkain ni Alfred, ha?"

"Simple, lack of opportunity. Gabi ka na nakauwi, tulog na ko. Tulog ka pa noong umalis naman ako kinabukasan para sunduin ang daddy sa airport," aniya.

"Okay, fine," anito. "Ano nga'ng sinabi mo roon sa tao at binibilinan niya akong pagsabihan ka?"

"Sinabi ko lang naman diyan sa mega-ultra conservative na lalaking iyon na bukod sa paglalagay ng maraming hikaw sa tainga ay may malaking tattoo ng cobra sa likod ko," aniya habang ipi­nagpatuloy ang pag-i-sketch.

Napahagalpak ito ng tawa. "Sinabi mo 'yon?"

"Asus, ano pa ba naman ang mawawala sa akin kapag sinabi ko 'yon? Matagal na namang malaki ang disgusto sa akin ng Alfred na 'yon kaya wala nang problema kahit gatungan ko pa 'yon. Ang sarap naman kasing gulatin ng mokong na 'yon. Kung nakita mo lang sana ang hitsura niya nang sabihin ko pang hindi lang sa likod ko may tattoo kundi pati sa inner thigh ko—"

"Oh, you did not!" nanlalaki ang mga matang bulalas nito.

"As a matter of fact, I did. Sinabi ko pa nga sa kanyang lalaki ang nag-tattoo sa akin."

"Kaya pala sabi niya sa akin, sabihin ko raw sa 'yong inga­tan mo naman daw 'yang sarili mo at baka napagsasamantalahan ka na ng mga lalaking nakakasalamuha mo ay hindi mo pa alam," anito.

"Sinabi niya iyon?" Siya naman ang nagulat.

"Opo. Ano ba naman kasi'ng pumasok diyan sa kukote mo at kung anu-anong pag-iimbento ang mga sinabi mo?"

"Bakit 'di niya sinabi sa akin ang mga sinabi niya sa 'yo?" nakalabing wika niya.

"At mayroon pang pahabol," anito.

"Ano?" Tuluyan na niyang binitawan ang lapis na hawak niya at itinuon ang buong pansin niya sa sasabihin nito.

"Sabihin ko raw sa 'yong huwag kang magkaka-maling rumampa sa lansangan na napakaikli ng shorts. Maganda raw ang legs mo, pero pinagnanasaan ka naman ng mga lalaking nakakasalubong mo," ngit­ing-ngiting wika nito.

"Sinabi niya iyon?" di-makapaniwalang turan niya rito.

"Tumpak!" tugon nito.

"Nagagandahan siya sa legs ko?"

Naiimposiblehang tumitig ito sa kanya. "Akala ko pa naman, manggagalaiti ka dahil sa mga sinabi niya. Iyon pala, ang tanging bagay na tumimo riyan sa utak mo ay 'yong sinabi niyang maganda ang legs mo! You're impossible, Louise," tungayaw nito.

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon