Chapter 5

17.3K 309 1
                                    


"FIRST, make yourself visible."

Iyon ang unang-unang ipinayo sa kanya ni Wendy. Sounds reasonable, she thought. Kailangan niyang palaging magpakita kay Alfred hanggang sa dumating ang oras na sanay na itong palagi siyang nakikita nito; meaning, kailangang dalasan niya ang pag-istambay sa apartment ng kanyang pinsan. At hindi magiging mahi­rap iyon. Hindi niya alam kung gising ang lahat ng mga santo nang payuhan siya ng pinsan.

Nagkataong kailangan ng kanyang daddy na mag-stay ng halos apat na linggo sa Cebu kung saan naroon ang lola niyang mommy nito. Nagkaroon daw kasi ng problema sa negosyo ng kanyang lola na pinamamahalaan ng Tito Marco niya at hinihingi ng mga ito ang assistance ng kanyang ama.

Dalawang malaking grocery stores ang negosyo ng kanyang daddy bukod pa sa farm na dinalaw-dalaw nito sa Quezon. Hindi naman nagdalawang-isip itong magpunta sa Cebu at ipinagkatiwala ang negosyo nito sa manager nito.

So the timing was perfect. Dahil wala ang daddy niya, madali niyang maisasakatuparan ang ipinayo sa kanya ng kanyang pinsan.

Kaya heto siya ngayon, inilalabas mula sa kanyang Beetle ang mga gamit niya. Sa dami ng mga dala niya ay daig pa niya ang taong permanente nang maninirahan sa apartment ng pinsan niya.

Kahit ba isang buwan lang siya sa apartment ng pinsan, hindi niya puwedeng tipirin ang kanyang sarili sa mga damit na kailan­gan niyang dalhin. Kailangang kompleto ang wardrobe niya. Ngayon pang may misyon siyang dapat niyang asikasuhin.

Hirap na hirap na inilabas niya ang may-kalakihang bag palabas ng Beetle niya. May pasok ang pinsan niya kaya wala siyang katulong.

Suot niya ang maikling miniskirt na maong with matching malapad na sinturon. Naka-pink sando siyang may mukha ng isang babae sa harapan. Ang sandals na suot niya ay two inches ang taas.

"What happened?" narinig niyang turan ng isang tinig na kilalang-kilala niya.

Lumingon siya—hindi nga siya nagkamali. It was Alfred, her mission.

"Bakit parang dala-dala mo na yata ang lahat ng mga gamit mo?" tanong nito. Naka-white polo shirt at faded maong pants ito. Napakaguwapo nito, napaka-preskong tingnan. Naaamoy pa niya ang sabong ginamit nito.

Fresh from the shower, she thought.

"Well, magpapaampon muna ako kay Wendy. Kasi, wala akong kasama sa bahay namin. Kinailangan ng daddy kong pumunta sa Cebu."

Bakit ba hindi pa siya tulungan nito? Mukhang pupunta na ito sa restaurant nito sa Makati. Pero kahit na, hindi ba siya nito puwedeng tulungan muna?

"For how long?" anitong salubong na naman ang mga kilay nito.

Tingnan mo 'tong lalaking 'to! Akala mo naman, siya ang peperhuwisyuhin ko kung makapagtanong. Akala mo naman, siya ang magpapakain sa akin at maglalaba ng mga maruming damit ko! Hmp!

"Maybe a month. I'm not really sure. Depende iyon sa daddy ko," tugon niya.

Nakita niya ang ginawa nitong pagbuntong-hininga na para bang isang malaking kalbaryo ang pag-stay niya sa compound na iyon. Herodes na 'to! Humanda ka sa akin kapag dumating na ang araw na hindi mo na makakayang hindi man lang masilayan ang kagandahan ko. Kapag dumating ang panahong hawak na kita sa leeg, kuko mo lang ang walang latay!

Kung hindi pa mamuti ang mga mata mo sa kakahintay ng pag­dating ng araw na iyon, singit naman ng kontrabidang parte ng kanyang isip.

"So, we'll be neighbors," anitong aywan niya kung pagngiwi nga ba ang ginawa nito pagkatapos nitong sabihin iyon.

"Yes, most likely," aniyang ipinagkit sa mga labi niya ang pinakamatamis na ngiting kaya niyang i-produce. "And neighbors do help each other, right?"

"Oh," anitong wari ay noon pa lang ito natauhan. "Let me get that," anito, sabay buhat sa bag na nakalapag sa sementadong sahig sa paanan niya.

Nakahalata rin, aniya sa isip habang kumikibut-kibot ang mga labi niya.

Tumingin na siya rito nang hindi pa rin ito kumikilos; iyon naman pala ay nakatitig ito sa nakangusong mga labi niya.

Parang amazed na amazed naman ito. Lalo niyang pinatulis ang kanyang nguso para ipaalam ditong nakikita niyang titig na titig ito sa mga labi niya.

Napamulagat ito. "Oops, sorry," hinging-paumanhin nito. "Para ka kasing bata," bulong nito, pagkatapos ay binitbit na ang bag patungo sa apartment ng pinsan niya. Bukas na iyon kaya ipinasok na nito ang bag sa loob.

Sumunod siya ritong dala ang ilang plastic bags na naglala­man ng mga kikay accessories niya.

"Gusto mo ba muna ng juice?" tanong niya rito nang makapasok na siya sa bahay.

"Don't bother," tanggi nito. "Kailangan ko nang pumunta sa restaurant. Sabihin mo na lang sa akin kung saan ko ilalagay ang bag mo sa itaas."

"Ako na lang. Puwede ka nang pumasok, nakakahiya naman sa 'yo. Masyado na kitang naaabala," pa-considerate effect na sabi niya, kahit ang totoo ay malakas ang tinig na bumubulong sa kanyang gumawa siya ng paraan kung paano niya mapapanatili pa ito nang matagal sa apartment.

"This one's really heavy. I insist, show me where to put this," anitong talaga namang ikinakilig niya. That only meant na hindi naman ito namimili ng taong tutulungan nito. Kahit hindi siya isa sa mga paborito nitong tao, he had the heart to help her, katulad din ng ginagawa nito kapag ang pinsan niya ang nan­gangailangan ng tulong.

Nadagdagan na naman ang pogi points nito sa kanya. Hmm...

"Louise, I don't have all the time," narinig niyang wika nitong may himig na ng pagkainip.

"Sumunod ka na lang sa akin," aniya at nauna na siyang umakyat sa ikalawang palapag ng apartment. Dalawa ang kuwarto roon. Ibinukas niya ang silid na ginagamit niya tuwing naroon siya.

"Iyon na lang ba ang bag na dala mo?" tanong nito.

Tumango siya. Ang bango naman talaga ng mokong na 'to, saisip niya. Wish ko lang na darating din ang panahong malaya na akong amuy-amuyin ka. The time I can freely kiss you whenever I want to, wherever I want. Hmm...

Hindi niya namalayang napapapikit-pikit na pala siya dulot ng pananaginip niya nang gising.

Kunot ang noong pinagmasdan siya ng binata; dinama nito ang kanyang noo.

Nagulat siya sa pagdampi ng kamay nito sa kanyang noo.

"Are you okay? Nilalagnat ka ba?" tanong nito.

"H-hindi. W-why?"

"You look feverish," kunot ang noong turan nito at lumabas na ito ng silid. Narinig pa niya ang pagsabi nito ng "I'll go ahead" nang nasa hagdan na ito.

How dare you snapped like that, Louise Gaston! kastigo niya sa sarili. He's now laughing at you, mind you, crazy lady!

Ganoon ba talaga kalakas ang tama niya rito at kahit kaharap niya ito at pagkaliwa-liwanag ay nangangarap at nananaginip siya nang gising na nakatayo pa? Damn!

Did she really close her eyes? Nahalata kaya nitong parang sinisinghut-singhot niya ang amoy nito?

Ano pa, amiga! sigaw ng isip niya.

Aayaw - ayaw, Hahabul - habol  COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon