PINAGMASDAN niya ang kanyang mukha sa salaming nasa silid na iyon. Nakikita niya ang isang babaeng puno ng buhay, may kislap ang mga mata.
Simply because she was in love. Napakasaya niya at sa wakas ay nabigyan na siya ng pagkakataon para ipakita ang pagmamahal niya kay Alfred at para madama ang pagmamahal nito.
Did he tell you he loves you? tanong ng isang bahagi ng kanyang isip.
Hindi pa niya naririnig ang tatlong salitang iyon mula rito pero kaya naman niyang maghintay hanggang sa masabi na nito sa kanya ang mga katagang iyon.
Nararamdaman naman niyang he really cared for her. Kahit gabihin pa siya sa boutique ay walang araw na hindi siya sinusundo nito roon. At madalas pa siyang ipagluto nito. Wala na siyang mahihiling pa.
Well, yes, those three beautiful words. She longed to hear them from Alfred. But then, like she had said, she could wait.
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo," narinig niyang wika ng binata nang pumasok ito sa pinakaopisina niya sa boutique.
Napangiti siya nang makita niya ito.
"I hope ako ang nasa isip ng magandang dalaga," paglalambing nito, sabay halik sa kanyang mga labi.
Paano ba naman siya magrereklamo pa kung ganoon naman ito palagi sa kanya?
"Conceited," aniya rito.
Si Wendy ang unang-unang natuwa nang malaman nitong magnobyo na sila ni Alfred. Lumabas pa nga sila kasama ang boyfriend nitong si John. Pinakiramdaman niya noon si Alfred. Normal naman ang mga kilos nito. Ni hindi niya nakitang naninibugho ito kay John dahil ito ang pinili ng kanyang pinsan.
At doon niya nasigurong wala na ngang hold si Wendy sa kanyang nobyo.
"How was your day?" tanong niya pag-upo nito sa ibabaw ng mesa paharap sa kanya. Ipinatong niya ang kanyang mga braso sa mga hita nito.
"Fine. Medyo nakakapagod nga lang," anito.
Busy talaga ito dahil magtatayo na ito ng isa pang restaurant sa Quezon City. Three months na lang ay bubuksan na iyon.
"Tuloy ba tayo sa Biyernes?" tanong nito.
"Yup," tugon niya. Babalik na kasi ang daddy niya mula sa Cebu pagkatapos ng mahigit dalawang buwang pananatili nito roon.
Magugulat siguro ito kapag ipinakilala niya rito si Alfred bilang nobyo niya. Kilala na nito ang binata kahit hindi pa nito personal na nakikita dahil sa mga kuwento niya.
Ang daddy niya ang nakakaalam kung gaano kalaki ang crush niya noon kay Alfred. Panay nga ang sabi nitong kalimutan na niya ang binata dahil may katarata daw yata ito sa mga mata dahil hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya napapansin nito.
Tiyak na katakut-takot na kantiyaw ang aabutin niya mula sa kanyang ama. How he missed him. Sa mahigit dalawang buwang hindi niya nakita ito ay talaga namang nangulila siya rito.
Alam niyang magkakasundo ito at si Alfred. She was so sure of it.
"Kailan ka naman babalik sa bahay ninyo?" tanong ng binata.
"Baka 'pag sinundo natin si Daddy ay sa bahay na ako tumuloy. Babalikan ko na lang ang mga gamit ko sa apartment ni Wendy," tugon niya.
"I'll miss you," lambing nito sa kanya. Itinayo siya nito at ipinaloob sa pagitan ng mga hita nito at mahigpit siyang niyakap, her back against his chest.
"As if naman hindi na tayo magkikita," natatawa ngunit kinikilig namang wika niya.
Aakalain ba naman niyang aabot sila sa ganitong tagpo? Yes, na-imagine niya ito noon pero alam niyang hindi mangyayari ito dahil nga all eyes ito sa pinsan niya.
"Siyempre, iba pa rin 'yong nandoon ka sa malapit. Di hindi na tayo makakapag-jogging nang sabay niyan," anito.
Iisa lang naman ang paraan para palagi na tayong magkasama, aniya sa isip, just ask me to marry you.
"Wala nang maingay sa compound niyan," tudyo nito sa kanya. "Noon, alam na alam ko kapag nasa kabila ka na."
"At paano mo naman nalalamang nasa apartment ako ni Wendy?"
"Sa lakas ba naman ng tawa mo, kahit sa kabilang kanto ay malalamang dumating ka na."
Natawa siya nang malakas.
"'Kita mo na, hahanap-hanapin mo rin naman pala 'yong halakhak ko. Dati, noon, 'pag tumatawa ako nang malakas, nagsasalubong na 'yang mga kilay mo. Lalo na noong mapagalitan tayo ng librarian noon dahil napakalakas ng tawa ko at nagkataong kasama mo kami noon ni Wendy."
Natawa na rin ito nang maalala ang pangyayaring iyon.
"Aakalain ko ba namang eepekto sa akin 'yong gayuma mo?" biro nito.
"Gayuma ka riyan!" aniyang isiniksik lalo ang kanyang katawan sa mga bisig nito. "Alfred...?"
"Hmm?" anito sabay dampi ng halik sa ibabaw ng ulo niya.
"I love you..."
Mahigpit na yakap ang iginanti nito. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata and ignored the pain she felt in her heart.
He needed time, sabi na lamang niya sa sarili.
Ev3b
BINABASA MO ANG
Aayaw - ayaw, Hahabul - habol COMPLETED (Published by PHR)
RomanceAayaw - ayaw, Hahabul - habol By Claudia Santiago "Give me one reason reason why I should even consider giving you the second chance you're asking..."