"LOUISE, huwag mong paglaruan 'yang kutsilyo," ani Alfred sa kanya. Nasa kusina nito sila, naggagayak ng mga kakailanganin nila para sa lulutuin nilang menudo.
Iyon ang napili niya, kasi iyon ang paborito ng daddy niya. Gusto niyang ipagluto ito pagdating nito mula sa Cebu.
"Sorry," aniya.
"And, er, honey, baka puwedeng paki-check 'yong mga patatas kung okay pa. Last week pa yata ang mga 'yan na nasa ref," sabi nito habang dine-defroze nito ang manok at karne ng baboy.
Napatunganga siya rito. He called me "honey"? She was sure that was what she heard.
Tumuon ang mga mata nito sa kanya nang mapansin nitong titig na titig siya rito.
"Bakit?" tanong nito.
"Did you—" Itatanong pa ba niya rito kung tama ang pagkakadinig niya at tinawag siya nitong "honey"? She changed her mind.
"Yes...?"
"Wala. Never mind," agad na turan niya.
"Itinuro ko naman sa 'yo kung paano ang paghiwa ng patatas, 'di ba?" anito.
"Yup. Into cubes," proud pang sabi niya.
"Yeah, right," anitong tiningnan ang ilang nahiwa na niya. Iyon ay para sa isasahog sa giniling.
Damn! Maybe she should not have spent so much time studying the shape of his mouth and focused more on the potatoes.
"Let me do it," anito at kinuha sa kanya ang kutsilyo.
Dinampot niya ang maliit na notebook na nakalapag sa ibabaw ng lababo, pati na ang ball pen. Doon niya isinusulat ang mga instructions na sinasabi nito.
Cut potatoes and carrots into cubes and ignore Alfred's mouth, sulat niya sa pahina ng notebook.
"Ano naman 'yang isinusulat mo?" tanong nito.
"Just a reminder to keep an eye on the potatoes," mabilis na sagot niya.
"That's your third page of reminders and this is the simplest recipe of them all. Baka naman mamaya niyan ay abutin ka ng sampung oras para lang lutuin ang menudo kapag mag-isa ka na lang? Aba, naman, Miss Gaston, mamamatay sa gutom ang papakainin mo," biro pa nito.
"I'm trying to get organized," palusot niya.
"If you'd stop them notes and just pay attention—"
"I have been paying attention," objection niya. Could she help it if she had been paying more attention to him than to his lessons?
Kasalanan nito iyon. If he had not been gifted with the sexiest mouth of a man, she would not have spent so much time wondering how would it feel to be kissed by him.
"Kailangan kong ilista ang lahat at baka makalimutan ko na naman," rason niya.
"You're forgetting anyway," anitong hinawi pa ang mga hibla ng buhok niyang natanggal sa pagkakatali at tumakip na sa kanyang buhok. Iniipit nito ang mga iyon sa likod ng kanyang tainga. "Now, let's get started," anito.
At sinimulan na nga nito ang pagluluto. Mukha namang napakadali lang ng ginagawa nito habang tinititigan niya ito. Hindi niya lang alam kung ganoon pa rin kadali iyon once na siya na ang magluluto.
Hindi bale, ang unang patitikimin naman niya ay ang daddy niya. Hindi aangal iyon.
Tinakpan nito ang kaserola at bumaling ito sa kanya. Mga three to five minutes na lang daw ang ipaghihintay nila at maluluto na iyon.
BINABASA MO ANG
Aayaw - ayaw, Hahabul - habol COMPLETED (Published by PHR)
RomanceAayaw - ayaw, Hahabul - habol By Claudia Santiago "Give me one reason reason why I should even consider giving you the second chance you're asking..."