KILL'S POV
Tumakbo ako ng mabilis dahil kasalukuyang hinahabol ako ng mga reapers namin at ako'y pinapahuli dahil ikukulong na naman nila ako sa madilim kong kulungan.
Tila bang napakabilis nilang gumawa ng aksyon nang malaman nila na nagbabalak na naman akong tumakas.
"Kill, utos po ito ng iyong Ama na manatili lamang po kayo sa loob upang di po kayo mapahamak sa labas." Kalmado ngunit may kasamang pagbabanta ang kanilang pagsabi.
Tumakbo parin ako at dinededma ang sinasabi ng mga reapers namin, kahit alam kong sa susunod na gagawa ako ng isang bagay agad na nila akong tutukan ng baril at di magdadalawang isip na barilin ako.
Dahil ayon kay Ama sa oras na ako'y tatakas, hinding hindi dapat matakot ang mga reapers na puruhan ako kahit anak ako ng Eastern Mafia Boss, ang pagtakas ko ay ang desisyon ko at dapat kong harapin ang kapalit sa pagpili nito.
Napatigil ako, ang tanging nasa harap ko ngayon ay ang pagitan sa tagumpay ng aking pagtakas.
Nasa dulo na ako ng compound ng aming mansyon. Naririto ang isang napakalaking pader na siyang nagproprotekta sa mansyong ito.
Sa sobrang laki nito, walang sino man ang makakasilip sa buong lupain. At di basta basta itong nasisira dahil sinuguradong di ito matitibag ng kahit ano man kagaya ng nagmamay-ari nito.
Nararamdaman kong malapit na ang mga reapers namin sa aking direksyon dahil naririnig ko na ang mga kaluskos at yapak nito.
Humarap ako sa kanila at napangiti. Wala na siguro akong mapipilian kundi ito nalang.
Nilabas ko ang pistol ko at ang M4 na isinuot ko sa aking katawan. Pinagmasdan ko ang paligid at agad na itinutok ang unang lalabas ayon sa aking narinig.
Di nga ako nagkamali at nang lumabas ang reaper sa direksyong idinikta ko ay agad kong pinutukan ngunit dahil reapers sila ng Lafauci, hindi sila dapat maliitin dahil nakaiwas kaagad ito.
Pero ang tanging nasisigurado ko ay, nagkamali sila sa taong kakalabanin nila.
Sunod sunod nang dumating ang mga reapers ng Lafauci at binilang ko ito, nasa 6 sila. Madali lang to.
Kinalma ko ang sarili ko, kasabay ang pagrinig ko sa pagkasa ng mga baril nila. Nang makuha ko na ang tiyempo ay agad akong tumakbo pabalik kaya hinabol nila din ako.
Nang maloko ko sila na tumatakbo ako palayo, agad akong tumakbo pabalik para salubungin sila. Kumapit ako sa matibay na parte ng sanga ng puno at agad na itinutok ang M4 sa unang papatumbahin.
Agad itong natumba dahil ang ulo nito ang sinigurado kong tamaan.
Lima nalang, bumaba ako sa pagkakapit sa sang, agad akong tumakbo at sinalubong ang pangalawang reaper na itatarget ko, nang makatayo ako sa tabi niya, mabilis kong tinutok ang pistol sa gilid ng ulo at binaril ito.
Narinig ko ang pagputok kaya agad akong dumapa at gumulong pagilid.
Nang magkaroon na ako ng bisyon sa susunod na patutumbahin ko ay agad kong pinosisyon ang sarili habang nakadapa at ginamit ang M4 sa pagbaril ng hita nito kasunod ang ulo.
Mabuti nalang mayroong silencer ang ginagamit naming mga armas, masisigurado kong matatagalan pa dumating ang kasunod.
Naramdaman kong mayroong tao sa likod ko at agad na tumihaya at tinutok ang M4 at binaril ito. Mabuti nalang at naunahan ko ito.
Hindi pwede na masasayang ang matagal ko nang pinaplano.
Agad akong tumayo at hinanap ang natitirang reapers.
BINABASA MO ANG
Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)
Action[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD