Naglalaro sa labas ng mansyon ng Lascott ang batang Lascott pati ang batang Herriot.
Bata pa lamang sila ay malapit na ang dalawa. Nauna nila nakilala ang isa't isa bago nila nakilala ang iba pa nilang mga kaibigan.
"Seletherin, halika." Hinila ng batang Herriot ang batang Lascott. Napatingin ang batang Lascott sa kamay nila.
Masayang naglalaro ang dalawang bata na tila bang sila lang ang naroroon sa mundong ginagalawan nila.
"Seletherin, may ice cream daw na inihain sa hapagkainan. Diba paborito mo iyon?" Tumango ang batang Lascott at ngumiti habang tinitingnan ang mukha ng batang Herriot.
Hiniling ng batang Lascott na sana, ganito nalang ang mundo nila na parang silang mga ordinaryong tao, malaya at masaya.
Kumuha sila ng ice cream at inilagay ito sa apa nito, ang pinili ng batang Lascott ay tsokolate habang naman sa batang Herriot ay strawberry.
"Hmmmm. Ansarap!" Ngiting sabi ng batang Herriot.
Kumuha ng parte ng ice cream ang batang Lascott gamit ang daliri nito at ipinahid ito sa mukha ng batang Herriot, nagulat ito sa ginawa niya. Hinabol ng batang Herriot ang batang Lascott.
"Seletherin andaya mo! Ako may ice cream sa mukha ikaw wala. Andaya mo talaga." Nagtatampong sabi ng batang Herriot.
Dahil nakonsensya ang batang Lascott, lumapit ito sa batang Herriot.
Nang makalapit ang batang Lascott sa batang Herriot, naghiganti ito at ipinahid ang ice cream niya sa mukha nito. "Hahahahaha! May ice cream na sa mukha si Seletherin." Tumakbo ang batang Herriot at hinabol naman ng batang Lascott.
"AYYY!" Sigaw ng batang Herriot. Nabangga ito at natapon ang ice cream sa lupa. Tiningnan nila ang taong may gawa nito.
Tumingin ito sa batang Herriot habang pinapahid ang damit nito. Natigilan sila nang makita kung sino ito, pero biglang nagbago ang pakiramdam nila nang magbago ang ekspresyon nito.
Makalipas ang isang taon.
Nagtipon ang Lascott at Herriott clan sa mansyon ng Lascott para sa usaping ukol sa importanteng utos ng Mafia boss ukol sa mga Mafia clan na taliwas sa Eastern Mafia boss.
Habang sila'y kumakain, napunta ang usapan ukol sa dalawang bata.
"Napapansin ko na napakalapit ng dalawang batang ito sa isa't isa." Komento ng Ama ng batang Lascott.
Sila ay anim na taong gulang pa lamang pero namulat na sila sa mundong pinanggalingan nila. Kahit anim na taong gulang palang sila, ang pag-iisip nila ay mas mataas pa kaysa sa kanilang edad.
"Ako din ay sang-ayon sa iyong sinasabi. Atsaka napalapit din sila sa dalawang tagapagmana rin." Ani ng Ama ng batang Herriot.
"Pero magulo na ang Eastern ngayon, simula ng pangyayaring iyon, hindi na natahimik ang Eastern." Tugon ng Ina ng batang Herriot.
"Maganda na nariyan sila para sa isa't isa. Alam natin na malalakas ang ating mga anak." Na siyang sagot ng Ina ng batang Lascott. Tahimik lamang na kumakain ang dalawang bata. Mas malaki ang epekto sa kanilang dalawa ang pangyayaring ito kaysa sa buong Eastern dahil sila ang nawalan.
"Mukhang maayos na ang kalagayan ng iyong kapatid sa Western. Bakit nanatili kayo sa Eastern kung mayroon naman kayong malakas na kapangyarihan at pamumuno sa Western?" Tanong ng Ama ng batang Herriot.
"Dito kami nagsimula, hindi ko kayang iwan ang mga bagay na mayroon kami rito. Kaya napagdesisyunan kong manatili na lamang rito." Uminom ng wine ang Ama ng batang Lascott pagkatapos nito magsalita. "Kuntento na ako rito at masaya ako sa narating ng kapatid ko." Dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)
Action[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD