Kabanata XXXII

80 2 0
                                    

KILL'S POV

Makalipas ang tatlong taon, nawala na si Felix pati ang kanyang Ama, tinapos na ni Ama ang Ama ni Felix habang ako'y nakikipaglaban sa anak nito.

Gayundin si Venus ay nawala na rin, nagpapasalamat ako kay Venus kung hindi dahil sa kanya ay wala na ako ngayon.

Agad na naagapan ako ng mga mafia reapers ng clan namin nang makita nila ako sa loob ng container. Ang mga narinig kong yabag at sigaw bago ako nawalan ng malay ay mula sa mafia reapers.

Nalaman nila ang lokasyon ko dahil may tumulong kay Ama sa pagsagawa ng planong pagpapabagsak kina Felix at ng kanyang Ama.

Naikwento sa akin ni Ama ang lahat rin, nalaman ko na isinanay niya ako ng husto dahil nalaman niya na buhay ang kanyang kapatid, at balang araw magiging balakid ito sa kanyang plano na siyang magdadala ng kapahamakan sa akin.

Lalo na't inamin ni Ama ang kasalanan na kung bakit hinayaan niyang makatakas ang kanyang kapatid sa labanang ginanap nila para sa posisyon.

At sa dahilan rin na hindi nila pagsabi ng totoo sa akin kasi ayaw nila na madamay ang tagapagmana ng Lascott at Herriot sa gulong mayroon sa pamilya namin.

Hanggang ngayon, hindi parin ako naging mafia boss ng Eastern at labing-anim na taong gulang na ako sa puntong ito.

Mukhang sinadya lamang ni Ama na sabihin na magiging tagapagmana ako sa nalalapit na panahon para mapalabas sina Felix at ang kanyang Ama sa tinataguan nito.

Alam rin ni Ama ang mga kilos na ginagawa ko sa mga panahong ako'y wala sa mansyon. Hindi talaga nila ako pinabayaan ng isang beses, mula sa paglinis ng kalat ko sa Sylokin, sa pagtapos rin ng mga clan na humahabol, at sa pagprotekta sa akin, hindi sila nabigo roon.

Nagsasanay na ako ngayon muli, binibisita ko na lagi si Gun at inensayo rin ako ni Ina paminsan minsan at sinasama na rin ako ni Ama sa kanyang mga gawain.

Nakakapagod na ang kalagayan ko dahil sa madaming mga responsibilidad na ang dumadating sa akin. Pero hindi ako sumusuko dahil alam ko na ang layunin ko.

Akala ko nung una, sa pamamagitan ng pag-alam lamang sa mundo ng ordinaryo ng sarili kong paraan kaya ko nang pamunuan ang Eastern ngunit nagkamali pala ako.

Marami palang akong dapat unawain hindi lang mundo ng ordinaryo at mafia kundi pati na rin ang nasa paligid ko at ang sarili ko.

Naisipan kong bumisita muli sa puntod ng dalawang mahalagang tao sa buhay ko. Matagal na rin ang huli kong bisita sa kanila.

Nilagyan ko ng bulaklak ang bawat puntod nila, sa tuwing may bakanteng oras ako, tumutungo ako rito. Kahit kaunti lang ang oras na meron ako, tutungo parin ako rito.

"Kamusta na kayo?" Ngumiti ako sa puntod nila.

"Marami na rin ang nangyari sa ilang taon na lumipas. Atsaka maayos naman parin ako, ganun parin madaming gawain. Hindi ko pa alam kung kailan ako mismong maging mafia boss dahil mukhang hindi pa binibitaw ni Ama ang posisyon. Okay lang naman sa akin yun, ayaw ko pang mamoblema ng husto sa ngayon." Tumunog bigla ang celpon ko.

Kakarating ko lang rito mayroon na agad ang naghahanap sa akin. Kailan ba nila ako bibigyan ng mahabang pahinga? Kahit isang beses lang, bigyan nila ako ng mahabang panahon ng katahimikan.

"Bakit?" Ang una kong sinabi nang sagutin ang celpon.

Nang marinig ko sino ang nasa likod ng kabilang linya, napabuntong hininga ako. "Alam mo na kung nasaan ako kapag hindi mo ako nakikita sa mansyon. Wala nang ibang lugar ang tinutunguhan ko sa panahong ito maliban lang sa mansyon at dito."

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon