Kabanata VI

4K 86 12
                                    

KILL'S POV

Nang matapos ko na ang problema ukol sa Sylokin, mabuti nalang at tahimik ko itong itinapos. Kung may naiwan man sa Sylokin clan, alam kong hindi nila kaya pang gambalain ako.

Dahil kapag gagawa pa sila ng isang bagay ulit, hindi na ako magdadalawang isip na burahin sila ng tuluyan.

Sa araw na ito na ako pumasok ng klase at balik na naman ako sa pagsuot ng maskarang ito. Medyo komportable na rin ako sa maskarang ito dahil kaya kong makihalo sa nga ordinaryo maliban nalang kung nandiyan si Soul sa paligid ko.

Ngunit, ang nakakapagtaka paano nila nalaman na ako ang nasa likod ng maskarang ito? Kailangan kong pagmasdan si Soul, dapat hindi ako basta basta magtiwala kahit kanino man.

Nang ako'y nakauwi sa aking condo, nakatanggap ako ng isang email mula kay Ama. Isang mahabang salaysay ang kanyang ibinigay na kung saan ang nilalaman lang naman nito kung bakit ako sumugod sa Sylokin ng basta basta lang at paano nalang kung nalaman ng buong Eastern na buhay ako.

Inaasahan ko na rin ito, simula nang buksan ko ang Covenant sa portal.

Pero nalaman ko nalang na sina Ama ang naglinis ng kalat na ginawa ko. Nilinis nila ito na tila bang kahit sulok nito ay di pinalagpas.

Sa tingin ko si Ama na ang nagtapos ng gawain ko. Nabura na ang Sylokin sa buong Mafia World at pinalabas nalang ni Ama na nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng Southern pati ng Sylokin.

Papunta na ako sa klase nang may bumangga sa akin.

"Aray!" Singhal ko.

Nilingon ko ang lalaking bumangga sa akin, dumiretso lamang ito sa paglalakad na parang wala lang nangyari. Pasalamat siya, nasa ordinaryong paaralan kami baka natapos ko na ang buhay niya.

Tumungo na ako sa aking upuan, napapansin kong masyadong magulo ang mga tao ngayon. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa bintana ngunit di ko maiwasang makinig sa kanilang mga usapan.

"Alam mo ba may bagong transferee daw sa klase natin ngayon?" Transferee? Tsk.

"Oo, nalaman ko lang kanina. Mukhang hindi siya ordinaryo tulad natin. Baka kasama rin siya ng mga Mafia heirs na nag-aaral rito." Di ko akalain na ang mga ordinaryo rito ay may kaalaman na talaga sa pinagkaiba nila sa mga taga-Mafia World.

"Oo, pansin ko rin yun, pero alam mo ba agaw pansin talaga siya kahit naglalakad lamang ito." Baka siguro isang panggap na confident na Mafia heir ata ang papasok rito.

"Alam mo yung pangalan?" Di na kailangan alamin dahil hindi ako interesado sa kanya baka nasa mababang clan lang siya kung taga-Mafia World ba talaga ito.

"Dexitrious ata yun." Mukhang pamilyar sa akin.

Tumunog na ang dambana hudyat na magsisimula na ang klase. Saktong pagkapasok ng mga estudyante, nariyan na rin ang guro.

"Magandang Umaga sa inyong lahat." Bati ng guro namin.

"Magandang Umaga po." Tugon naman nila.

"Bago tayo'y magsimula sa klase, mayroon tayong bagong estudyante na papasok sa ating klase." Pumasok ang isang lalaki, tumayo ito ng matuwid at ang kanyang atensyon ay pinunterya sa akin.

Kakaiba ang nararamdaman ko sa lalaking ito.

"Dexitrious Ignite Ernest." Ayan lamang ang nasabi nito. Di ko talaga matanggal sa sarili ko na mayroong pamilyaridad ako mula sa kanya.

"Mr. Ernest, pwede ka ng tumungo sa bakanteng upuan doon sa likuran." Pumunta siya sa kanyang upuan at di ko siya tiningnan kahit nakaupo na siya kanyang pwesto di parin nito tinatanggal ang tingin sa akin.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon