Kabanata X

3.1K 69 17
                                    

KILL'S POV

"Porke nasa ikalawang pinakamakapangyarihang Mafia clan kami, hindi kailangan na lahat ng aming ari-arian ay magarbo tulad ng inyo. Minsan kailangan din natin mag-isip labas ng ating nakasanayan. Kung hindi mo maiintindihan ang pinagkaiba ng apat na mundo, siguradong ang clan na tinatayo niyo ay maglalaho bigla." Pumasok na siya at naiwan akong di makapaniwala sa nakikita ko.

Di ko akalaing mayroong malaking puno sa gitna ng lugar na ito. Atsaka doon itinayo ni Die ang kanyang bahay, nagmukha itong isang tree house.

Sa unang tingin, hindi mo makikita ang bahay dahil sa mga dahon ng punong ito pero kung tititigan mo ito ng mabuti doon mo lamang makikita ito.

Sumunod ako sa kanya at umakyat sa puno papunta sa bahay ni Die.

Nang makapasok ako, di ko akalain na malawak ito, dahil sa maliit na itsura nito sa labas di mo akalaing mayroong gantong kalawak ang loob nito.

Maganda ang pagkagawa ng kanyang bahay at di ko maitatanggi na napahanga niya ako rito.

Isang simple ngunit magarbong bahay.

Naglibot ako saglit tapos si Die may binuksan na pintuan. "Dito ang kwarto mo, kung gusto mong magpahinga nakahanda na ang lahat ng kailangan mo. Kung may gagawin kang kakaiba rito, aasahan mo na wala nang sasalba sayo." Pagkatapos niyang sabihin iyon, pumunta na siya sa kanyang kwarto.

Pumasok na ako sa kwartong tinukoy ni Die, humiga ako kaagad sa kama, at ipinikit ko ang aking mga mata. Sa pagpikit ko, di ko nalamalayan na nakatulog ako.

Nagising ako at wala ako sa kama na tinulugan ko.

Lumingon ako sa gilid nang may narinig akong ingay.

May isang batang babae na tumatakbo at hinahabol ang isang kotse. Sinusubukan niyang mahabol ito ngunit hindi niya nagawa ito dahil sa kanyang mga maliliit na hakbang.

Nang mawala na ang kotse sa paningin niya, tila bang gumuho ang mundo niya at iniyak niya na lamang ito.
Tahimik lamang siya umiiyak, nagulat ako nang lumingon siya sa direksyon ko at doon niya isinigaw ang lahat habang umiiyak.

Ang kanyang iyak ay pumipintig sa aking pandinig. Sumasakit ng husto ang aking tenga na tila bang nilalamon ako nito.

Paulit ulit nalang na umaalingaw ngaw ang iyak niya.

Nagising ako bigla, anong klaseng panaginip iyon? Di ko namalayan na gabi na pala. Ganun ba kahaba ang itinulog ko?

Hinila ko kaagad ang pistol na nasa ulohan ko at tinutok iyon sa paanan ko.

May nakita akong anino, wala akong makita dahil ilaw lamang na mula sa bintana ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto.

Bigla itong tumayo at may hinagis sa akin.

"Bumili ako ng pagkain, nakakahiya kasi sa isa diyan na natulog kaagad pagkarating dito." Si Die lang pala. Mabuti na rin at nagising ako, di natin masisigurado na ligtas talaga ako rito kahit papaano maraming pagkakataon si Die na patayin ako.

Umalis siya at iniwan niya ako. Tiningnan ko ang mga pagkain, wala akong gusto sa mga binigay niya.

Tumayo ako at pumunta sa banyo para magbihis at napag-isipan na lumabas at maghanap ng pwedeng makakain.

Natandaan ko ang nilalakaran namin kanina kaya sinundan ko ito.

"Hi Miss," sabi ng isang lalaki na ngayon ko lang napansin. Mukhang ordinaryo lamang ito.

Dinedma ko lang sila, ayaw ko makakuha ng atensyon dahil baka maalarma ang mga mafia clans kung nasaan ang kinaroroonan namin. Dapat alerto kami sa bawat hakbang na ginagawa namin.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon