Kabanata XIX

2.2K 60 0
                                    

KILL'S POV

Pagkagising ko inaasahan ko na kulay puti ang bubunggad na kulay sa akin, ngunit kulay nude ang nakikita ko sa paligid. Suite ba ito ng ospital?

Biglang nagbukas ang pinto at iniluwal nito ang lalaking di ko inaasahan na pupunta rito.

"Kung ika'y nagtataka kung nasaan ka, nasa mansyon ka nina Death, isa ito sa mga kwartong pangbisita nila." Pumunta siya sa gilid na kung saan naroroon ang side table at may kinuha.

"Heto, kainin mo ito, dahil hindi ka nakakain ng ilang araw." Iniabot niya sa akin ang isang take-out na lagayan, tinanggap ko ito at sinilip ang laman, isang mushroom soup ang nasa loob.

"Wag kang mag-alala walang lason na nakalagay diyan, kung yan ang iniisip mo." Bumangon ako sa higaan at biglang kumirot ang braso ko kaya ako'y natigilan. Kinuha niya ulit ang pagkain at nilapag pabalik sa side table para tulungan akong bumangon.

"Ayan, dahil sa sobrang tagal mong natulog at walang kain, nawawala na yung lakas mo." Inalalayan niya akong makasandal sa higaan at inayos ang mga unan. May gana pa siyang pagsabihan ako.

Inayos niya ang bed table at nilapag ang soup. "Kaya mo ba?" Mukha ba akong sobrang napinsala at ganyan siya makaasta sa akin?

"Ehem!" Bago ako'y makasagot pa sa lalaki na nasa harap ko. Nilingon ko si Soul na nasa pintuan ngayon.

Nang makita niya rin si Soul ay agad na siyang tumungo sa pintuan, tumigil siya sa tapat ni Soul at parang nag-uusap ang dalawa na tila bang sila lamang ang nakakaintindi. Tumango si Soul at lumabas na ito.

"Kamusta ka na?" Napataas ang kilay ko, nakikita niya naman ata ang sitwasyon ko.

"Still great as ever." Sagot ko. Ngumiti ito.

"Pasensya na, kung pinaalis ko siya dahil pinapatawag siya ni Death." Umupo siya sa paanan ko. Bakit kailangan niya pang magpaumanhin? Hindi ko naman siya pagmamay-ari.

"May ikwekwento ako." Pagsisimula ni Soul.

"Nagkwekwento ka na." Sagot ko habang sumusubo ng soup. Napailing siya sa sinabi ko at nagpatuloy.

"Nung mga araw na natutulog ka, napagplanuhan namin na magtulong-tulong tayong apat para pabagsakin ang mga taong tumataliwas sa Lafauci." Tumigil ako sa pagkain at tiningnnan siya

"Soul, naiintindihan ko kung kayo ni Death pero si Die, ibang storya na iyon." Umayos siya ng upo.

"Alam ko Kill, pero nagboluntaryo siya na pumayag sa planong iyon. Alam namin na nasa black list sila ng clan niyo, pero nailigtas ka niya mula sa mansyon. Kung isa nga siya sa mga kalaban sana ay wala ka na ngayon. Kill, hindi ikaw nag-iisa, nandito kami para sayo. Hindi na madali ang takbo ng buhay mo ngayon." Hindi niya na kailangang sabihin iyon, alam ko nang hindi madali ang buhay ko simula nang namulat ako sa Mafia world.

Nilapag ko ang kutsara ko. Di niya ako maintindihan, maraming ang may gustong kumuha ng ulo ko, mahirap magtiwala dahil sa maling hakbang ko lang ay katapusan ko na. Kahit kilala ko sila, hindi dapat ako maging kampante.

Kung laban ko ito, laban ko lang ito, hindi na nila kailangang manghimasok.

"Hindi mo ako maiintindihan Soul. Dahil mayroong posisyon na naghihintay sa akin, hindi ako basta basta na kikilos sa mga ganitong bagay. Ang naghihintay sa akin ay isang malaking responsibilidad, na hindi ko dapat balewalain. Narito ako sa mundo ng ordinaryo para intindihin ko ang pinagkaiba ng mundong ito sa mundo natin, ngunit sa tuwing sinusubukan kong hanapin ang katotohanan hinihila naman ako pabalik." Napailing si Soul.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon