Epilogo

218 4 0
                                    

LIE'S POV

Tumingin ako sa hardin na pinagmamay-ari ko na ngayon. Mga reapers na nakatago sa kadiliman na tila bang aking mga anino sa mansyong ito.

Ang mga kahoy na nakakalat sa malaking lupain na ito na tila bang sinusubukang abutin ang kalangitan. Napangiti ako, kalangitan? Walang klaseng lugar iyon sa mundong ito.

Nakuha ng aking tingin ang isang pwesto, ito ang pwesto na kung saan ko tinapos ang buhay ng aking Ina na siyang nabulag sa buhay ng mafia world. Nang dahil sa pagbabagong iyon, iyon ang naging dahilan ng kanyang pagbagsak.

Dahil ako na ang namumuno ngayon, ibabalik ko na ang dating parte ng Eastern Mafia World. Ang kabuuan nito ay tanging mafia lamang, batas ko na ang masusunod.

"Miss Ernest, a message has been passed to you that the person you are expecting to come, will arrive tonight." Lumingon ako sa direksyon ng mafia reaper na nagreport sa akin ngayon.

Hindi ako nagkamali na piliin ang desisyon na ito dahil alam kong makakatulong ito sa aking iba pang mga plano para sa mundong ito.

"May iba pa bang nakakaalam tungkol dito?" Nakayuko parin ang ulo nito at umiling bilang hindi. "Fine. It is a pleasure working with you." Tinutok ko ang pistol sa kanya at pinutok ito sa kanyang ulo.

Agad na pumasok ang iba pang mga mafia reapers para kunin ang katawan at linisin ang kalat na nagawa nito.

Nilinis ko ang pistol na hawak ko nang may tumawag sa aking celpon. Agad kong sinagot ito. "Yes? Speaking." Ani ko.

"Okay, I will come. A word is a word Mr. Spears, or else, you will be able to take a taste of the poison." Binaba ko ang tawag pagkatapos at tumungo na sa ibaba ng mansyon para maghanda sa pag-alis ko papunta sa Northern.

Ang Northern, ang tanging bahagi ng Mafia world na hindi natinta ng dugo. Ang mundong tila bang nabulag sa katotohanan, ang siyang walang kamuwang-muwang sa galaw ng ibang mundong na nakapalibot rito.

Ang aking mga kamay ay gustong sirain ang mundong ito at ipakita ang tunay na kapalaran ng kanilang mga buhay. Kamatayan at katapusan.

Sumakay na ako sa kotse at tumungo na sa Northern. Tatlong oras ang buong biyahe papunta sa destinasyon, isang kotse lamang ang dinala ko upang di makakaagaw ng pansin sa mga taga-Northern. Pero may mga kasama akong iilang mafia reapers sa loob ng kotse, para handa kami sa maaring pwedeng mangyari.

Makalipas ang ilang oras, nakarating na kami sa destinasyon. Pumasok sa isang underground passage ang kotse at may lalaking nakatayo roon na siyang sumalubong sa amin.

"Good day! Miss Ernest, the heiress of Ernest and Lafauci clan in Eastern." Tiningnan ko laamang siya, nakayuko ito at itinuro sa akin ang daan papunta sa taong kikitain ko rito.

Nahanap ko kaagad ang silid ng taong ito, dahil sa pintuan pa lamang ay nakalagay na roon ang kanyang pangalan. "Maupo ka, Miss Ernest." Ani niya. Nanatili lamang akong nakatayo at hindi sinunod ang kanyang sinabi.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa, Mr. Spears. Nasaan na ang bagay na ipinautos ko sa inyo?" Tumayo siya at tumanaw sa kanyang bintana, natatanaw roon ang mga transaksyon na meron siya, ang illegal na pagbebenta ng mga armas sa iba't ibang clan ng Mafia world.

Sa sobrang inip ko, itinutok ko sa kanya ang dala kong M4LMG. Nakatalikod parin siya sa akin.

"Miss Ernest you are too impatient. You will receive what you wanted tonight, go to the the border between Eastern and Northern. My men will give it to you. Alam mo naman ang nilalaman nun ay maaring makakaalarma sa Northern kaya mas mabuti na kunin mo roon ito." Binaba ko ang baril at tumungo sa pintuan.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon