KILL'S POV
Papasok na muli ako sa paaralan, ito na ang huling araw ng pasukan ngayong taon.
Hindi ko na nakita muli si Felix ng gabing iyon, mukhang sinasadya niya na iwasan ako pagkatapos ng ginawa ko sa kanya.
Hindi ko rin nakita ang kanyang Ama o sino mang isinama niya. Natapos ang pagtitipon ng alas-tres ng madaling araw, nagsi-alisan na ang lahat at nasigurado rin na walang dayo ang naiwan sa loob ng teritoryo.
Nag-aayos na ako ngayon para pumasok. Dinala ko ang lahat ng gamit na gagamitin ko sa paaralan pati ang mga bagay na kakailanganin ko dahil may posibilidad na makikita ko sina Venus at Die ngayong araw.
Nang makaalis na ako sa mansyon at palabas na ng teritoryo, inihanda ko na ang maskara na susuotin ko. Sa parking lot nalang ng paaralan ako magpapalit.
Habang nagmamaneho ako patungo sa paaralan, napapansin ko na may sumusunod sa akin.
Lumiko ako kaagad sa kantong nakita ko at pinaharurot ang kotse. Nakita ko sa rear mirror na nakasunod nga ang mga ito sa akin.
Hindi lang isang kotse ang nakasunod sa akin kundi tatlo.
Bakit mayroon na namang ganito?
Lumiliko ako sa iba't ibang kanto para mailigaw sila, iniikot ko ang direksyon nila kaso hindi ako nagtagumpay sa pinaplano ko.
Kakaanunsyo lamang ni Ama kagabi, mayroon na kaagad na sumalubong sa akin kung saan saktong pagpasok ko sa lugar ng mga ordinaryo.
Dumadaan ako sa walang matao na parte ng siyudad na ito. Mas binilisan ko ang pagtakbo, nakakahabol parin sila sa akin.
Nakita ko na malapit na magstop light ang traffic light. Idiniin ko ng husto ang gas para tumaas ang takbo nito per km, saktong paglagpas ko sa traffic light ay nagstop na ito. Doon na rin dumaan ang iilang container truck at napilitang tumigil ang mga kotseng nakasunod sa akin.
Nagmaneho ako ng diretso sa direksyon na tinahak ko ngayon at napadpad ako sa isang tunnel. Kailangan kong maghanap ng U-turn para makabalik sa paaralan, siguro ay naligaw ko na ang mga nakasunod sa akin.
Walang dumadaan na masyadong sasakyan sa parteng ito, ito ang tunnel na dinadaanan kadalasan ng mga container truck mula sa port ng Eastern.
Mayroong u-turn doon sa mismong port kaya doon na lamang ako tumungo para umikot at makabalik kaagad sa paaralan ng tamang oras.
Nang makita ko na ang dulo ng tunnel, napasingkit ang aking mga mata.
Mayroong mga kotse ang naroroon na nakaharang sa labasan ng tunnel. Teka, agad kong brinake ang kotse.
Lumingon ako sa likod, umatras ako pabalik sa pinanggalingan ko. Napaghandaan nila ng husto ang planong ito at nahulog ako.
Kailangan kong tumakas.
Ngunit habang ako'y umaatras sa tamang bilis, may mga kotse na paparating na nagharang sa dadaanan ko rin. Fuck! Nacorner na nila talaga ako, nabasa nila ang galaw ko.
Tiningnan ko ang harapan at rear mirror ko para makita kung sino ang nagpasimuno nito.
Sa aking likuran ay may bumaba sa isa sa mga kotse roon. Nandilim ang aking mga mata nang makita ko sino ito, si Die.
"Lumabas ka ngayon din, Kill." Utos nito.
Kinuha ko ang mga armas na maari kong magagamit, hindi ko sinunod ang kanyang utos.
Nakarinig ako ng pagtira ng SMRS. SHIT! Agad akong tumalon palabas ng kotse.
Napagulong ako sa gilid, lumiliyab na ang aking kotse ngayon. Pinasabog ni Die ang kotse ng walang alinlangan.
BINABASA MO ANG
Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)
Action[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD