Kabanata XXXI

76 1 0
                                    

Sa mansyon ng Lascott, nang matumba ang batang Herriot kasabay na natapon ang kanyang ice cream sa lupa.

Napatingin ang batang Lascott at Herriot sa direksyon roon. Magagalit sana ang batang Lascott ngunit natigilan sila nang makitang ngumiti ito at iniabot ang kanyang kamay sa batang Herriot.

"Pasensya na, hindi ko sinasadya na banggain ka. Pwede kong palitan ang ice cream mo kung gusto mo." Ani nito.

Tinanggap ng batang Herriot ang kamay nito at tinulungan siyang tumayo. Agad na pinagpag ng batang Herriot ang kanyang damit.

Lumapit ang batang Lascott sa tabi ng batang Herriot at hinawakan ang kanyang kamay. "Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa mansyon namin?" Tanong ng batang Lascott.

Ngumiti muli ito. "Ako nga pala si Kioreen Idiode Levticeur Lafauci, sana ay maging kaibigan ko kayo." Naging alerto ang batang Lascott nang marinig ang apilyedo nito.

Lafauci, ito ang makapagyarihang clan sa Eastern ayon sa isipan nito.

Bumitaw ang batang Herriot mula sa kamay ng batang Lascott at tumungo sa direksyon ng bata na na nasa harap nila.

"Ikinagagalak kong makilala ka, Kioreen. Ako naman si Densign at si Seletherin naman ang isang ito." Sabay turo sa batang Lascott.

Hindi parin lumalapit ang batang Lascott sa kanila. Napamewang ang batang Herriot. "Ano Seletherin, nahihiya ka ba sa lagay na yan? Ayaw mo nun may madadagdagan sa atin, may bago tayong kaibigan." Lumapit ang batang Lascott sa kanila.

"Seletherin." Ani ng batang Lascott.

"Masaya akong makilala ka, Seletherin." Ngiting sabi ng batang Lafauci.

Nalaman ng dalawang batang Lascott at Herriot na tumungo ang batang Lafauci sa mansyon ng Lascott dahil dinala siya ng magulang roon para makihalubilo sa mga kaedad niya.

Ang batang Lafauci ang nakakatanda sa kanilang tatlo, ngunit matanda lamang siya ng ilang araw sa batang Lascott.

Mabilis na nagkasundo ang tatlo, lagi silang naglalaro sa mansyon ng Lascott. Hindi nagsasawa na magkasama ang tatlo.

Tila bang magkakapatid sa magkaibang magulang.

May dumagdag muli sa kanila hanggang sa lumaki na ito. Hindi nila akalain na lumaki ang mga nagiging kaibigan nila, pero tanging ang tatlong ito ang hindi talaga napaghihiwalay.

Habang nasa hardin sila sa mansyon ng Lascott, nakaupo sila sa gitna ng mga bulaklak na nakatanim roon.

Mag-aanim na taong gulang na ang batang Lafauci, at di na naiwasang itanong ng batang Lascott ang ukol sa clan nito.

"Kioreen, kailan ka nagsimulang mag-ensayo bilang sa paghahanda sayo?" Kinabit ng batang Lafauci ang bulaklak na nakuha nito sa tenga ng batang Herriot.

"Hindi ako inensayo ng husto nina Ina tanging pagdepensa lamang sa sarili ko ang natutunan ko." Sagot ng batang Lafauci.

"Hindi ka ba natatakot?" Nagtatakang nakatingin ang batang Lafauci at Herriot sa batang Lascott.

"Natatakot saan?" Tanong ng batang Lafauci.

"Sa nakaabang sayo, ikaw ang maaring susunod na mamumuno sa Eastern." Nag-isip ang batang Lafauci.

"Natatakot na hindi rin. Kasi gusto ko, sa oras na ako'y mamumuno pantay pantay ang tingin ko sa lahat, walang nakakataas o nakakababa, walang mahina at walang malakas, at walang maiiwan, lahat ay sama sama. Gusto ko ganun ang magiging mundo natin. Kaya balang araw siguro mag-eensayo na ako para maging malakas at magampanan ko ito." Napamangha ang batang Lascott sa sinabi ng batang Lafauci.

"Atsaka gusto ko rin na ang mundo natin ay hindi naglalakad sa kadiliman. Bilang pinuno sa mundong ito, gagawa ako ng daan para sa ating lahat upang mahanap ang liwanag." Dagdag ng batang Lafauci. Doon nawari ng batang Herriot at Lascott na iba na ang pag-iisip ng batang Lafauci dahil alam na nito ang mundong ginagalawan nila.

"Kaya pangako mo Kioreen, magiging mafia boss ka na titingalain ng lahat." Ani ng batang Herriot habang nakangiti.

"Tama! Basta manatili ka lang maging ikaw at tuparin mo lang ang pangako na ipinukol mo, magiging ikaw ang mafia boss na kakaiba sa lahat." Pagdagdag ng batang Lascott at ngumiti rin ito.

Natawa bigla ang batang Lafauci, nagulat ang dalawang batang Lascott at Herriot sa reaksyon nito.

"Masyadong maaga pa diyan, marami pang taon ang dadaan bago ako makarating sa puntong iyon. Pero pangako, ako ay magiging pinuno na kailanman ay hindi pa naroroon sa mundong ito." Niyakap ng batang Herriot ang batang Lafauci. Inasar nila ang batang Lascott dahil hindi ito lumapit sa kanila at hindi nakiyakap.

Sama sama silang nagdiwang ng kanilang mga kaarawan, siyempre naroon rin ang iba pa nilang mga kaibigan. Minsan ay bumibisita na din sila iba't ibang mansyon para maglaro.

Kahit malaya na naglalaro ang mga bata, tahimik at nakatago na binabantayan ng kanilang mga clan ang mga ito.

Ngunit isang araw doon nagbago ang lahat, may insidenteng ang nangyari sa batang Lafauci na siyang naging dahilan na hindi na nila muli nakita ang isa't isa.

Sinubukan puntahan ng batang Lascott at Herriot ang batang Lafauci ngunit pinigilan sila ng kanilang mga magulang.

Hindi nila alam ang dahilan ng biglang hindi pagpapakita nito. Araw araw hinihintay nila ang pagdating niya, kaso hindi na ito nangyari hanggang sa lumipas ang sampung taon.

Nang malaman nila ang pagtangkang pagtakas ng tagapagmana ng Lafauci sa mansyon nito, ginawa nila ang lahat para mapalapit muli rito.

Mula sa pag-imbento ng tagapagmana ng Herriot ng maskara at sa pagtulong ng kakailanganin nito.

Simula nang tumungo ito sa mundo ng ordinaryo lagi silang nakamasid sa mga clan na sumusugod sa tagapagmana ng Lafauci hanggang sa makakaya nila, proprotektahan nila ito.

Hindi nila akalain na bumalik muli ang tatlong ito sa isa't isa. Kahit hindi nila nalaman ang dahilan kung bakit hindi na nakikilala ng tagapagmana ng Lafauci sila, kuntento na ang dalawang tagapagmana na nakakausap at nakikita na nila ito makalipas ang sampung taon.

Sa tuwing na magkasama sila, hindi nila maiwasan na isipin ang dati nilang pagsasama lalo na ang tagapagmana ng Herriot na siyang pinapahalagahan ng husto ang tagapagmana ng Lafauci.

Sa huling sandali ng tagapagmana ng Herriot, hindi niya sinisisi ang lahat ng kanyang ginawa. Dahil ang lahat ng ginawa niya ay para sa mga taong mahalaga para sa kanya, tanging ang hiniling niya lamang nun na sana ay nagkaroon siya ng panahon na sabihin sa tagapagmana ng Lafauci ang lahat kaso huli na.

Kaya sa huling sinabi nito tanging pasasalamat niya ang lamang ang nasambit. Pero sana ay dumating ang mensahe sa likod ng pasasalamat ng tagapagmana ng Herriot sa tagapagmana ng Lafauci.

Gayundin ang tagapagmana ng Lascott, kahit sa sandaling iyon, hiling niya rin na sana ay mamulat na ang tagapagmana ng Lafauci sa katotohanan at pinasasalamatan niya rin ang pagkakataong nakasama muli ito.

Kahit hindi niya nasambit ito tulad ng tagapagmana ng Herriot, sana ay naramdaman niya ito bago tumalikod ito sa kanila at umalis sa gusaling iyon.

Ang batang Lascott at Herriot lamang ang siyang nakakilala sa tunay na Kioreen Idiode Levticeur Lafauci. Sila din ang susi para makilala ng tagapagmana ng Lafauci kung sino talaga siya.

Kailanman ang pagkakaibigan nila ang siyang patunay na sa madilim na mundong ginagalawan nila mayroon paring mga liwanag na siyang nagniningning sa lahat.

Hindi puro patayan, kapangyarihan at kompetensya, doon nila nalaman na sa kabila ng lahat ordinaryo din sila.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon